Natigilan si Earl sa pagsasalita nang bigla siyang niyakap ng asawa. Lahat ng galit niya biglang nabura at napalitan ng pagkataranta.
Napabuga siya ng hininga. "Oh, for goodness sake, stop crying." Who would not be mad with what she did? Unang beses siyang umuwi ng maaga at halos namuti ang mata niya sa kahihintay rito. He was freaking out because she did it again, she made him feel that awful feeling of losing her.
"I c-can't," anitong sumigok at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya. "It's probably the wine. I just feel so sorry."
Paulit-ulit itong nag-sorry habang humihikbi. And it tears him apart each time she sobs. Parang may sariling isip ang mga kamay na humagod sa likod nito. Kanina'y halos mabaliw siya sa kaiisip kung nasaan ito. Akala niya'y nagpasya na itong iwan siya at bigla siyang nakadama ng takot sa dibdib. Alam niyang dapat siyang maalarma dahil hindi siya dapat nakakaramdam ng ganito sa taong kinamumuhian niya. Ni hindi pa siya nakakapagsimula sa planong paghihiganti. Subalit sa tuwing nasa malapit ito'y kusa nitong ibinabalik ang emosyong matagal na niyang pinatay sa dibdib.
"I'm sorry," sabi ulit nito. Nanginig lalo ang labi nito sa pagpipigil na umiyak at napatingin sa kanya. Pinigilan niya ang sariling yumukod para halikan ang luha nito kagaya ng madalas na ginagawa niya noon kapag nakita niya itong umiiyak. He should not feel anything but he felt like hell for depriving himself of comforting her.
"Let's go home," aniya. Tumango ito sabay pahid ng luha at lumulan ng kotse. Kaagad niyang pinaandar ang sasakyan. Napabuntong-hininga siya nang masulyapang panay pa rin ang tulo ng luha nito na kaagad nitong pinapahid ng kamay.
"Here," abot niya sa panyo.
"Thank you," anito at kinuha ang panyo. Namumula ang mata't ilong nito at bumibigat lalo ang pakiramdam niya habang panay singhot nito.
"Come here," sa wakas ay sabi niya.
Nagtatakang napatingin ito sa kanya. Hinila niya ang kamay nito para mapalapit ito sa kanya pagkuwa'y kinabig ang ulo nito para isandal sa dibdib. Naramdaman niyang yumakap ito sa bewang niya. Hinaplos niya ang buhok nito sabay kintal ng halik sa ulo nito.
"It's okay," alo niya. "I'm not mad anymore." Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito sa kanya. Somehow it didn't feel like he's comforting her but the other way around. He remembered how good it felt holding her this close. He remembered how happy he was just being with her and how he missed her that his heart ached. Gumuhit ang pait sa dibdib niya.
Nang makarating sila sa condo ay payapa na ang paghinga nito. Tuluyan na nitong nakatulugan ang pag-iyak. Maingat niyang ikinalas ang sarili sa pagkakayap nito. Umibis siya ng kotse at binuksan ang passenger's seat at maingat na binuhat ang asawa patungo sa silid nito. She stirred when he laid her down her bed. Matagal siyang nanatili sa tabi nito. Hindi niya napigilan ang sariling haplusin ang pisngi nito. After all that has happened, after all the hatred, why does he still want to be with her?
Was it a dream? Namimigat ang ulo ni Veronica pagkagising pero hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa panaginip. Kinapa niya ang kama. Nadismaya siya nang maramdamang wala siyang katabi. Why did it feel so real? Bahagya siyang nagising nang ilapag siya ng asawa sa kama. Tumabi ito sa kanya at nakatulugan niyang nakayakap rito. Panaginip lang ba talaga iyon?
Painot-inot siyang bumangon. Lalo siyang nadismaya nang makitang wala na ang asawa. It's Saturday morning and as usual, he is not home. Nagtimpla siya ng kape at napatunganga. Hindi niya pwedeng puntahan ang Papa niya dahil baka magduda na ito kung hindi pa rin niya kasama si Earl. Bigla siyang napapitik nang maalala ang sinabi ni Elaiza kagabi. She has to make this pad look more like home. Napatayo siya pagkatapos uminom ng kape at mabilis na nagbihis.
Ginugol ni Veronica ang oras sa pag-aayos ng bahay. She went shopping. Pinalitan niya ang kurtina, bed covers. ang wall decorations, pati ang wallpaper. Medyo sanay siya don dhil nag-aral di siya ng interior design sa US. Binago niya ang ilang sulok ng bahay na para sa kanya ay makulimlim at binigyan iyon ng buhay. Napangiti siya nang makitang unti-unting umaaliwalas ang pakiramdam niya. Bumili siya ng bagong dining set sa terrace, bagong carpets, pots and flowers. Hinanda na rin niya ang silid na gagamitin ni Elaiza.
"What the hell did you do to my house?!"
"Jesus, Earl!" Muntik nang mabitawan ni Veronica ang picture frame na hawak sa gulat nang biglang dumagundong ang boses ng asawa.
"Explain this!" galit na sabi nito.
Nakahinga siya nang maluwag nang tuluyang masabit ang picture frame. Larawan iyon ng kasal nila. She just replaced that creepy painting. And she's so happy about that. Pinahid niya ang butil-butil na pawis sa noo saka bumaba ng hagdan at hinarap ang asawa.
"You're early," puna niya. Mag-aalas sais pa lamang. Galit na naman ito. Siguro nga'y panaginip lang ang nangyari kagabi.
"Explain this," mariing sabi nito.
"I'm making it more beautiful," nakangiting saad niya. Pagkatapos ng lahat ng narinig niya kay Elaiza ay nakahanda na siyang tanggapin ang lahat ng galit nito, umaasang kahit papaano'y mapunan noon ang pagkukulang niya rito. "I'm making your house a home."
Napipilan ito ng saglit.
"Kaya binago mo ang lahat sa unit ko?" galit pa rin ang tono nito.
"I'm your wife, remember? A month ago you said 'I do.'? Whatever-mine-is-yours-whatever-yours-is mine thing?"
"That doesn't give you any right to change-"
"I know," putol niya sa sasabihin nito. "This is just for the mean time. Kapag naghiwalay tayo, ako mismo mag-aayos nito pabalik. I know every detail of it. Kaya wala kang dapat ipag-alala. I put all your things in the storage room. Safe and clean. Okay? Besides, Elaiza is going to stay here for two days. I can't let her see how sad this house is."
Tila hindi makapaniwala si Earl sa tinuran ng asawa. She just changed everything in his unit nang wala man lang abiso sa kanya. How is he supposed to react? Pagpasok niya sa pintuan akala niya'y ibang unit ang napuntahan niya. And he did not like the way his unit felt. It felt so... so much like home and she looked so comfortable in it! He felt an outcast, sa mismong pamamahay niya.
"What?" aniya nang tuluyang pumasaok sa utak ang sinabi nito. "Elaiza can't stay here," sagot niya.
"I guess you better tell her that."
"You said yes?" hindi makapaniwalang sambit niya.
"How could I say no? He is your sister," paalala nito.
"I can't believe this!" palatak niya pero tila wala iyong epekto sa asawa. Nagugulat ito pero hindi na ito kagaya ng dati na nanginginig sa nerbiyos kapag galit siya.
Pinanood niya itong isa-isang niligpit ang lahat ng mga gamit. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Kumunot ang noo niya sa laki ng ipinagbago niyon. How did she manage to put the wallpapers alone? Napatingin siya sa asawa. She's wearing tattered jeans and stained t-shirt na dumikit sa katawan nito. Her hair unkept. Tumutulo ang pawis nito sa noo. She looked tired and yet she still managed to look gorgeous. Gorgeous? Kumunot lalo ang noo niya nang matitigan ang suot nito.
"Are you wearing my shirt?"
Tila nakain nito ang sariling dila. Bumuka ang labi nito ngunit walang maapuhap na idadahilan. Napabuga siya ng hininga.
"I can't find any comfortable shirt to wear kaya hiniram ko 'to."
Tinalikuran niya ito at tinungo ang silid.
"Lalabhan ko naman, promise!" pahabol nito ngunit isinara na niya ang pinto ng silid. Veronica never failed to stir up his nerves. Simula pa kagabi'y hindi na siya nakatulog dahil nababagabag siya sa sariling damdamin. He wanted vengeance but he couldn't even bear seeing her cry. Hindi na niya maunawaan ang sariling nararamdaman.
Pagpasok ng silid ay muli siyang natigilan nang makitang iba na ang ayos noon.
"I'm leaving."
Napatingin si Veronica sa asawang kalalabas lang ng silid. Pinigilan niya ang sariling mapanganga. How can a man look handsome and sexy in plain white shirt? He looked hot and smelled fresh. Parang gusto niyang magtago sa sulok. She must've been the worst thing on earth right now. Nanlalagkit ang buo niyang katawan at amoy pawis at alikabok siya.
"For God's sake, get some rest," anitong hindi itinago ang frustration sa tinig.
Tumango siya. "Ingat ka," aniya. Hindi niya pinansin ang pinong kurot sa dibdib nang hindi man lang siya nito binigyan ng kahit pa-konswelong goodbye kiss.
Lalabas na naman ito. And by the time he comes home, amoy babae na naman ito. How can she not know? Palagi niyang inaamoy ang pinaghubaran nito. And she knew that Victoria's Secret scent. Pero wala siyang ideya kung sino ang nagmamay-ari noon.
The pain stung as he headed towards the door. He's going to see his mistress. Or should she say, the woman he loves. Bigla'y naramdaman niya ang mainit na likidong naglandas sa pisngi. Dagli niyang pinahid iyon. Marami pa siyang gagawin. Saka na siya iiyak.
Mag-aala-una ng madaling araw nang magising siya sa tunog ng cellphone. Dagli niyang sinagot nang makitang si Earl 'yon.
"Hello? Is this Earl's wife?" boses babae. Umigkas agad ang kilay ni Veronica. Mangani-nganing itapon niya ang cellphone na hawak.
"Yes," sagot niya. Nginangatngat ng selos ang dibdib. Earl just let this woman use his phone! Are you his mistress? Gusto niyang itanong pero pinigilan niya ang sarili.
"He's too drunk. He can't drive. Can you pick him up?" Ibinigay nito ang address na kinaroroonan ng asawa.
"I'll be there in a minute." aniya. What is it this time? May ibang buwelta na naman ba si Earl para masaktan siya? Nagmamadaling kinuha niya ang susi ng kotse at mabilis na lumabas ng bahay. Pagod na siyang mag-isip.
Nagulat si Veronica sa nadatnan. Malaki at magarbo ang bahay nito.
"Hi, Mrs. San Diego," bungad nito sa kanya nang pinagbuksan siya nito ng pinto.
"Call me Veronica," tipid niyang sagot.
Ngumiti ito. "We finally met, I'm Bianca Rose Lazaro." Napilitan siyang abutin ang kamay nito.
She's beautiful and she knows how to dress, puna niya. She's bubbly and friendly. And she's got a nice pair of legs. She looks smart. And... she looks like someone Earl can fall in love with. Lalong kinakain ng paninibugho ang dibdib. Lalo pa't naaamoy niya ang pabango nito. The same scent that goes along Earl's shirt every night. The sweet smell of lavender. Pakiramdam niya'y hindi siya makahinga sa biglaang paninikip ng dibdib.
"We've been to the bar with some friends. Napadami ang inom niya kaya dinala ko siya pauwi," kuwento nito. "But he's too annoying, he kept saying he needs to go home kaya tinawagan kita."
"I see," malamig niyang tugon lalo pa't nakita niya ang asawa. Nakahiga ang kalahati ng katawan nito sa sofa. He's half conscious at hindi niya maintindihan ang binubulong nito. Tinulungan siya ni Bianca na maisakay ang asawa sa kotse.
"Thank you," aniya kay Bianca saka lumulan ng kotse. Hindi na niya kaya pang tingnan ang babaeng pinag-uukulan ni Earl ng panahon nito.
Nang makarating sa bahay ay inalalayan niya ang asawa papasok. Diretso sa sofa. Muntik na silang mabuwal dahil sa bigat nito, buti na lang at nagawa niyang ibalanse ang bigat nila. Tinanggal niya ang sapatos nito at niluwagan ang necktie nito. He was humming a tune, his eyes half closed.
"What's your name?" bulong nito sadyang idinikit ang labi sa tenga niya. Tila nakuryenteng dumistansya siya rito.
"Hey, I won't bite," anitong ngumisi. "C'mon tell me your name," anitong hinawakan ang bewang niya. Nalanghap niya ang alak mula sa hininga nito. It should be disgusting. But why the hell is she inhaling so much?
"Earl," aniya sa nagbabantang tono nang umakyat-baba ang kamay nito sa bewang niya. He's tracing the line of her underwear!
"Oh, that's my name... your name sweetie." Umakyat ang kamay nito sa balikat niya saka pinadausdos iyon sa braso. Pagkuwa'y hinawakan ang dalawang kamay at pinaglaruan iyon ng mga daliri nito. Pinigilan niya ang sariling mapaigtad. "Your name sweetie... Do I have to beg?"
Napabuntong-hininga siya. "Veronica."
Kumunot ang noo nito. Tila nag-isip. Saka ngumiti. Saka tumawa. "I remember you.. Yeah.." Sumeryoso ulit ang mukha at tinitigan siya. "You look..very familiar.. you are..."
"I'm your wife."
"Wife... wife.." anitong tumango-tango. "Yeah, my lovely wife.."
Bumitiw siya sa pagkakahawak dito. Kumuha siya ng maligamgam na tubig para punasan ito.
He was humming again when she came back. And mumbling. Still, he looked dashing. Hindi niya makontrol ang bilis ng tahip ng dibdib habang pinupunasan ang mukha nito.
"Am I sick?" tanong nito. Inabot ang bakante niyang kamay at inilibot ang isang braso sa bewang niya. God, how can she concentrate?
"Sort of," sagot niya.
"It's nice to be sick... so nice..."
Napa-iling si Veronica. Binawi niya ulit ang kamay para pigain ang pampunas dito. Hindi niya alam kung kakayanin pa niya ang boltaheng dumadaan sa balat niya sa tuwing magkakadikit ang balat nila.
"Beautiful..." bulong nito.
Napatingala siya. Saka niya namalayang nakatitig sa kanya ang asawa. Kinuha nito ang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya at tinitigan siya ng namumungay na mga mata nito. "You're so beautiful... that my heart stings just looking at you..." Hinaplos nito ang pisngi niya. Mababanaag sa mata nito ang lungkot. "I don't know...it hurts so much... like hell..."
Tila pinipiga ang puso ni Veronica sa tinuran ng asawa. Tila may bumikig sa lalamunan. Niyakap niya ito ng mahigpit. "I never intended hurt you," aniyang nakatitig sa guwapong mukha nito. "Because it hurts me more seeing you suffer." Kinagat niya ang labi sa pagpigil ng nagbabantang luha. "I am still that girl who was desperately in love you. I've never moved on. I still love you so much," buong pusong sabi niya saka unti-unting ibinaba ang labi at hinalikan ang asawa.
Banayad ang halik na iyon. Just like their first kiss. Namalayan niyang tuluyang nangilid na ang luha. She just missed Earl so much.
"Why the tears?" anitong hinalikan ang luhang pumatak sa pisngi niya. "Oh, please dont cry... babe, please.."
Napayakap siya ng mahigpit rito. Impit siyang napahikbi nang maramdaman ang labi nito sa basa niyang pisngi. How she missed the comfort only he can give and how she missed him calling her babe. Nang muli siyang humarap dito'y sinalubong siya nito ng halik. Banayad at nakaliliyong halik. Naramdaman niyang hinapit siya nito papalapit hanggang sa mamalayan niyang nakakandong na siya rito. Unti-unting lumalim ang halik nito, naging mas mapaghanap, mas mapusok. Sumigid ang init sa katawan niya nang maramdaman ang bawat haplos nito na buong puso niyang tinugon.
Isa-isang natanggal ang saplot na suot nila hanggang sa wala nang matira. They kissed each other hungrily, animo'y wala ng bukas pa.
Earl passionately made love to her. Naramdaman niya ang sakit nang tuluyan siyang angkinin nito. Ngunit hindi niya ininda iyon. Nakaya niyang tiisin iyon. Ngunit natagpuan niya ang sariling tumatangis nang maging ganap ang pagniniig nila. Impit siyang napahagulhol. Gusto niyang magwala.
Dagli siyang nagbihis at nilinis ang lahat ng nagkalat na damit. After this night, tuluyan na siyang nagising sa kahibangang inalagaan niya ng limang taon. Earl doesn't love her anymore.
He just called out another woman's name while they were making love... He just called out Bianca.