HE FONDLED and kneaded until her n*****s turned pebble-hard.
“Hmm,” she moaned. Oh, she couldn’t stop herself from moaning. Couldn’t stop herself from giving her pleasure a voice. This was so intoxicating. “Please, touch me more,” she pleaded and bit her lower lip.
“Where?” he asked gutturally as his fingers agonizingly travelled downward to the V of her thighs. “There?”
“Yes. Oh, yes,” she said and arched her body. Feverish, she was.
“Mmm,” he murmured as he boldly eased her cheeks apart and slipped his middle finger down into her crease.
“Ohh!” she moaned, taken aback by the sting of sensation that flooded her system.
Itinigil ni Neriza ang pagtipa sa keyboard ng laptop. Sinulyapan niya ang suot na wristwatch. Hapon na pero hindi pa bumabalik si Marc. Pagdating niya kanina mula sa paggo-grocery ay hindi na niya ito nadatnan. Dinagdagan pa naman niya ang nilutong tanghalian pero nakakain na siya ng tanghalian at nakapag-merienda na ay wala pa rin ang binata. Mukhang uulan pa naman dahil makulimlim at malamig ang simoy ng hangin. Saan na kaya ito nagpunta? Saan nagpalipas ng maghapon?
Bumuntong-hininga si Neriza. Isinara na niya ang lid ng laptop at tinanggal ang suot na salamin sa mata. Dinala niya ang mga gamit sa kanyang silid. Lumabas siya ng beach house at ipinasyang maglakad-lakad sa dalampasigan.
Godiva—her alter ego. Sa pangalang iyon niya itinatago ang mga nobelang isinusulat. Hindi siya sigurado kung habang-buhay niyang maitatago sa kanyang pamilya at sa publiko ang tungkol kay Godiva. Pero sa ngayon ay sa kanila muna ni Imee ang sekreto.
Ah, malinaw pa ring naaalala ni Neriza kung papaano siyang namulat sa mundo ng kamunduhan…
Third year high school…
“TULOY ba tayo mamaya?” narinig ni Neriza na tanong ni Lorna kay Jessica. Nakaupo ang dalawang kaibigan sa isang bench malapit sa basketball court ng kanilang eskuwelahan. Balak niyang gulatin ang dalawa kaya marahan ang ginawa niyang paglapit sa mga ito.
Tuloy saan? naitanong niya sa sarili. Paano ay wala siyang alam na plano nila mamaya.
Bigla siyang na-curious. “Tuloy saan?” tanong niya, sabay tabi sa mga kaibigan. Halata ang pagkagulat sa mukha ng dalawa.
“Ahm… w-wala. Wala,” ani Jessica, halatang may itinatago. Nagtinginan pa ito at si Lorna kaya naman lalo siyang nagduda.
Nanahimik si Neriza, nakadama ng pagtatampo. “Sige, aalis na ako. Ituloy n’yo na ang pagpaplano ninyo. Obvious na hindi ako kasama riyan,” may pagdadamdam niyang wika. Tumayo na siya at akmang hahakbang palayo nang biglang hawakan ni Lorna ang kanyang braso at hilahin para muling umupo.
“Sure ka, gusto mong malaman?” anito.
“Ano ba kasi iyon?”
Inilapit ni Jessica ang bibig sa kanyang tainga. “Balak kasi naming ano… ahm… balak kasi naming manood ng b-bold.”
Nanlaki ang mga mata ni Neriza sa narinig. “Bo---” Hindi na niya nabanggit ang salitang “bold” dahil maagap na tinakpan ni Jessica ang kanyang bibig.
“Oo! `Yon na, huwag mo nang banggitin at baka may makarinig pa,” nanlalaki ang mga matang sita ni Lorna. “You know, part ng pagiging adventurous.”
“May nakuha akong CD sa bayan, actually napulot ko lang. Nalaglag yata n’ong may-ari...” Humina ang boses ni Jessica, halos pabulong. “Bold `yong picture sa cover. Quezon Scandal ang title. Hindi na namin ipinaalam sa `yo kasi…”
“Kasi conservative ako?” nakaingos niyang tugon.
“Kasi baka hindi mo kayanin,” ani Jessica, saka bumungisngis. “Ang laki n’ong ‘hotdog’ sa cover, Riza.”
Hindi na nagtaka si Neriza sa inasal ng kaibigan dahil sadyang may kaberdehan ang isip nito. Duda siya kung napulot nga lang ba ang sinasabi nitong CD. Hindi naman kasi lingid sa karamihan na paiba-iba ang kinakasama ng tatay ni Jessica. Ayon sa kanyang naririnig, karamihan daw ay pokpok na napupulot sa bar sa Maynila.
“`Sama ako,” lakas-loob niyang wika.
Nagkatinginan ang dalawa. “Sure?” magkapanabay pa na tanong ng mga ito.
“Yes. Hindi sarado ang isip ko. At lalong hindi makitid. `Tsaka, nakapanood na tayo ng pelikula na may kissing scenes at bed scenes, `di ba?” Konserbatibo man ang kanyang pamilya, hindi naman matatawag na extreme conservative si Neriza. Feeling nga niya ay hindi naman talaga siya konserbatibo. She was just the shy type of a person. Iyong mas pinipili na nasa sulok lang at hindi napapansin. Hindi rin siya mahilig sumunod sa kung ano ang uso. She was just a plain Jane na lagi lang nakasuot ng mahahaba at may manggas na damit. At laging nakapusod lamang ang buhok. And her glasses of course.
Marahil ay ang hitsura ni Neriza at ang reputasyon ng kanyang pamilya ang nagselyo sa kanya bilang conservative. But she was open-minded. Handa siyang sumubok ng maraming bagay. In fact, mayroon siyang To Do List—listahan ng mga bagay na gusto niyang subukan bago magtapos ng high school. She’d want to try drinking and smoking and many other things. Pero hindi kasama sa listahan ang panonood ng bold. But now… the idea was tempting. Very tempting. So, yes, she would give it a try.
HUMANTONG silang magkakaibigan sa silid ni Lorna. Ito lamang at ang kasambahay ang tao roon dahil dumalo umano sa isang kasalan sa kabilang barangay ang mga magulang nito. Sarado ang mga bintana at pinto, maging ang mga kurtina ay nakaladlad.
Kinakabahan si Neriza sa adventure na iyon. Bagaman hindi niya masabi kung ang kaba ay dahil sa takot na baka mahuli sila, o dahil sa excitement. Kombinasyon marahil ng dalawa.
“Ready?” ani Lorna habang hawak ang remote. Nakaupo silang tatlo sa paanan ng kama, sa harap ng TV. Nakasalang na rin ang CD bagaman naka-open pa ang player.
“Sige,” ani Jessica.
Pinindot na ni Lorna ang remote, sumara na ang CD player. Pagkatapos, sa loob ng ilang sandali ay may imahe na sa monitor ng TV. They all gasped at the revealing image. Ari iyon ng isang lalaki na naka-close up.
“Hala!” narinig niyang reaksiyon ni Lorna.
“Shet na malagkit. Ang laki!” ani Jessica, pagkatapos ay bumungisngis. “Ano, Riza, okay ka lang? Kaya mo?”
Nag-iwas ng mga mata si Neriza. “O-oo. Oo naman.” Nararamdaman niya ang pag-iinit ng kanyang mga tainga. Iyon an unang beses na nakakita siya ng ari ng lalaki. Exposed na exposed. Ngayon ay alam na niya kung saan tumutubo ang pubic hair ng mga lalaki sa ari ng mga ito. Disimuladong napalunok siya. Malaki iyon, mataba. Malaki rin ang dalawang kambal na bola. Oh, my goodness! Kaya pala, may bumabakat sa pantalon ng mga lalaki. Ganoon pala kasi iyon…
Sa sandaling iyon ay tinitimbang ni Neriza ang sarili. Na-shock ba siya? Natakot? Nandiri? Was she ready for that? Dahil alam niyang mas may titindi pa roon. Alam niyang may s****l encounters doon. At sino ang nakakaalam kung gaano ka-revealing ang mga eksena?
Biglang humawak nang mariin si Lorna sa kanyang braso. Dahil doon ay napatingin uli siya sa TV. Her eyes grew big. Hawak-hawak na ng isang malaking kamay ang ari ng lalaki. Pagkatapos ay gumalaw pataas at pababa ang kamay, ini-stroke ang p*********i. Tila ba nagkakaroon ng buhay ang ari. Nagkakalaman, lalong lumalaki, lalong humahaba, tumitigas… And the tip of that p***s was getting more prominent.
Neriza felt awkward. Lalo na nang magkaroon ng audio ng isang umuungol na lalaki. Kakatwa lang na hindi na niya maialis ang paningin sa TV. Tila ba ina-absorb at naiimprenta sa isip niya ang mga nakikita. It was so big. Hindi niya alam kung papaanong lumaki iyon nang ganoon, kung papaanong parang napakatigas.
Kung magiging totoo lang siya sa sarili, aaminin ni Neriza na pinaghalong pagkailang at fascination ang nararamdaman niya at hindi takot.
Hanggang sa mabulabog silang tatlo ng katok sa pinto. Nataranta silang magkakaibigan at hindi magkandatuto kung papaano itatago ang kanilang “krimen” at kung paano aakto nang normal.
Ang kasambahay lang pala ang kumakatok. Maghahatid lang pala ng merienda nila...
Neriza became green-minded then. She started touching herself, m**********g in the privacy of her room. Lagi na siyang kasama nina Lorna at Jessica sa mga patagong panonood.
Pagkatapos, dumating ang kolehiyo at naging kaibigan niya si Imee. Si Imee na mahilig din palang manood ng porn. No, hindi lang ito mahilig manood, addict na maituturing. In fact, she was subscribed to a certain porn site. Naimpluwensiyahan siya ng kaibigan. Hanggang sa matagpuan na ni Neriza ang sarili na nanonood na rin ng porn. Imee had given her access to her account, sa partikular na Web site kung saan ito naka-subscribe. There she could watch live s*x. It was explicit. Bold. So carnal. Lumawak ang kanyang imahinasyon. Mas lumalim. Mas naging mapangahas siya sa sarili.
And with every s*x fantasy, with every wet dream, with every m**********n, she had no one in her mind but the gorgeous rider who possessed powerful eyes and sensual lips and a killer smile, Marc Hades Marquez.
BAGO pa tuluyang kumalat ang dilim ay ipinasya na ni Neriza na bumalik sa beach house. Hindi na siya magluluto ng hapunan dahil marami pa namang tirang ulam kaninang tanghalian. Sobra pa iyon sa kanila ni Marc. Iyon ay kung kakain ito. Mamayang gabi ay magsusulat uli siya. Magsusulat hanggang dumadaloy ang ideya sa kanyang isip.
Binuksan ni Neriza ang pinto at pumasok. Mukhang wala pa rin si Marc. She went straight to her room. Papasok pa lang siya sa silid nang mapansin na tila bahagyang nakaawang ang pinto ng silid ng binata.
Bigla ay nakadama siya ng curiosity. Natutukso na sumilip sa silid na iyon. Don’t! awat niya sa sarili. Baka mahuli ka pa niya at giyerahin ka. Baka tuluyan ka niyang sipain paalis ng beach house.
Pero naalarma si Neriza nang makarinig ng kalabog mula sa loob ng nasabing silid. Walang pagdadalawang-isip na pumasok siya roon.
She saw Marc on the floor. Mukha itong nahulog mula sa kama. Agad din niyang napansin ang mga walang lamang bote ng alak sa sahig. Napailing si Neriza. Lasing na lasing ang binata, sigurado siya roon. Come to think of it, umalis nga ba si Marc o naroon lamang sa silid nito at nag-iinom? Mukhang ang huli ang sagot.
Iyon ba? Ganoon ba ang palaging ginagawa ni Marc? Ang magpakalunod sa alak? Alam niyang si Therese ang dahilan. Hindi pa talaga nakaka-move on ang binata. At parang gustong umiyak ni Neriza. She wanted to cry for him. Kinalma niya ang sarili at dinaluhan ang binata. “Marc…” aniya.
Marc barely opened his eyes. Hindi nga siya nagkamali. Lasing na lasing ito. “Hey,” he said. A devilish grin stretched across his face.
Pero hindi na madadala pa si Neriza sa ngiti ng binata. Nakikita niya ang kalungkutan sa mga mata nito at pilit lumalabas ang pangungulilang itinatago…
“Come on, come on…” Tinulungan niya itong makatayo para mailipat muli sa kama. But damn, hindi iyon ganoon kadali dahil malaking lalaki si Marc. Mabigat. Pero nagawa naman ni Neriza. Halos habulin niya ang hininga sa pagod.
“Kukuha ako ng tubig at— Ayy!” Hinawakan ni Marc ang kanyang braso at hinila. Napasubsob siya sa katawan nito. Ang sunod na namalayan ni Neriza ay nasa umbok na ng puwitan niya ang isang kamay ng lalaki, pumipisil. Nagresulta iyon ng ungol sa kanyang lalamunan. “M-Marc…”
“Sshhh,” anito, ang pangahas na kamay ay pumailalim sa suot niyang palda at hinaplos ang kanyang hita.
Napapasinghap si Neriza sa tila kuryenteng hatid ng kamay ng binata. Ang maliliit na boltahe ng kuryenteng iyon ay nanunulay sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan. Lumilikha ng apoy sa kanyang katawan. Hindi. Hindi niya gustong tumutol. Walang lugar ang pagtutol sa kanyang isip.
Sa isang mabilis na galaw, nagawa ni Marc na mapailalim siya sa katawan nito. Namumungay ang mga mata na nginitian siya ng binata. Neriza was losing her mind. Kaya nang umawang ang bibig ni Marc at apuhapin ang kanyang mga labi ay sinalubong niya ito. Hell, this was it. Bibigyang- laya niya ang sarili.
Marc was impatient. Hindi mapakali sa pagpisil at pagdama sa kanyang katawan ang maiinit na kamay nito. His hand was now inside her panties, cupping the triangle between her thighs.
Naiarko ni Neriza ang katawan nang laruin ng binata ang kumpol ng buhok doon. “Ah, Marc…” she uttered.
“I want you. I want you now,” usal nito nang pakawalan ang kanyang mga labi. Nagmamadaling ibinaba ng binata ang shorts at briefs hanggang sa kalahati ng mga hita. Pagkatapos ay itinaas nito ang palda niya at ibinaba rin ang kanyang panties.
Ibinuka ni Neriza ang kanyang mga hita. Hindi iyon perpektong love making pero basa pa rin siya at nagnanasa. Hindi rin siya makapaghintay na mag-isa ang kanilang mga katawan. And then Marc plunged inside her in a swift movement. “Aahh!” pagsinghap niya, nanlalaki ang mga mata at halos mapugto ang hininga.
Shit. Pumuno sa p********e niya ang malaking sandata ni Marc. Yumakap ang init niya sa matigas na p*********i nito, welcoming him, gripping him, possessing him.
Hindi ganoon ang inaasahang pakiramdam ni Neriza. Because hell, hinigitan pa ng binata ang inaasahan niya. Holy cow! He filled her wonderfully. Nakakalunod ang sensasyong kanyang nararamdaman. Masarap. Matamis. Langit sa pakiramdam.
Nakaawang ang bibig, humihingal, at nakatutok sa kanya ang mga mata ni Marc na puno ng pagnanasa habang labas-masok ito sa kanya. “Ooh… I… M-Marc…” Itinaas ni Neriza ang mga kamay at kumapit sa headboard nang maging marahas at madalas ang pag-ulos ng binata. Kinagat niya ang ibabang labi sa nararamdamang sensasyon. Batid niyang malapit na itong sumabog. Tulad niya.
Marc gutturally moaned, lalong naging mabilis ang kilos. Pandalas at wala sa ritmo kung umulos. Bumabaon at lumalabas ang matigas na sandata sa kanyang p********e. Aaminin ni Neriza na nasasaktan na siya sa karahasang ipinamamalas ng lalaki. And then he buried himself deep inside her. His throbbing p***s was pulsing inside her as he released his seeds.
Pumikit si Marc, tila high sa naging release. “Ooh!” anito bago ibinagsak ang sarili sa kanyang tabi.
Damn it, bulalas ni Neriza na nakadama ng frustration. She didn’t come. Hindi magandang pakiramdam ang mabitin. Sa una lang siya nasiyahan…
It was really frustrating. Binalingan ni Neriza ang binata. Tulog na ito. Natulala siya. What had just happened? He f****d her. Just f****d her. Ginamit siya nito para lang labasan ng tensiyon at init.
“Therese…”
Nilukob ng lamig si Neriza sa pangalang binanggit ni Marc sa pagtulog. Nakagat niya nang mariin ang ibabang labi, naiiyak na iniisip kung siya kaya ang nakikita ng binata kanina habang may nangyayari sa kanila. O si Therese?