Ikatlong Kabanata

2818 Words
Desaree Alinea's View "Manyak! Kung hindi nila sisirain ang puso mo ay pagsasamantalahan ka naman! Mga lalaki talagang katulad noon. Kuh!" gigil kong wika at inihagis ang bag ko sa kama ko pagdating pa lang sa bahay.  Bukod sa inagawan na niya ako ng paborito kong pagkain at binola-bola ay may lakas pa siya ng loob na manyakin ako? That Sire Austere! May araw din siya sa akin! Hindi porke't Sire ang pangalan niya ay luluhod na ako sa harap niya at gagawin lahat ng gusto niya! Not on my watch. Kung inaakala niya na katulad ako ng mga babaeng nangangatog na makita pa lang siya, pwes nagkakamali siya. "I am a man who sees the real beauty inside them when everyone's judging their looks."  His words kept on replaying in my head. What a total player. He sure has a way to seduce women with his words. Half-french nga siya. Hindi ba nga't sa pagiging romantic kilala ang mga pranses? I bet he's just using sweet nothings to bed women after women.  Nahiga ako sa kama ko at pinagmasdan ang kaguluhan nito. Okay, siguro nga ay hindi ako ang pinakamalinis na tao sa buong mundo pero kung katulad kitang walang inatupag kung hindi mag-aral nang mag-aral kahit pa nakatapos na ay maiintindihan mo ako. Kahit na isa na akong ganap na doktor ay walang katapusan ang pag-aaral para sa akin. Dahil para sa akin, marami pa ring misteryo ang katawan ng tao na kailangang pag-aaral. Besides, a doctor can never be overconfident. It is life we are talking about after all.  "It's beating like this because of you. Ever since I saw you two months ago, my heart's never been normal since then."  I snorted and closed my eyes. Hindi mo ako makukuha sa matatamis mong salita, Austere. Hindi ako katulad ni Lena o nino man na naikama mo na. Hindi ko kailangan ng lalaki para lang may mapatunayan sa sarili ko. Tinanggal ko sa pagkakatali ang buhok ko at napatingin sa mga maleta kong nakahanda na. Ilang linggo na lang at aalis na ako. Siguradong hindi ko na makikita ang mukha no'ng donut stealer na iyon. Ituturing ko na lang siyang isang masamang hangin na napadaan sa harap ko.  MY JAW DROPPED  as I look at the person sitting arrogantly on top of his black maserati with arms crossed bathing in the sun, and the attention of the people around us.  Anong ginagawa nito dito?! Nang mapansin niya ako ay tumayo siya nang maayos at lumapit sa akin. Katulad ng mga nakakaraan ay akala mo lagi siyang rarampa sa runway o kaya ay magmo-model. Sa kamay niy ay boquet pa siyang hawak. Magandang porma. Check A nice car. Check Flowers. Check F*ckboy boy na f*ckboy ang dating niya.  "What? Do I look good enough to eat?" He asked when he noticed me staring. He gave himself a once over before lifting an eyebrow and smirking at me.  "Mukha kang f*ckboy." prangka kong pansin sa porma niya.  Katahimikan ang namayani sa pagitan namin bagi niya ito binasag.  "I'll take that as a compliment." Of course. I said to myself and rolled my eyes. Iniabot niya sa akin ito paglapit at ayoko namang maging bastos kaya tinanggap ko ito, at natigilan ako nang mapagtanto kong hindi ito bulaklak kung hindi… donuts? "You're giving me a bouquet of… donuts and not... flowers?" napapantastikuhan kong tanong at halos umabot na sa langit ang mga kilay ko. "Yes." "Why?" "Why do I have to give flowers to a flower? I have the sweetest, prettiest Rose in front of me." turan niya at ang bawat katagang binanggit ay tila ba isang tula. Naalala ko sa kaniya ang mga pranses na tumutula na may kasama pang flying kiss.  Ang cringy lang, but okay, I admit I was taken aback and couldn't suppress a smile dahil ang corny nitong lalaking ito. Nakarinig pa ako ng magkakasunod na 'aww' sa paligid ko mula sa mga mismis kong kapitbahay. "Thank you pero anong sadya mo dito?" tanong ko sa kaniya at hindi ipinahalata na natigilan ako sa sinabi niya.   "Para humingi ng tawad at para na rin ayain ka sanang lumabas." walang paligoy-ligoy na sabi niya. Ngumiti ako sa kaniya at nagliwanag naman ang mukha niya. "Thanks… but no thanks." pagkasabi niyon ay inalis ko ang ngiti sa mukha ko at naglakad na palayo sa kaniya dala ang donuts. I should give it back to him but he already gave it to me and my greatest weakness is donut.  "Come on, Rose. Saan ka ba pupunta? I can give you a lift?" pangungulit pa niya kahit naglalakad na ako palayo. "Wala ka na do'n!" malakas kong sagot sa kaniya nang hindi siya nililingon.  Paglabas ng kanto namin ay pumara kaagad ako ng jeep at sumakay. Dahil maluwag naman ay sa unahan na ako naupo para hindi rin masiksik ang donuts ko.   "Wait!"  Natigilan ako sa narinig at lumingon para makita si Sire sa labas ng jeep kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata. "What the hell do you think you're doing?" I whisper yelled at him. "I'm tagging along. Now scoot over." turan niya at pinagkasiya ang sarili niya sa loob ng jeep at naupo sa tabi ko.  Para namang kiniliti ang tumbong ng mga babaeng kasama namin sa jeep habang hindi magkamayaw sa pagpapa-cute kay Sire. Pero nang tignan ko ang huli ay nakatingin lang siya sa akin. Tinanggal niya ang salamin niya na ikinatili ng mga babae bago ako nginitian ng megawatt smile niya. Iyong tipo ng ngiti na pang-toothpaste o ngiting halata mong gusto kang akitin. Inirapan ko lang siya at kumuha ng pamasahe sa wallet ko gamit ang isang kamay.  "Bayad po." natigilan ako nang magsalita ang higante sa tabi ko. Nag-abot siya ng isang daan sa driver. "Keep the change."  How did he even know how to ride a jeepney?  Hmp. Presko. Pasikat sa fangirls. Nakairap kong sabi sa sarili ko. Nang balikan ko ng tingin ang mga babae ay nagulat pa ako nang kinukuhanan na nila ng pictures o video si Sire. Mukhang may bago na namang sisikat sa f*******:. Nakikinita ko na ang caption nila, 'Destiny na yata', 'May Oppa sa jeep'. Alam ko hindi dahil sa ma-f*******: ako kung hindi dahil sa mga kaibigan ko.   Nang makakuha ng barya ay magbabayad na sana ako pero pinigilan ako ng boses ni Sire. "I already paid for us."  "I don't need your money." matigas kong sabi sa kaniya at itinuloy ang pagbabayad at narinig ko na lang siyang napabuntong hininga. Inayos ko ang pagkakahawak ko sa bouquet at nakita ko naman siyang napangiti sa ginawa ko. "What?" "You really love donuts."  "Yes." tipid kong tugon habang sinisiguradong secured ang nakabalot na plastic para hindi madumihan. "That's my payment for stealing yours last time and I want you know that I'm really really sorry. Hindi ko sinasadya kung ano man ang nasabi ko sa'yo kahapon. Sorry if I came out as a p*****t, but know that I respect you."  Natigilan ako sa sinseridad sa boses niya at tinignan kung talaga bang seryoso ba siya.  "Okay." sabi ko matapos ang ilang segundong pagtitig sa kaniya. "Really?" he gave me a megawatt smile again that showed his pearl white teeth. "Yes… but, I'm still not interested."  And his shoulders slumped in defeat at that kaya lihim na lang akong napatawa. "Tutal sumama ka na lang din. Stay here while I pick a book and order something. `Wag mong babasawan iyang donut ko." paalala ko kay Sire na ngayon ay nakaupo sa labas ng Library&Coffee shop na paborito ko ring puntahan.  Naisipan kong dumalaw ngayon para na rin magdala ng mga librong pwede kong dalhin sa Batanes.  Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at pumasok na sa loob. Agad na nanuot sa ilong ko ang aroma ng kape at isama pa ang kakaibang amoy na nagmumula sa mga libro. Dumiretso ako sa counter para um-order ng dalawang kape at nagpunta na sa shelves para maghanap ng ilang librong pagpipilian. Ang mga daliri ko ay pinapadaan ko sa bawat libro habang mabilis na binabasa ang mga titulo. Kapag naintriga ako sa titulo ay kukuhanin ko ito at babasahin ang blurb. Wala pang limang minuto ay nakakita ako ng limang pumukaw sa interes ko at habang dala ito ay lumabas na ako. Halo-halo ang mga napili ko, ngunit karamihan ay may paksa ukol sa propesyon ko. Napatigil na lang ako nang makitang may ilang babae ang nakapaligid sa mesa namin at kinakausap si Sire pero dedma lang ang huli.  Para naman siyang magnet ng babae, kahit saan magpunta ay lumalapit sa kaniya mga kabaro ko. Naiiling kong sabi sa sarili habang bitbit ang mga libro.  Wala akong nagawa kung hindi lumapit sa mesa namin. Inilapag ko ang mga dala kong libro at naupo sa katapat na upuan ni Sire na nang makita ako ay umayos ng upo at nakatingin lang sa akin. Kanina pa niya iyon ginagawa, kahit may ibang babae ay sa akin lang siya nakatingin.  "Sino siya?" "Siya ba girlfriend ni Kuyang Pogi? Omg, so plain. Wala pala siyang taste." "Tara na nga girls." I just snorted when they are gone at kinuha ang unang libro. "Gusto nila ng atensiyon mo bakit hindi mo sila pinansin." puna ko habang pinapasadahan ng tingin ang summary ng libro. "Because the only attention I want is yours." walang paligoy-ligoy niyang tugon. Hindi ako kaagad nakasagot dahil dumating na ang order namin. "Thank you." I took a sip of my drink and my heart sang at the sweet and bitter taste of the coffee and said, "Ganiyan ba talaga kayong mga French?" "What? Gwapo?" "No. Mabulaklak ang dila." sagot ko sa kaniya sabay binuklat ng libro at sinimulang basahin ang unang pahina. "It's in the blood, I guess." tinignan ko kung paano niya isa-isahin ang mga libro ko habang umiinom ng in-order kong kape para sa kaniya. "Medical books. I should have known."  I chose to ignore him and focused on the book I'm reading. Pumitas din ako ng isang donut at sinimulan itong kainin. From the corner of my eyes, nakita ko siyang nangalumbaba habang nakatingin lang sa akin. "You're so dedicated." I waited for him to say I'm boring or I'm a nerd but what he said next made me stop reading. "I like it."  Pinilit kong hindi maapektuhan pero ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha ko at sinubukan kong itago sa libro pero nakita rin niya. "You're so cute and you don't even know it." He stated and took a sip of his drink and grinned. "Just my type." I slammed down the book a little bit harder than I intented to. "Wala ka bang ibang gagawin? A suit to sew? Other women to seduce?" iritableng tanong ko sa kaniya at pinunasan ang kamay gamit ang wipes na dala ko. "That's why I'm here… seducing you." He winked at me and laughed. "You're impossible." napabuntong-hininga na lang ako at muling bumalik sa pagbabasa at pinilit nang ignorahin ang presensya niya. "Ubos na 'yung kape ko." rinig kong sabi niya pero hindi ko pinansin at sumandal pa sa upuan habang nagbabasa. Nakarinig na lang ako ng paghigop at nang tignan ko ito ay halos lumuwa na ang mga mata ko sa gulat.  "What do you think you're doing?!" By now ay singpula na siguro ng kamatis ang mukha ko. Why? Because I just caught the giant sipping my drink with MY straw. Straw na ginamit ko. Straw na sinipsipan ng mga labi ko. "What? I wanted more." painosente niyang pagdadahilan at muling naupo na parang walang nangyari.  "That's it? That's it?! Pwede ka namang um-order ulit!" nanggigigil kong pangangatwiran sa kaniya.  That is an indirect kiss! "Where's the fun in that?" kibit balikat niyang sabi at kitang-kita ko kung paano niya dinilaan at kinagat pa ang pang-ibabang labi niya. "Delicious."  "Ugh! You… You! I have no words for you." galaiti na sabi ko sa kaniya at kinuha na ang mga libro para bilhin.  Inilagay ko ito sa isang cart pagpasok at agad na pumunta sa shelf para maghanap ng maidadagdag. I can't stay another minute with that man!  One second I was skimming through the books and next thing I know, I am being slammed on the shelf. Hindi ganoon kasakit pero sapat na para makaramdam ako sakit sa likuran ko at gumalaw ng kaunti ang shelf. Napapikit ako dahil sa gulat at nang dumilat ako ay bumungad sa akin ang mukha ni Sire. Kinailangan ko pang tumingala para lang matitigan ang mukha niya and I gasped at the intensity of desire in his eyes. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko and breathed deeply. I closed my eyes as he groan. "F*ck, mon cherie. You don't know what you're doing to me." He said in a strangled voice.  I felt his forehead against mine and I could smell his minty breath mixing with mine. He's taking deep breaths as he bumped his nose with mine and finally let go of me.  I opened my eyes and studied his face. Mukhang anumang oras ay gusto na niya akong sunggaban. Bakit hindi niya itinuloy kung anumang balak niya? Sigurado namang ito ang habol niya, hindi ba?  "Don't look at me like that." he closed his eyes and took a deep breath. "I'm sorry I just... I lost control. It won't happen again." umiigting ang pangang sabi niya sabay layo sa akin. I felt a little disappointed deep down, but I pushed it back. I don't entertain feelings like that but somehow, I admire his self-control, I saw it in his eyes, he wanted to kiss me or anything but he pulled back. He stopped himself.  Tumingin ako sa paligid at nagpasalamat na walang nakakita sa nangyari. "How many times do I have to tell you that I am not interested, Mr. Austere?" I asked him as I turned away from him at muling tumingin sa mga libro, ignoring the way my hands are shaking. Paano ba naman ako makakahawak ng libro nito? "Are you really not?" bahagyang malalim ang boses niyang sabi at ramdam ko ang mainit niyang hininga na humahangin sa ibabaw ng ulo ko dahil hindi hamak na mas matangkad siya. "Or are you… in denial?" dagdag niya ba may haling pang-aakusa.  At hindi ko naiwasang mainis sa tono niya. "Hindi ako katulad ni Lena. I am confident. I don't care what other people think about me. And I sure as hell don't need a man to prove it." I found myself saying in my defense. Pero bakit parang tunog defensive naman ako? "Are you?" tanong niya sabay tawa ng pagak. "Could've fooled me. If I didn't notice the way you fix your hair, tug your clothes, bow your head and even bite that lips of yours whenever I'm looking at you or you're in front of anyone, then I would've believed you, but you can't fool me, my rose."  I gasped as he pushed forward, trapping me with his body. But what shocked me most is the evidence of his desire against mine. "You're not confident. You do care what they think about you, you just think you don't. Nakikita ko ang lahat, mon cherie. You can try and hide it and pretend to be someone else you're not or admit it and…" I closed my eyes as I felt his breath on my right ear. "Spend a night with me and I'll change that."  Kinuha ko ang lahat ng lakas na meron ako at itinulak siya palayo sa akin at hinarap siya. Dahil pakiramdam ko kapag hindi pa ako lumayo ay mababasa na niya ako. Na kapag hindi ko pa siya pinigilan ay sasabog na ang emosyon ko.  "You don't know me! You don't know everything about me so don't act like you do! Wala kang alam sa nakaraan ko o kung ano man ako ngayon. Stop pretending like you know everything when you don't!" hindi ko napigilang bulalas sa kaniya habang nangingilid ang luha sa mga mata ko. Hindi man lang siya naapektuhan sa mga sinabi ko at nakatitig lang sa akin. Teka hindi, hindi lang siya sa mga mata ko nakatingin. "You've been hurt before, haven't you?"  "What?" tigalgal kong tanong. "Someone hurt you before that you became like this." At hindi iyon isang tanong kung hindi isang kasiguraduhan mula sa parte niya.  "It's like he can see the truth through looking at your eyes. Just by one look."  Tess's words came back to me and I stiffened. Everything in me froze. I tried so hard to conceal it. I tried so hard to forget about it. I tried so hard to act like I don't care but he sees right through me. He managed to see right through me in just a short amount of time.  And that is what makes me hate Sire Jensen Austere more. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD