Ikaanim na Kabanata

2715 Words
Desaree Alinea's View Minsan taksil talaga ang puso ng mga tao. Maaaring ayaw mo sa kaniya ngayon, pero bukas ay gusto mo na siya. From being strangers ay lovers na kayo.  Magugustuhan mo siya, mamahalin, maghihiwalay kayo tapos balik na naman sa pagiging estranghero. It's the same cycle when it comes to love. Hanggang sa makita mo na 'yung 'The One' mo.  In my case, nakilala ko na siya noon pa, oo siguro nga hindi kami nagkatuluyan pero siya ang first love ko at siya rin ang first heartache ko. Kaya naman nagpursigi na lang ako at iniwasan muna ang mga lalaki.  Pero ngayon, mukhang kahit na anong iwas ko ay hindi na mawawala sa sistema ko si Sire Jensen Austere. At iyon ang kinatatakutan kong mangyari, ang mahulog ang loob ko sa kaniya at sa huli ay maging isa lang sa mga binigyan niya ng damit.  "How about this one?" Itinapat ko sa katawan ko ang isang dress na nahalukay ko pa sa pinakailalim ng damitan ko. Hindi kasi ako palasuot ng dress kaya makikita mo ito sa pinakasulok. Kadalasan ay naka-slacks ako at long-sleeve o kaya ay blouse sa ilalim ng white gown ko. Tess and Lou both scrunched up their faces and shook their heads. I sighed at inilagay sa ibabaw ng kama ko ang dress kasama ng ibang nauna. "Sino ba ang ka-date mo? What's he like?" Curious na tanong ni Lou. Muli akong naghalungkat hanggang sa mahagip ng tingin ko ang gold dress na ibinigay ng Tita ko noon.  "Well, he's uhm..."  I trailed off. Hindi ko pa sinasabi sa kanila kung sino ang ka-date ko at baka magtampo sila sa akin, pero dahil susunduin ako ng higante ay malamang malaman din nila. "Gwapo, matangkad, arogante, manyak."  Tess gasped exaggeratedly. "Bakit ka makikipag-date sa kaniya kung ganoon?"  "Because I'm actually willing to give this a shot. Nananawa na rin ako kakatulak niyo sa aking makipag-date so here I am." muli akong humarap sa kanila at ipinakita ang dress na hawak.  They gave me flat look. "Kung ayaw mong magmukhang magb-ballroom ay 'wag mong isuot iyan."  I groaned as I threw it. "Whatever! Bakit ba mag-dress pa ako? Magpapantalon na lang ako at blouse!"  "Bakit kasi ayaw mong manghiram sa amin?"  "Nope! Salamat girls pero alam niyo namang may dugo pa rin sa akin si Maria Clara, at wala kayong dress na kung hindi maigsi ay kita ang dalawang bundok ko so… nope." mariing pagtanggi ko.   I picked up my best blouse and ripped jeans for a change.  "Well, just be yourself, kung talagang gusto ka naman niya ay kahit magsuot ka ng garbage bag hindi siya ma-t-turnoff sa'yo." payo ni Lou. "True!" pagsang-ayon naman ni Tess. Nginitian ko sila bago pumasok sa banyo.  "How do I look?" kabado kong tanong sa dalawa habang naghihintay kami sa living room. Halos magdugo na ang mga labi ko kakakagat ko.  I don't, for the life of me know, kung bakit ako kinakabahan pero I am and it sucks. "You look simple and yet… simple." biro ni Lou at humalakhak ng malakas. Pinalo naman siya ni Tess sa balikat. "No, honey. You look beautiful. I'm sure ikaw lang ang titignan ng ka-date mo whoever he is." pagbibigay lakas ng loob niya.  Just then, the doorbell rang. Halos madapa ang dalawa sa pag-uunahan para buksan ang pinto at rinig na rinig ko ang malakas nilang pagsinghap.  "Can you please wait a second? Thank you!" rinig kong sabi ni Lou mula sa labas nang tumayo ako at narinig ko kung paano nila mabilis na sinara ang pinto at bumalik sa akin. Pinagkukurot nila ako at inalog-alog na parang rag doll. "Omg, please tell me nagha-hallucinate lang ako at hindi si Sire Austere ang nasa labas? Huhu." atungal ni Tess habang inaalog ako. "You sly girl! The 'Sire Austere' pala ang ka-date mo tapos hindi mo sinabi! Look at us! Mukha kaming mga patatas!" sabay silang ngumawa ni Tess bago tumigil. "Well, anyway, hindi naman kami ang pinunta niya rito. Tara na at baka inip na ang prince charming mo."  More like hulk charming. Pagtatama ko sa kaniya. Hinila nila ako at muling binuksan ang pinto. Hindi ko mapigilang mapatitig sa ka-gwapuhan niya. Oo nga at manyak siya pero hindi maitatangging napakagwapo niya at idagdag pa ang unique ang scar niya sa kilay na ala-Charlie Puth. "Hi, ma chèrie. For you." muli niya akong binigyan ng bouquet of donuts at halos mabingi ako dahil sa dalawang tenga ko pa nagtitili ang dalawang kaibigan ko. Agad silang nakipagkilala kay Sire at nakipagkamay na tinanggap naman ng huli, but you can see the amusement in his eyes.  Tatanggapin ko na sana ito nang kunin ito ni Tess. "Kami na ang bahala rito. Lalagay namin sa ref. Go on, don't let us stop you. Enjoy!" Tinulak ako nang bahagya ni Tess papunta kay Sire at marahan naman akong inalalayan ng huli at agad ring tinanggal ang mga kamay sa baywang ko.  I blushed and widened my eyes at the two of them. Para nila akong binebenta at a cheap price.  Biglang sumeryoso ang mukha ni Lou na nakatingin kay Sire. "We know na hindi ka naman playboy, but Desa is important to us. Hurt even one finger at kahit na gwapo---" "Yummy." putol ni Tess sa sinasabi ni Lou at umubo.  "As I was saying, 'wag na 'wag mo siyang sasaktan dahil kami ang makakalaban mo. Got it?"  I couldn't help but smileat Lou and Tess. Alak ko kung gaano sila ka-in lust kay Sire, pero heto at pinagbibilinan ang lalaking hindi hamak na mas malaki sa kanila. Mga tunay talaga silang kaibigan. "Yes. And believe me, hurting her never crossed my green mind." He teased, causing me to nudge him.  Mukhang na-confused naman ang dalawa at bago pa nila ma-gets ang sinabi ni Sire ay nagpaalam na ako.  "Alis na kami."  Nagpatinuna nang maglakad si Sire kaya naman bumulong ako sa dalawa. "Don't eat my donuts." bago sumunod kay Sire na hinintay pala ako at pinauna na ako. I smiled faintly, but gasped when I heard what my best friends said. "Use protection!"  Nilingon ko sila at sinamaan ng tingin at tumawa lang ang dalawang baliw bago pumasok at isinara ang pinto. Napailing na lang ako sa kabaliwan nila at ramdam ko ang pamumula ng mukha ko sa hiya. "Sorry 'bout them. Medyo baliw talaga sila."  "It's fine. I like them. They're your true friends." I looked at him and noticed him smiling. I smiled back a little at hinayaan siyang alalayan ako pasakay sa elevator. Pagdating sa parking lot ay naabutan kong naninigarilyo habang nakadantay sa sasakyan si Desmon. Nang makita niya kami ay pinatay na niya ito gamit ang paa bago pinulot muli ang sigarilyo at inilagay sa isang ziplock at itinago a bulsa. He grinned when he saw me and was about to greet me by kissing my cheek perhaps, but Sire pushed his head away. "Don't even think about it or you'll regret it." may banta sa boses ni Sire na pigil sa kaibigan, pero ngumisi lang si Desmon at nauna nang sumakay.  Pasasakayin na sana ako ni Sire pero pinigilan ko siya. "I agreed to this date, but on one condition."  "Yes?"  "The place is my choice."  "Whatever you want, Rose."  "MANG INASAL?" basa ni Sire sa sign ng fast food. I'm so evil. Humalakhak na sabi ko sa isip ko sa nakitang gulat na hitsura ni Sire.  "Yes. Hindi ka pa nakakain dito?" kunwari'y curious kong tanong.  "Yes." sagot niya habang nakatingin sa mga taong kumakain.  Now that I look at it, medyo out of place ang suot niya. "Just remove your suit or something." payo ko sa kaniya. "Are you sure you wanna eat here?" "Oo. Bakit ayaw mo ba dito? Matagal na rin kasi mula nang makakain ako dito at na-miss ko."  At  totoo naman. Si Kuya kasi ang madalas kong kasama noon kumain dito at ngayong naalala ko ay nakaramdam ako ng lungkot. At inamala yata ni Sire ay nalungkot ako dahil sa kaniya. "Please don't be sad. Ayokong nakikitang malungkot ka at kung ang pagkain dito ang makakapagpasaya sa'yo, then so be it."  Naghanap na kami ng mauupuan at nang makahanap ay pinaghila niya ako ng upuan at nagpasalamat naman ako. Bago naman siya naupo ay tinanggal nga niya ang suot at isinabit ito sa likod ng upuan. Pagkatapos ay tinupi ang dalawang manggas hanggang sa siko.  "What do you want to eat?"  "Gusto ko ng pitso." nanabik kong sabi at ngayon pa lang ay nalalasahan na ang chicken oil nila na ibubudbod mo sa kanin. It's unhealhty, but it won't hurt to give into your cravings once in a while. Basta't hindi ka lang sosobra. "Okay. Stay here." sabi niya sa akin at tumayo na siya and I swear halos lahat ng mga mata ay sa kaniya nakasunod. Sobrang out of place kasi ang presensya niya at hindi ko sila masisisi.  Nakita ko ang inggit sa mga kababaihan and I felt a sense of pride dahil ako ang kasama niya at hindi sila. Okay, Desaree. Saan nanggaling iyon?  Pinagmasdan ko si Sire habang nakapila at pinigilang matawa. Sa sobrang laki niya ay halos hindi ko na makita ang mga tao sa likod niya.  When he saw me looking, he smiled at winked. I just rolled my eyes at binalik ang tingin sa mesa. Agad na naghanap ang mga mata ko at nang makita ang pakay ay kinuha ko ang mga ito. Toyo at ang chicken oil. Bago pa may makauna sa amin. Habang naghihintay ay hindi ko maiwasang magtaka. I'm sure the Austere's are one of the richest clan in the country, pero bakit alam niya ang mga bagay na pang-commoner lang? I'd like to think na hindi lang siya ignorante pero parang alam na alam niya ang pasikot-sikot. Mula sa pagsakay sa jeep, pagbabayad hanggang sa pag-order.  "Here's your order, madamoseile."  Natigilan ako sa pag-iisip nang ilapag niya ang inaabangan ko at kulang na lang ay pumalakpak ang mga tenga ko. "Maghugas ka na, nakapaghugas na ako ng kamay."   I nodded eagerly at agad na naghugas ng kamay. Pagbalik sa upuan ay nakita kong hindi pa niya ginagalaw ang pagkain niya. "I was waiting for you."  "Let's eat."  Dahil first time niyang kumain sa Mang Inasal ay tinuruan ko siya ng mga bagay-bagay tulad ng paglagay ng sauce sa kanin. He surprised me yet again when he ate using his hands without thinking twice. Sa harap ng maraming tao at sa public place.  A man wearing an expensive suit like him ate using his hands without a care in the world.  Habang kumakain ay tinitiganan ko siya at kahit na gaano at paano ko siyang tignan ay wala akong nakitang pagpapanggap o baka napipilitan lang siya to please me? Maybe this isn't what everyone's idea of a first date, but this was my plan to see the real him. To observe him more at hindi ako nabigo. May nakita akong bagong side niya na hindi ko itatangging humaplos sa puso ko. Kung iba siguro siya baka nag-inarte na o kaya naman ay iniwan na lang ako, but Sire's different. He's adjusting for me, he's doing things he hasn't done before for me. And that's enough for me. "Hindi ka kumakain? Want anything else?" pukaw niya sa pagkatulala ko. Umiling ako at muling kumagat ng piraso. "Hindi naman. Kain ka lang."  "After this, let's eat some ice cream while walking. Gusto kong magkakilala pa tayo."  "Sure."  He smiled and went back to eating.  "SO, YOU'RE TWENTY SEVEN  turning twenty eight. I'm twenty six turning twenty seven." pagkumpirma ko habang naglalakad kami at nag-uusap. Ibang-iba sa ibang araw na inaangilan ko siya.  "Right. You love donuts, I love organics. But you hate chocolate drinks, why?"  I blushed and covered it by coughing and eating my ice cream. "Basta ayoko lang."  Truth is, I get really hyper when I drink chocolate drinks, even just one sip. Kapag nakaubos ako, I'll become a different person and I hated it.  "Hm, I grew up in France, graduated there and then, I decided na dito magtayo ng negosyo."  "Buong buhay ko naman ay sa Pilipinas lang ako." "Bakit ka nag-Doctor?"  "One reason. Because I want to save lives. At ipinapangako ko sa sarili ko na hindi ako mamamatayan ng pasyente hanggang sa mag-retiro ako." He stopped walking and just looked at me. "What?" taka kong tanong sa kaniya. "Like I said… holy." panunukso niya sabay subo sa apa niya at binigyan ko naman siya ng wipes ko.  "I am not, but thank you."  "Well, for me you are." He gave it back to me at nagpatuloy kami sa paglalakad. "Pero alam mo, hindi naman 'yan maiiwasan pero kapag nangyari 'yan, ayokong sisisihin mo ang sarili mo. Hindi ka Diyos kaya hindi mo maililigtas lahat, Desaree."  I sighed as I wipe my hands. "Alam ko naman pero isipin ko pa lang na may mawawalang buhay sa mga kamay ko… hindi ko na kaya, eh." "Iyan ang buhay, ma chèrie. Just know that I'll be with you when that happens." He smiled at me, showing me his teeth.  I smiled back in appreciation. "Thank you." Muli ay nagbalik ang pilyong ngiti sa labi niya. "This date is nice, wouldn't trade it to anyone else. Maybe because I'm with you?"  "Shut up." anas ko sa kaniya at nagpatinuna na akong maglakad dahil sa pag-iinit ng mga pisngi ko. Mukhang ayoko man ay isa ako sa mga babaeng mahuhulog dahil sa mga salita niya. On our way back to the condo ay tahimik lang kami parehas ni Sire. I don't know, but there's an eerie silence inside the car. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa, idagdag pa ang hindi normal na pagpapatakbo ni Desmon sa kotse. "Okay, what's happening?" hindi nakatiis kong tanong. "It's nothing, Desaree." Sire said and I saw how his jaw clenched and his fists were closing and opening. Desaree. Tinawag niya ako sa pangalan ko at hindi mga endearment niya kaya naman nakasiguro akong may problema. "Just te---" my voice got cut off by the sound of bullets firing outside the car.  "s**t!"  I felt arms around me, but I was too afraid to notice everything.  "Sire, I have to fight back!"  "No, goddamit! I will not risk Desaree's life! Gumawa ka ng paraan para mailigaw sila hanggang sa maihatid natin siya. I will not f*cking sit until she's safe and sound."  The arms around me tightened, shielding me, protecting me. I felt safe, but the fear is still there. I took a peek at nakitang maraming marka ng bala sa bintana, but thank God his car is bulletproof.  "Don't look, baby. I promise nothing will happen to you as long as you're in my arms."  I felt him kiss my forehead as I closed my eyes and leaned my body on him. Hinayaan ko siyang protektahan ako sa mga sandaling iyon. Hinayaan ko siyang yakapin ako kahit pa kailan lang ay itinataboy ko siya. At hinayaan ko ang sarili kong maging kampante sa mga bisig niya.  Dahil pakiramdam ko ay ligtas ako sa piling niya. NAKAHIGA NA AKO SA  kama ay hindi pa rin ako makatulog, pero hindi ang nakakatakot na pangyayari ang iniisip ko kung hindi si Sire. I know I should be traumatized, but I'm too worried about him to even be afraid.  I shifted on my bed at muling tinignan ang phone ko kung may text o tawag siya, pero wala.  Siniguro nilang dalawa na nailigaw nila ang mga lalaki bago nila ako hinatid sa condo. Gusto ko sanang umuwi sa bahay, pero baka matunton raw ako roon at least dito ay safe ako.  Maraming katanungan ang nasa isip ko pero hindi importante ang mga ito sa ngayon.  I jumped when my phone beeped.  I'm outside.  Mabilis pa sa alas-kwatro akong tumayo at tumakbo sa pintuan. Agad kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin ang pagod na mukha ni Sire.  Ang sunod kong ginawa ay sabay na nagpagulat sa aming dalawa. Dahil kailanman ay hindi ko inakala na gagawin ko ito ng kusa. Pero nadala na ako ng emosyon. Nasala ako ng pag-aalala sa lalaking nagligtas sa akin at sinigurong hindi ako nasaktan.  Kaya naman natagpuan ko ang sarili kong niyayakap siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD