Desaree Alinea's View Mabigat sa pakiramdam ang maglihim kay Sire, pero ayokong sa akin manggaling ang katotohanan. Sire is smart, alam kong malalaman niya rin ang totoo sa sarili niya. Nakita ko ang nakatayong si Maurice, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako komportable sa kaniya, pero siguro dahil na rin sa nakaka-intimidate ang laki niya. Idagdag pa ang ginawa niya kanina, walang kakurap-kurap niyang binaril ang mga lalaki. And it makes me wonder who he really is. Huminto ako sa tabi niya at hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin bago nagsalita. "It seems like everywhere he goes, danger is always after him. Kilala mo ba kung sino ang posibleng nasa likod nito?" he asked and turned to look at me, and his piercing eyes are enough for me to look away. Hindi ko kayang makipagtiti

