Chapter 5.
LIWANAG mula sa balcony ang nagpagising sa kaniya. Naaninag pa ng kaniyang mga mata ang halamang nagmumula sa labas nito. Marahan siyang bumangon. Kasabay nang paghawi ng kurtinang hindi kalayuan sa kama na kaniyang kinaroroonan.
“Ngayon ko lang napansin ang ganda ng loob ng silid na ito.”
Dumiretso siya sa labas ng balcony. Doon niya nakita ang malawak na hardin. Puno ito ng mayayabong na bulaklak. Ibaʼt iba ang mga kulay, na bumabagay sa istilo ng pagkakagawa ng swimming pool. Sa katabi nito ay may isang wishing fountain. Napabaling naman ang tingin niya sa horse barn. Sa isip pa lamang niya ay napakagandang pagmasdan ang pagkakagawa nito. Sumasabay rin ang buhok niyang mahaba sa ihip ng hangin.
“Kung ganito lang kaganda ang masisilayan ko sa umaga. Tiyak hindi ko pagsisihan na ito ay pagmasdan.”
Natahimik ang sinasabi ng kaniyang isipan. Nang marinig ang pagkatok mula sa labas ng kaniyang silid.
“Señorita . . . Señorita . . .”
Ngunit, ang bawat bigkas ng babae sa labas ng pinto ay hindi man lang niya pinansin. Bagkus ay ipinikit nito ang kaniyang mga mata. At sabay nagpakawala ng malalim na buntonghininga. Ramdam niya ang hindi mawaring t***k sa kaniyang puso. She is happy with her feelings. Pleasure that cannot be replaced. Natahimik ang silid. Hindi na rin niya narinig pa ang pagtawag ng babae sa kaniya. Niyakap ni Lea ang kaniyang sarili. At sa mga sandaling iyon. Isang init na nagmumula sa leeg ang kaniyang naramdaman. Dampi na humihila sa kaniya, patungo sa sensasyon na gusto niyang makawala. And that was none other than Tristan. The man gradually warms to her feelings. She didn't know how she would go along with what Tristan was doing to her. Nagising siya sa kaniyang kaisipan. At malakas niyang itinulak ang binata.
“L-Lea, wait . . .”
“Kailangan ko nang umalis. Alam kong hinahanap na nila ako,” naguguluhan pa niyang sambit.
Hindi man siya makatingin ng diretso sa binata. Nandoon pa rin ang kaba sa kaniyang puso. Tila ba isang hipnotismo ang nagbigay sa kaniya ng mga sandaling iyon? Nakita niya ang paggalaw ng lalamunan ni Tristan.
“Kung anoman ang bagay na ginawa natin kanina. Iyon ay hindi dapat.”
“I-Iʼm sorry.”
“Aalis na ako. Salamat sa isang gabing pagpapatuloy mo sa akin dito.”
Mayroon man pagkainis sa kaniyang mga sinabi ay mabilis ang naging paghakbang ng kaniyang mga paa. Palayo sa silid ng kaniyang pinagmulan. Bumungad sa kaniya ang may pagtatakang mukha ng babae. May dala itong pagkain na inihanda para sa kaniya. Natatakot siya sa hindi niya inaasahang pangyayari. Bagay na nagbibigay ng kalituhan sa kaniyang isipan. Kinuha niya mula sa kaniyang bag ang cellphone. At kaagad na tinawagan si Harry.
Subalit, nakita ni Tristan ang pag-dial niya sa pangalang nagrehistro sa telepono. Kumirot ang kaniyang puso.
“If you wish, I can take you home. Harry may not be available to pick you up right now, due to his current commitments.” Iyon na lamang ang mga salitang nasabi ni Tristan. Sa hindi niya mapigilang nararamdaman.
“Kaya kong umuwi mag-isa,” kunot noo na sambit ni Lea. Kasabay nang pagbalik nito ng telepono sa kaniyang bag.
“Iyon ba talaga ang gusto mo?”
“Bakit? Ano ba ang alam mo sa gusto ko? Wala kang alam.”
Napataas ang gilid ng labi ng binata. Sabay pagtitig niya sa mga mata ng dalaga. Halos dumaan ang bawat tingin niya pababa sa mga labi ni Lea. Sabik. Iyon ang nasa kaniyang isipan. Samantala, kaba man ang lumulukob sa puso ni Lea ay matapang pa rin niya itong sinagot. “Huwag kang mag-alala mababayaran din kita sa pagligtas mo sa akin kagabi.”
Matalim siyang tinitigan ni Tristan. At mahigpit na hinawakan ang kaniyang braso. “Maghihintay ako sa pangako mo.”
“Eh, ʼdi maghintay ka.”
Iyon man ang mga narinig ni Tristan. Nagbigay pa rin ng atensʼyon sa kaniya na ihatid si Lea sa bahay nito.
Tanging katahimikan ang namutawi sa kanilang dalawa. Habang sumasabay ang musikang nagbibigay kahulugan sa isaʼt isa. Subalit, sa kalooban ni Tristan ay gagawin niya ang lahat makuha lamang niya ang puso ng dalaga. No matter what happens. Tulad nga nang sinabi ni Harry sa kaniya. Mahahanap din niya ang tamang panahon, para sa babaeng inaasam niya. Kaagad niyang itinigil ang sasakyan. At mabilis siyang lumabas para pagbuksan ng pinto, sa nalalapit na paglabas ng dalaga. Isang masamang tingin ang iginawad nito sa kaniya. Saka ito muling nagsalita.
“Sa susunod na muli mong gawin ito sa akin. Makikita mo na talaga . . . ang hinahanap mo,” may inis niyang pagkakasabi sa binata. At mga tingin niyang mayroong pagbabanta.
Binalot ng kaba ang dalaga. Nang unti-unti itong lumapit sa kaniya. Ang pag-urong ng mga paa ni Lea ay biglang nahinto. Nang maramdaman niya ang matigas na bagay mula sa kaniyang likuran. Isang wall ng bahay sa labas nito, na maaring magkulong sa kaniya mula sa mga bisig ni Tristan. Sandaling nagkatitigan ang kanilang mga mata. Pakiramdam na bumalot ng parehong kaba sa pagitan nila. Dahan-dahang iniangat ni Tristan ang kaniyang mga kamay, mula sa mga labi ni Lea. Patungo sa mga mata nitong nakatitig sa kaniya. Sandali silang nagkatinginan. Sandaling tumigil ang oras. At pagkakataong hindi matutumbasan ng kahit sinoman.
Maybe this time. Iyon ang nasa isip ni Tristan. Higit pa sa pagkagusto niyang makilala ang babae. Siguro nga ay isang musika at hangin ang dumadampi sa kanilang mga balat na sumasaksi sa pagitan nila. At kung lumipas man ang mga oras nilang dalawa. Hindi manghihinayang isipin muli at bumalik sa mga alaala ng binata, ang kabang nagpabilis ng puso niya. Bumalik muli ang oras. At ang boses na nanggagaling sa loob ng bahay ni Lea ay nagpabalikwas sa kanilang dalawa. Nagtatalo man ang kanilang mga mata ay mabilis na nakawala si Lea, sa pagkakakulong niya sa mga bisig ng binata. Walang kahit na anong salita ang narinig pa ni Tristan. Saka siya sumilay sa pintuang nagkubli sa imahe ng dalaga.
“I'll make sure nobody else takes you away. And whoever he may be. He'll regret it, I'm certain of it.”