“SANDALI!” malakas na wika ni Neriza. Tinungo niya ang kanyang bag para kumuha ng damit at nagmadaling magbihis. But then again, tumigil siya at pilyang ngumiti. Ano kaya kung tudyuhin din niya ang lalaki? Baka sakaling magising ang libido nito at angkinin siya. Inayos ni Neriza ang buhol ng tuwalya at mabilisang binasa ang buhok para pagmukhaing kalalabas lang talaga mula sa shower, saka binuksan ang pinto. “Yes?” nakangising tanong niya.
Kumunot ang noo ni Marc, tumuon ang mga mata sa cleavage niya. Ang mga matang nagpapa-excite na naman sa kanya. “Estas intentado seducirme?”
“Ano? Huwag kang mag-Spanish! Marunong kang mag-Tagalog, marunong kang mag-English…”
“Marunong din akong mag-Italian,” nakangisi nitong tugon. “Sabi ko, are you trying to seduce me?”
“Seduce you?” Yes. Damn you! “E-excuse me! Ikaw itong akala mo may sunog o kaya ay may emergency kung makakatok. Siyempre ganito ang hitsura ko, kalalabas ko lang ng shower, eh,” aniya. “Mas lalo ka naman sigurong maiinis kung nagbihis muna ako bago ka pinagbuksan. Matagal akong magbihis, okay?” Tinaasan niya ito ng kilay. “Bakit? Apektado ka sa hitsura ko?”
Aroganteng tumawa si Marc, iiling-iling. But Neriza caught that spark of desire in his eyes. Kung ganoon ay apektado rin ang binata sa hitsura niya. Gusto niyang magdiwang. “Ang mga labi mo, kawawa naman, pulang-pula...” anito.
Nahawakan niya ang mga labi. “Duh! Sadyang mapula ang labi ko, `no. Natural `yan.” Umingos niya.
Marc laughed again. Napakaarogante ng guwapo nitong mukha. “No. Mukhang dulot ng mariing pagkakagat ang pamumula niyan.”
Natigilan si Neriza. s**t. May bakas pa ba ng ngipin ang mga labi niya? Kinagat-kagat nga niya iyon kanina habang pinagpapantasyahan ang lalaking ito.
Pilyong tumawa ang binata. “Why are you biting your lips, huh? Oh. Sa palagay ko ay alam ko na ang dahilan…” makahulugan nitong wika, hindi maipagkakaila ang panunudyo sa anyo. Konsolasyon na lang sigurong maituturing na mukhang may pagnanasa rin itong nadarama kahit papaano.
“At anong dahilan?” tanong niya, naiinis dahil parang kilala siya ni Marc. Nahuhulaan ba nito na dahil sa pagpapantasya ang pamumula ng kanyang mga labi? Na hindi siya pinatatahimik ng nakita niya kanina? s**t! Pakiramdam tuloy ni Neriza ay isang masarap ngunit mamahaling pagkain ang binata na hindi niya maa-afford. Nakaka-frustrate.
Bumaba ang mukha ni Marc, lumapit sa kanyang mukha. Natuliro si Neriza. Hahalikan ba siya nito? Parang sasabog ang dibdib niya sa kaba. Napuno ng anticipation at excitement ang kanyang pagkatao. Subalit sa pagkadismaya ay lumihis ang mukha ng binata at akmang bubulungan siya. “Ang dahilan? Ang nakita mo sa akin,” bulong nito sa kanyang tainga.
Nagdulot ng kilabot sa katawan niya ang mainit nitong hininga.
“Huh! Napaka-assuming mo!” angil niya bago lumayo. Nakakainis, nakakainis! Nakakainis ka, Neriz—a!
Mas naging pilyo at arogante ang mukha ni Marc. “First time mo ba? I mean, first time na nakakita ka nang ganito kalaki at—”
“Marc Hades!” putol niya. Hindi na nga siya mapakali, hayun at dinadagdagan pa ng lalaking ito. “Ganyan ka ba talaga? Arrogant. Conceited.”
“Hot?” nakangising dugtong ng binata. His arrogant freckled nose, to her dismay, looked so sexy.
Namaywang si Neriza. “Kung inaakala mo na mapapaalis mo ako dito because you’re sexually harassing me… nagkakamali ka! Mananatili ako dito!”
Naningkit ang mga mata ni Marc, nawala ang nanunudyong ngiti. Nawala ang pilyong kislap ng mga mata. “Sexually harassing you?” tanong nito, halatang hindi nagustuhan ang kanyang sinabi. Marahil ay iyon ang unang pagkakataon na may nag-akusa rito nang ganoon. Well, hindi na siya masosorpresa kung ngayon lang narinig ng binata ang mga salitang iyon. Why, women would surely jump in his bed without batting an eyelash!
“At ano ang tawag mo sa ginagawa mo?” tanong ni Neriza, mas pinipikon si Marc. “I’ve seen your package, all right. Hindi ka ba matahimik dahil doon? Gusto mong makabawi? Gusto mong makita ang sa akin?” matapang na wika niya. “O baka naman gusto mong malaman kung ano ang masasabi ko sa…” Pilyang binato niya ng tingin ang nasa pagitan ng mga hita ng binata. Hell, gifted talaga ang lokong ito. s**t. Pagkatapos ay nagtaas siya ng noo, naghahamon ang pagkakangisi.
Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Marc. Agad din namang nakabawi dahil kaswal na nagkibit ng mga balikat. “First, I am confident about this…” Yumuko ito, ini-emphasize ang sandatang tinutukoy na sa malas ay bakat na bakat sa suot na shorts. Napalunok tuloy si Neriza. “Hindi ko kailangang marinig ang opinyon ng iba just to make me feel good because I know I’m gifted.” Nagtaas na uli ito ng mukha. “Wala pang babaeng nagreklamo sa akin.” Mayabang na naman ang pagkakangisi ng binata. “Second… about getting even? Hmm. Sige nga, tingnan ko nga ang sa `yo…” Nang hindi siya makahuma ay humalakhak ito.
“Ano ba’ng kailangan mo, ha?” nagdadabog niyang tanong.
“Ah, that. Well, gusto ko lang siguruhin na hindi ka reporter, columnist, whatever. Writer ka, `di ba? Baka mamaya niyan, ginagawan mo na pala ako ng story, ng report, ng kung ano-anong kuwento. I’m warning yo—”
“Nakausap mo na si Imee, hindi ba?” asik niya. “Wala ka bang tiwala sa pinsan mo?”
“Mas mabuti na iyong sigurado. Better be safe than sorry. Mamaya n’yan, mamalayan ko na lang na ibinebenta mo na ang kuwentong ginawa mo tungkol sa akin. So, having said that, I’m gonna check your things and—”
“Check my things?” nakataas ang kilay na putol ni Neriza. “Sa palagay mo, papayagan kita?”
Nagtaas ng mga kamay si Marc. “Okay, okay. Pero sa sandaling malaman ko na nagsisinungaling ka, lagot ka sa akin.”
“Get lost,” aniya bago isinara ang pinto.
“HOLY cow,” mahinang bulalas ni Neriza nang makita si Marc kinaumagahan. Nasa kitchen counter ito. Nakaupo sa isang stool. Hubad-baro, tanging shorts lamang ang suot, at humihigop ng mainit na kape. Whew! What a sight to start my day…
Napansin siya ng binata. At hayun na naman ang nanunuot na tingin nito.
Kaswal na itinuon niya ang mga siko sa kitchen counter. “Do you mind if I use, if I cook some of these?” Itinuro niya ang mga itlog, tinapay, at kape. “Lalabas pa lang ako mamaya para mamili ng mga food supplies.”
“I’d appreciate it if you leave right away after you eat your breakfast,” masungit na sabi nito sa Spanish accent.
“Leave right away, as in mamili agad ako ng sarili kong food supply? O, umalis na ako sa lugar na ito?”
“Ang huli,” nakangising sabi nito.
Natawa si Neriza. Lumipat siya sa tapat ng binata nang sa gayon ay magtama ang kanilang mga mata. “Sorry to disappoint you pero hindi mo ako mapapaalis.” Napangiti siya nang mapansin na mas prominente pala ang freckles ni Marc sa may ilong at pisngi kapag umaga. Hayun at nangangati ang kamay niya na damhin at haplusin ang mga freckles. Gusto rin niyang haplusin ang mga labi nito. Gusto niyang kuyumusin siya ng halik hanggang sa pangapusan siya ng hininga. Ah…
Kaaga-aga, Neriza! sita niya sa sarili, tinungo na ang kinalalagyan ng itlog. Lihim na nangingiti dahil… s**t, dahil sa itlog ay naalala na naman niya ang package ni Marc. Ah, s**t! Malala na talaga ang tama ko. Kumuha siya ng bowl at nagbate ng itlog. Pagkatapos ay nagsalang ng non-stick frying pan. She also toasted some bread. Natigilan siya dahil sa pakiramdam na may nakatitig sa kanya.
Nilingon ni Neriza si Marc. He was actually staring at her, checking her out. Nakatingin ito sa kanyang pang-upo at mga binti.
Tinaasan niya ito ng kilay. Pero imbes na makadama ng pagkapahiya ay ngumisi lang ang hudyo.
“You look like you’ve just been made love to,” anito, nagsasayaw ang mga mata sa pagkaaliw.
By you. I wish. Nagkibit-balikat si Neriza. Okay. Malaya ang aalon-alon niyang buhok, nakasuot ng maluwang na T-shirt at maliit na shorts. Nakapaa rin siya. “I usually look like this,” nakangising sabi niya nang maisip ang nangyaring pagpapantasya kagabi. Mayamaya ay ibinalik na niya ang atensiyon sa inilulutong itlog.
Marc shrugged. “Did you take ballet classes?”
“Ano?”
“Ballet classes. Madalas ka kasing tumingkayad. A habit, perhaps?”
Tumaas ang kanyang kilay. “Napansin mo pa `yon? Hindi. Hindi ako nag-ballet.” Hinango niya ang scrambled egg. “Gusto mo?” alok niya.
Umiling ang binata. “I like my eggs… hard,” anito na muntikan na niyang ikasamid. “Hard-boiled eggs. Iyon ang gusto ko.” Nanunukso si Marc, walang duda roon. Patunay roon ang pagkakataas ng isang sulok ng mga labi nito.
“Masarap nga iyon,” balik ni Neriza, sinasalubong ang mga mata ng binata. Nagkakamali ito kung iniisip nito na makakaramdam siya ng awkwardness sa mga panunudyo nito. Kung alam lang ni Marc na mas ginagatungan pa nito ang mainit niyang imahinasyon. Patikimin mo ako minsan. Soon, I hope, gusto sana niyang idugtong.
Napansin ni Neriza na hindi na ganoon kairitado ang binata. Bagaman arogante pa rin ang dating. Naupo siya sa kitchen counter. She held her plate and started eating the scrambled egg and toasted bread. Pagsulyap niya kay Marc, nakita niyang nakatingin ito sa nakahantad niyang legs. “Stare, stare…” aniya.
Marc laughed. “I’ve only stared at your legs and you complain? Well, may I remind you that you’ve already stared at my package, sweetheart. Hmm?”
Nag-init ang mga pisngi ni Neriza. Bumaba siya ng counter, kumuha ng isang coffee mug at nagsalin ng kape, pagkatapos ay naupo sa kaibayo ni Marc. Tinawag siya nitong “sweetheart.” Batid niya na slip of the tongue lang iyon pero lumukso pa rin ang kanyang puso. If only he meant it.
“Tiene buenas piernas por el camino.”
“Ano?” asik niya. “Minumura mo ba ako?”
Amuse na tumawa si Marc. “Sabi ko, you have nice legs.”
“I know, right!” nakataas ang kilay na sabi niya.
“WHERE are you, son?” malumanay na tanong ni Talia sa anak.
“Mom, please,” pakiusap ni Marc. “Alam ko kung ano ang ginagawa ko. I need this. I need this time for myself,” nabubugnot niyang tugon. Naiintindihan naman niya ang pag-aalala ng ina dahil hindi alam ng kanyang pamilya na pumunta siya sa Pilipinas. Ngayon lang siya kumontak—isang bagay na hindi sana niya gagawin, kaya lang ay baka lalong mag-alala ang mga ito. He contacted them thru Skype. “I’m safe. Don’t worry.”
“Malapit na ang racing season. I mean, you’ve signed a contract, Marc.”
“Lo se, Lo se. I know, Mom.”
“No. I mean, malapit na ang racing season at may kontrata ka pero kung hindi mo gustong sumali sa kompetisyon, we can just buy out your contract. And then you take this season off and—”
“Mom…” putol ni Marc sa ina. Malakas na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Kailangan niyang mag-training bago dumating uli ang susunod na racing season para nasa kondisyon ang kanyang katawan. “Babalik ako in time. I promise. I will get the championship title back under my belt. Tell Dad and Alex that I’m fine, okay? I got to go. `Bye. Te amo.”
Wala nang nagawa ang ina nang magpaalam si Marc at putulin ang tawag. Napabuntong-hininga siya, pilit pinaluluwag ang mabigat na dibdib. He was Marc Hades Marquez. May pangalan sa mundo ng pinakasikat at prestihiyosong motorcycyle racing, ang MotoGP. Racing was his passion. Bata pa lang ay hilig na niya ang bikes. Napansin ng kanyang pamilya ang hilig na iyon at hanggang ngayon ay sinusuportahan siya.
Sa murang edad ay sumasali na si Marc sa mga karera. Target niyang makasali sa MotoGP. Hanggang isang araw, sa isang kompetisyon ay na-discover siya ng isang dating 125cc champion. He became his mentor. He trained him. At iyon na ang simula ng pagpasok niya sa malaki at makinang na mundo ng motorcycle racing.
With his hard training, discipline, dedication, and raw talent, Marc made his debut at the age of fifteen. Dahil sa magandang performance at impressive podium finishes ay nagsimula siyang magkaroon ng pangalan sa mundong iyon.
Marc was an aggressive rider. A daredevil. He meant business when inside the racetrack. Hindi maiintindihan ng iba pero pakiramdam niya ay may ugnayan sila ng kanyang motor sa sandaling nakasakay siya roon at nangangarera. At ang pagkaagresibo at uhaw sa panalo ang isa sa mga dahilan kung bakit siya mabilis na nagkaroon ng championship title. His name will be included in the books of history for he was the youngest MotoGP champion. Bukod sa championship title ay maraming records din siyang binasag.
And then Marc also got the looks and the charisma. Marami siyang tagahanga—mapalalaki o babae—hindi lamang mga motorcycle racing enthusiast kundi pati na rin ang mga babaeng nahuhumaling sa panlabas niyang anyo. “The Smiling Assassin” nga ang tawag sa kanya ng mga tagahanga. “Smiling” reffered to his happy-go-lucky demeanor and his smile itself. Ang “Assassin” ay patungkol sa galing niya sa pangangarera at kung papaano niya ina-outsmart ang mga kalaban.
Marc was the talk of the town. He was well aware of that. And he enjoyed it. Ine-enjoy niya ang mga bagay na dulot ng pagiging sikat. Women, for one. Ine-enjoy niya ang mga babaeng halos ialay ang sarili sa kanya. Mga babaeng gagawin ang lahat mabigyan lamang niya ng kaunting atensiyon. Ah, the s*x was always great. The relationships were all nothing but casual. Just flings. No strings attached.
Almost two years ago, Marc was already at the top nang makilala niya si Therese—kapatid ng isang ka-team nila sa Honda. Beautiful, simple, and alluring Therese. He fell in love with her. Pinursige niya ito. Niligawan. His playboy image was suddenly gone. Napasagot ni Marc ang dalaga. He was the happiest man on earth that time. At walang pag-aalinlangan na ibinahagi niya sa publiko ang relasyon sa dalaga. Kahit pa nga ba maraming fans—na karamihan ay babae—ang nadismaya.
Everything was perfect. Until last year, when Therese died in a car accident. Nawalan si Marc ng focus. Hindi niya nadepensahan ang kanyang championship title. But he didn’t care about it anymore.
Mag-iisang taon nang wala si Therese. But he was still longing for her…
Tumingala si Marc, pumipikit-pikit. Sinusubukang huwag mamuo ang mga luhang nagbabantang sumungaw sa kanyang mga mata.