Desaree Alinea's View
"You've been hurt before, haven't you?" he asked, his deep-set of eyes staring intensely at me.
I backed up more when he took a step closer. Trapping me once more.
Nang itinaas niya ang kamay niya ay napapikit na lang ako. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang marahang haplos niya sa pisngi ko, at nang maramdaman kong palapit nang palapit ang mukha niya ay iniwas ko ang mukha ko at ibinaling ito sa kaliwa.
"If it was me, I will never hurt you." He whispered in my ear, his hot breath fanning the side of my face making me shiver.
My eyes opened and a soft gasp left my lips when he trailed kisses down my neck.
Gusto ko siyang pigilan pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. I don't want this! Do I?
"I will treat you like a rare diamond, a gold inside a mine, a pearl under the sea that you are."
He turned my head and I had no choice, but to stare at him.
Bumaba ang kamay niya sa bawat kurba ng katawan ko, humahaplos, dumadama, pumipisil.
"I will tell you how beautiful you are as I kiss every part of your body. Wala akong lalampasan, walang kakaligtaan." He said seductively at pilit kong pinipigilan ang sarili kong isipin ang mga sinasabi niya. The last thing I need is to imagine how he'll assault my body. "I will make love to each part of it. Until I leave my mark."
"S-stop." nang sa wakas ay matagpuan ko ang boses ko, hindi naman ako makapagsalita nang maayos. Stop touching me, Austere!
"Stop or… more?" he asked and chuckled at bago pa ako makagalaw, naiikot na niya ang katawan ko at ngayon ay nakadikit naman siya sa likuran ko. He took a whiff of my hair and I bit my lip. "Even your smell turns the hell out of me."
"Let me go!" I yelled at him.
"After I make love to this luscious body of yours, I will…" he trailed off and whispered. "F*ck you hard you'll forget how you hate me."
Binitawan niya ako at ramdam ko ang panlalambot ng mga binti ko pero napakapit ako sa book shelf. Gusto kong kagalitan ang sarili ko dahil sa pagpapakita ng kahinaan sa harap ng m******s na si Sire.
"Soon you'll beg me. Beg for me to touch you, to kiss you, to make love to you. I promise you that."
"N-never." sinamaan ko siya ng tingin at pilit na nililingon at unti-unting umayos ng tayo.
He grinned sheepishly and said, "Gising ka na ba?"
Huh?
"Aalis na kami, Desa!"
I opened my eyes and closed it again when the sun blinded me.
Panaginip lang?
Bakit parang nanghihinayang ka? tanong ng konsensya ko na ikinatakip ko ng unan sa mukha ko. Impit akong napatili sa unan para hindi marinig nila Mama.
For the first time in my twenty six almost twenty seven years of my life ay ngayon lang ako nanaginip ng ganoon tungkol sa isang lalaki, at sa manyak na Sire Jensen Austere pa na iyon!
Mabilis akong bumangon at itinapon ang unan ko sa kung saan. Paano ko siya mahaharap ngayong napaginipan ko siya at… at sa ganoong eksena pa!
What if he will see right through me again?! I asked myself in panic.
I groaned and buried my face under one of my pillows. Fudge you, Austere!
Wait a second. Napabangon ulit ako at inayos ang nagulong buhok na tumatabing sa mukha ko. Bakit nilu-lookforward ko na ang pagkikita namin?!
'Wag mong sabihing nami-miss mo siya gayung ilang araw mo lang siyang hindi nakita? 'Di ba 'ayaw' mo siyang makita?
I threw my hands up in the air in frustration and stood up. Wala na! Wala na! Unti-unti nang gumagana ang pangungulit niya sa akin at hindi dapat iyon mangyari!
My mind went suddenly back to my conversation with Desmon.
"I believe we haven't met before. I'm Desmon, Sire's driver bodyguard but I'm also his bestf friend." pakilala ng lalaking kasama ni Sire sa loob ng hospital sabay lahad ng kamay.
"Desaree." tinanggap ko ang kamay niya at agad din itong binitawan.
"Sire's not that bad, you know? Sure, he can be an asshole and a maniac, but trust me, he's serious about you."
"Paano mo naman nasabi?"
"Because one, hindi siya ang naghahabol, siya ang hinahabol. Two, Sire is the type of guy na kapag nagpakipot ang isang babae ay hindi na niya ipu-pursue pero ikaw? You've been on his mind for two months and no offense, but you're a stubborn one kaya naman nagulat din ako na hanggang ngayon ay nasa tabi mo siya."
Nag-iwas ako ng tingin at walang sinagot. Ano ba ang kailangan kong sabihin? Thank you? Dapat ba akong matuwa na kakaiba ako sa ibang babae niya? Dapat ba akong ma-flatter?
"Sire has his own unique way of helping other people, but know that when he wants to help someone, hindi siya titigil hangga't hindi niya ito natutulungan." he looked back and grinned at me. "Give him a chance and I promise you will not regret it."
"Desaree Alinea! Gising ka na ba?!" rinig kong sigaw ni Mama mula sa baba kaya naman nagmadali na akong mag-ayos at gawin ang morning routine ko bago bumaba.
Naabutan ko silang dalawa ni Papa na nakabihis na at handa na rin ang mga maleta nila.
"Buti naman at tumayo ka na. Aalis na kami ng Mama mo at baka mahuli na kami sa flight. Mahirap na ring masabay sa traffic. Anong plano mo sa huling dalawang linggo mo rito bago ka umalis?" tanong ni Papa. Si Papa kasi ay isang coach ng basketball kaya naman madalas siyang wala dahil kung saang parte ng Pilipinas siya nagpupunta. Tahimik lang siyang tao pero nakakatakot kung magalit pero nag-iisa niya akong babaeng anak kaya naman sweet siya sa akin.
Pupunta sila ng Palawan dahil may laro ang team ni Papa doon at si Mama naman ay may seminar ang opisina nila. Sabay na silang aalis para makapag-'date' din daw bago mag-umpisa ang kaniya-kaniya nilang schedule. Natutuwa naman ako dahil kahit na thirty years na silang kasal ay sweet pa rin sila sa isa't-isa.
"Doon muna ako sa condo namin nila Tessa mag-stay ng isang linggo tapos babalik ako dito para makasama ko kayo bago ako umalis."
"Sige. Mag-enjoy ka roon at kita na lang tayo next week." humalik sa pisngi ko si Mama at nagmano naman ako sa kanilang dalawa ni Papa.
"Ingat kayo roon." tinulungan ko na silang mailagay ang mga gamit nila sa kotse at pinanood ang pag-alis nila.
Patakbo akong bumalik sa loob ng bahay at naghanda ng dadalhin ko. Dahil may mga gamit pa naman ako sa condo ay hindi na ako nag-abala pang magdala ng damit. Siniguro kong nakapatay ang fuse bago lumabas at ilang minuto lang ay nakasakay na ako ng jeep papuntang Condo.
Pagdating doon ay napailing na lang ako sa gulo ng buong condo. Mukhang nagkaroon na naman sila ng mini party. Madalas nia itong gawin at minsan ay kasama ang iba nilang kaibigan. Inilapag ko ang mga dala ko at nagsimulang maglinis sa paligid. Dahil mamayang gabi pa naman ang uwi nila ay may ilang oras pa ako para sa sarili ko.
Si Tess at Lou ay parehong namamasukan bilang call center agents. Mula kolehiyo ay kaibigan ko na silang dalawa at kailanman ay hindi ko inangat ang sarili ko sa kanilang dalawa. We respect and love each other. Kahit pa may pagka-wild ang dalawang iyon.
Matapos ligpitin ang kama ay pumasok na ako sa kwarto ko. Nagpasalamat ako na katulad pa rin ito mula nang umalis ako at walang nagbago sa pwesto. Ang condo na ito ay para talaga sa aming tatlo at dito ako madalas na umuwi pagkagaling sa shift. Mayroon itong tatlong kwarto at tig-isa kami para sa privacy.
Kadalasan kasi kapag nagpa-party ang dalawa ay meron silang kaniya-kaniyang date at… nagiging magulo at maingay ang paligid. I love them both, pero minsan ay hindi ko kinakaya ang pagiging adventurous nila. Nariyang kapag umuuwi sila ay may kasamang dalawang lalaki o hindi kaya naman ay mas higit pa.
Hindi naman kasi ako 'yung tipo ng babae na prude o naive. I know how s*x works and I've seen a lot of nude bodies thanks to my profession.
Okay... so what to do now?
Habang nag-iisip ng magagawa ay tumunog ang cell phone ko indication na may message ako. Kinuha ko ito sa bag ko at napataas ang kilay sa hindi kilalang number na nag-text.
(Are you busy?) Basa ko sa preview ng text.
Dahil hindi ko ito kilala ay hindi ko sana papansinin pero muli itong nag-text.
(Let me take you out tonight, ma chèrie.)
Nang mabasa ko ang pamilyar na endearment ay napaikot na lang ako ng mga mata. In-unlock ko ang phone ko at sinimulang pagalawin ang mga daliri sa keyboard ko na kulay pink.
How did you know my number?
(Beep. I have my ways.)
Ano ka, BDO? Stalker ka talaga and no, thank you. Busy ako sa buong araw.
Hindi ko na hinintay pa na mag-reply siya at inilagay sa ibabaw ng kama ko ang phone. Dahil mainit ay naisipan kong maligo na lang at magbabad sa tubig. Pinuno ko ang bath tub at inilagay ang paborito kong Rose scent para kumapit ito sa katawan ko at lumubog na.
Pumailanlang sa buong banyo ang magandang tinig ni Ed Sheeran. At lalong na-relax ang katawan ko.
Oh, maybe I came on too strong
Maybe I waited too long
Maybe I played my cards wrong
Oh, just a little bit wrong
Baby I apologize for it
I could fall or I could fly
Here in your aeroplane
And I could live, I could die
Hanging on the words you say
And I've been known to give my all
And jumping in harder than
Ten thousand rocks on the lake
Nakakalimang kanta pa lang ako nang mapaigtad ako dahil sa tunog ng doorbell.
Nagtaka naman ako dahil wala naman akong inaasahang bisita at may limang oras pa bago umuwi ang dalawa. Pero baka napaaga ang isa sa kanila?
"Malamang si Tess 'to." wika ko sa sarili ko. Pero may susi naman sila pareho?
Sunod-sunod na ang naging pagtunog ng doorbell kaya naman hindi ko na nagawa pang magbihis at nagtapis na lang ng tuwalya.
"Ito na! Masiyado kang mainipin." With my red towel wrapped around my body and another one on my hair.
I opened the door and was greeted by the sight of Sire Jensen Austere standing in front of the door looking so devilishly handsome in an all black suit. I saw how he scanned my whole body like the maniac that he is and I saw how his eyes darkened with desire.
Nang makabawi sa gulat ay agad kong sinara ang pinto at sumandal dito. The dream earlier came back and my almost naked self isn't helping.
"Open the door, Rose." I heard him say in a deep voice.
"No! Ano ako bale? Magbibihis lang ako, maghintay ka riyan!" sigaw ko para marinig niya at agad na tumakbo papasok sa kwarto ko.
What is he even doing here? Most importantly, paano niya nalaman kung saan ako nakatira?! That.. that Hulk!
Taranta akong agad na nagsuot ng undies bago pumunta sa closet at naghanap ng pwedeng isuot.
"Ito kaya? No! It's too plain." Itinapon ko kung saan ang red blouse bago kinuha ang isang puting long sleeve. "White na naman? Masiyado na akong nagpapaka-doctor kahit na off duty!"
Nahalungkat ko na yata ang buong closet ko pero wala akong nakita. Napaupo ako sa kama ko habang nakatingin sa kalat na ginawa ko.
Then it dawned on me. Kailan pa ako nagkaroong ng paki sa isusuot ko?
I groaned and picked a random dress which happens to be a pink one and quickly threw it on. Humarap ako sa salamin at sinipat ang sarili ko. The dress isn't short, but not too long either. Spaghetti strap ito kaya naman kita ang makikinis kong balikat pero naisipan ko na lang itong takpan ng buhok ko. Mabilis na akong nagsuklay at nag-apply ng konting face powder at lip tint.
Okay, I look okay. I nodded to myself at naglakad na palabas ng kwarto. Muling tumunog ang doorbell at napahinga muna ako nang malalim bago ito buksan.
Bumungad sa akin ang naiinip na mukha ni Sire pero nang makita niya ako ay agad itong nawala at binigyan niya ako ng isang ngiti.
He surprised me by kissing my cheeks. "You look ravishing earlier, but you look gorgeous right now. Hm, I love your smell, My Rose." he took a step back and I was still stunned by what he did at mukha namang na-realize niya ito. "Oh s**t! I'm sorry! Masiyado akong nasanay sa greetings namin. Forgive me for kissing you, but know that it has no other meaning. Just a greeting."
I felt a pang of disappointment, but I quickly replaced it with a scowl. Binuksan ko nang maluwag ang pinto at pumasok na.
"Ano nga palang ginagawa mo rito? Pati ba naman dito sa condo namin natunton mo pa rin ako?"
Naupo ako sa mahabang sofa at pinanuod kung paano niya inilibot ang paningin sa paligid. His tall frame is almost overwhelming. Parang konting talon lang niya ay maabot na niya ang ceiling.
"This place looks nice." he smiled at me and stared at one picture plastered on the wall. "Like I said, I have my ways."
"Thank you." I said and rolled my eyes at his back.
Tumayo akong muli at tinignan kung ano ang pinakatititigan niya sa pader. I blushed when I saw that it was a picture of me when I was still in high school.
"Can I have this?"
"No!" mabilis kong sagot at bumuntong hininga. "Would you like something to drink?" pag-iiba ko sa usapan.
Naglakad na ako papunta sa kitchen para ikuha siya ng maiinom. As I was looking inside the refrigerator, I tensed as I felt his presence behind me.
"I'd have something organic, thank you."
Isinara ko ang pinto at lumayo sa kaniya dahil hindi ko maiwasang maalala ang panaginip ko. Pumunta ako sa cupboard at bumawas ng isang organic tea ni Lou at kumuha ng tasa na para sa guest.
"You seem off and I can't figure out why."
I stiffened and the bag of tea seemed to weigh heavier than it should be.
Please, God. Sana hindi niya nakita. Sana hindi niya napansin.
"Nah. You're always like this with me anyway."
I released the breath I'm holding and sighed in relief. Thank God.
Pilit akong tumawa bago itutuloy sana ang pagtitimpla when his voice stopped me.
"Sa labas na lang tayo mag-tea." Inilapag ko ang tea bag at nilingon siya. "Please?" He gave me a puppy eyes that I couldn't resist no matter how hard I try to.
"Sige." napipilitan kong sagot. Paano na ang balak kong manatili sa bahay maghapon?
Fifteen minutes later ay magkaharap na kaming nakaupo sa isang Tea Shop na 'Infinitea'.
"How long are you going to stay there?" pagkuwa'y tanong niya habang hawak ang tasa niya na may lamang green tea.
Napatingin ako sa sarili kong tasa na may laman namang honey tea na napangahalati ko na. "A week."
"Hmm." he took a sip of his 'organic' tea. At muli ko na namang napansin ang mga kababaihan sa paligid na nakatingin sa kaniya.
Girl magnet talaga itong higanteng ito.
"Why do you keep on stalking me, anyway?"
"I'm not." mabilis niyang depensa sa sarili. "I'm.. investigating not stalking." pagdadahilan niya at ibinaba ang hawak na tasa at muli akong tinitigan. "I was thankful for what you did earilier."
"Saan?"
"For giving me a show."
I choked on my drink and he immediately patted my back. Pinalis ko ang kamay niya sa likod ko at naupo naman siya ulit.
"You're such a p*****t. For your information, akala ko ay isa ka sa mga kaibigan ko at minamadali mo ako kaya hindi na ako nakapagbihis."
He pursed his lips and hummed. "May I borrow your phone?"
"Bakit naman?" Curious kong tanong sa kaniya pero ibinigay naman ito.
Hindi siya sumagot at nagpipindot sa cell phone ko.
"Hulk? Really?" may himig pagtatampong sabi niya. "I named you Rose and I'm Hulk? You're one cruel woman."
I shrugged my shoulders. "It suits you."
May ilan pa siyang pinindot bago ibinalik sa akin ang phone ko.
"So… about that dinner?"
"Bakit kailangan ko bang pumayag? Give me one reason."
"Because I'm your Hulk. My body, my heart, my mind, my blood. All green, baby." he wiggled his eyebrows at me and I tried not to, but he looked so silly that I laughed.
At ilang sandali lang siyang nakatitig sa akin na para bang nakasaksi ng milagro bago muling nagsalita. "Let me take you out on a date. I promise. No monkey business. Gusto lang kitang makasama sa isang dinner, a romantic one."
Tinimbang ko ang pros and cons. Kapag hindi ako pumayag ay kukulitin pa rin niya ako. Siguro nga ay kailangan ko siyang kilalaning mabuti kagaya ng sabi ni Desmon.
"One date." I agreed.