Desaree Alinea's View Nang sumunod na araw ay masiyadong tahimik sa buong hospital para sa akin. Iyon bang klase ng katahimikan na alam mong may kaguluhang mangyayari. Iyong tipo ng sitwasyon na alam mong dapat kang mag-ingat. At dahil alam ko na rin naman na may nakatakda ngang mangyaring kaguluhan at ang magiging bida ay ang Mayor dito. Hindi ko man gaanong kilala si Maurice ay alam kong tutuparin niya ang sinabi niya. At alam kong kayang-kaya niyang sirain at ilabas ang baho ni Mayor. Ang tanging hiling ko rin ay sana ay madamay ang direktor ng aming hospital sa imbestigasyon ngayong naibigay ko kay Maurice ang ebidensya ng pagiging kurakot niya. Ngunit maraming bagay ang gumugulo sa isipan ko sa mga sandaling ito. Nariyang iniiwasan ko pa ring mapag-isa kasama si Sire para maiwas

