Mabilis na lumipas ang isang linggo at dumating ang araw ng kasal nila. Walang imik si Veronica sa loob ng kotse. Kadarating lang nila sa simbahan. Nanlalamig ang palad niya at abot-abot ang kaba sa dibdib. The gown felt comfortable and she had light make up on. She looked so beautiful in the mirror but somehow, she felt uneasy inside. Now she knew what wedding jitters mean. Hindi niya matukoy kung ano ang nararamdaman niya. Every feeling seems to be at the extremes.
"You are the loveliest bride, hija," nangingislap ang matang sabi ng Papa niya. "You looked as beautiful as your mom." Ngumiti ito na tila ba naalala ang nakaraan ang gumuhit ang saya at pait sa mga mata. "She would have been so happy walking with you down the aisle, sending you off to Earl."
Ngumiti siya. She missed her mom so much. "I wish she's here, too. I want to hug her tight before I get married."
Ginagap ng Papa niya ang nanlalamig niyang palad. "But she's watching over us, hija. At alam kong masaya siya ngayon."
"Yeah," aniyang tumango-tango.
Niyakap niya ng mahigpit ang Papa niya. She could feel how much her father loves her. Pakiramdam niya'y nawala lahat ng nerbiyos na nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y yakap-yakap niya ang Mommy niya.
"Enough of this, we should be celebrating today!" anitong tumawa sa kabila ng pamamasa ng mata.
She fought back her own tears. Ngiti ang itinugon sa Papa. He's right. It's her wedding day. There should be no tears today. After all, she's going to marry the man she loves. And she owe that to her mom.
Pumailanlang ang tugtog ng piano, hudyat ng pagsisimula ng wedding entourage. Tila lumulutang si Veronica habang naglalakad patungo sa altar. Sumikdo ang dibdib nang masulyapan si Earl. He looked exceptionally handsome today. Hindi niya mabasa ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi man ito nakangiti, hindi naman ito galit. Napalis lahat ng alalahanin sa dibdib niya. This wedding won't be a disaster after all, aniya sa sarili.
Pumailanlang ang malamyos na tinig ng wedding singer. Nahigit ni Veronica ang hininga habang nasa kalagitnaan ng altar.
You're my everything
The sun that shines above you
Makes the bluebirds sing
The stars that twinkle way up in the sky
Tell me I'm in love
Ngumiti siya. Yes, she is. Desperately.
Napansin niya ang bahagyang diin ng pagkakahawak ng Daddy niya at ang pagtaas-baba ng dibdib nito nang sa wakas ay marating nila ang kinaroroonan ng mapapangasawa niya. Nakita niya ang panginginig ng labi nito nang ibinigay nito kay Earl ang kamay niya't tuluyan siya nitong bitiwan. Earl did something she did not expect. He hugged him and whispered something that made her dad smile. Pakiramdam niya'y nahati ang puso. Nangilid bigla ang luha pero pinigilan niya ang sariling maiyak. Napahigpit ang hawak niya kay Earl, tila doon kumukuha ng lakas. Gusto niyang matawa sa sarili. It's so absurd. Kumukuha siya ng lakas sa taong kinasusuklaman siya ng husto.
Saglit na nagtama ang mga mata nila saka sabay na humakbang patungo sa altar.
Our first step in our journey towards forever, nangangarap na bulong ng puso niya na sobrang lakas ang t***k. You mean, first step towards hell! sarkastikong sigaw ng isip.
Nagsimula ang seremonyas ng kasal. Veronica savored every moment of it. Kinalimutan niyang parte lamang iyon ng kanilang pagkukunwari.
"Do you, Earl Simon San Diego take Veronica Marie Sandoval to be your lawfully wedded wife to love and hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, til death do you part?"
Napatingin siya kay Earl at pinanood ang pagbuka ng labi nito.
"I do." Tila musika iyon sa pandinig niya. Pansamantalang tumigil sa pagpintig ang puso para lamang marinig niya ang mga katagang iyon. At ewan kung guni-guni lang niya pero tinitigan siya ni Earl habang binibigkas ang mga katagang iyon, dahilan para pansamantalang mawala siya sa sarili.
"Veronica?" untag ng pari.
Tila natauhan siya. Nagkaroon ng bulungan sa paligid. Did she just miss her turn?
"I repeat, do you--"
"Of course, Father, I do! I do!" biglang sabi niya nang makabawi sa pagkataranta. Dinig niya ang hiyawan sa paligid. Nang tingnan niya si Earl ay nakaangat ang isang sulok ng labi nito. Was he smiling?
"Don't you want me to repeat the question?"
Namula siya. "My answer will be the same, Father."
"Well," anang pari na nakangiti. "I now pronounce you, man and wife!" Tumingin ito kay Earl. "You may kiss the bride."
Saglit silang nagkatitigan. Pakiramdam ni Veronica ay nanlalambot ang mga tuhod niya. Why is she overreacting with just a kiss? They've done it several times already. Yeah.. and each time, she melted. Nang bumaba ang labi nito sa labi niya ay awtomatikong napapikit ang mga mata niya at tila may sariling buhay ang mga kamay na napakapit sa bisig nito.
The crowd cheered, the cameras flashed. Nakita niya ang masayang mukha ng Tito Eleazar at Papa niya at ang maluha-luha ngunit nakangiting mukha ni Elaiza na siyang maid of honor niya. Naghiyawan naman at tila kinikilig ang mga kaibigang dati-rati'y hindi sang-ayon sa arranged marriage na 'yon.
Sinong babae ba ang hindi naiinggit sa kanya ngayon? She just married the most dashing bachelor in this side of the planet. She just wished it's for real.
The wedding reception followed at Sandoval's residence. The wine's flowing; the food, exquisite; the music, superb and they are filled with cheerful guests. Malaki ang pasasalamat ni Veronica kay Ivory na siyang wedding coordinator niya. And of course, Elaiza who has been with her from the very first day of the wedding preparation. All went perfectly. Most especially sa part ni Earl. Kahit na hindi ito madalas tumatawa, nakangiti naman ito. He always looked at her like she's the most beautiful bride he has ever seen.
Halos hindi nila namalayan ang oras. Hanggang sa lulan na sila ng kotse patungo sa hotel na tutuluyan nila sa Tagaytay. Itinaboy sila ni Elaiza. Dapat na daw nilang simulang gumawa ng baby.
Bumalot agad ang katahimikan sa pagitan nila sa loob ng sasakyan. Nagtataka ang mukha ng driver nila na panay sulyap sa rear view mirror.
Sumandal siya sa dibdib ni Earl. "This is the longest and loveliest day of my life," sambit niya pero parang walang narinig ang katabi. "Tired?" aniyang pinandilatan ito at iminuwestra ng nguso ang driver. Naramdaman niya agad ang kamay nito sa likod niya.
"No," anitong hinihimas ang likod niya. Pakiramdam niya'y tumatagos sa trahe de bodang suot ang init ng kamay nito. "I can stay up all night actually. We can make babies all night."
Ngumiti siya ng hilaw hinimas ang mukha nito. "That's why I love you so," biglang lumabas iyon sa labi niya. Napatitig ito sa kanya. Iniwas niya agad ang tingin.
"Keep saying that," anito saka ginawaran siya ng halik sa noo. Nag-init ang pisngi niya. Biglang bumilis na naman ang tahip ng dibdib. Nalulon yata niya ang dila niya. Maya-maya'y hinalikan nito ang magkabilang pisngi. Pagkatapos ang tungki ng ilong.
"Why do you have to be so lovely, my wife?" anitong halos bulong lang.
Pakiramdam ni Veronica ay nagkabali-baligtad ang sikmura niya sa papuring alam niyang hindi totoo. Nalalanghap niya ang mainit nitong hininga habang nakatitig sila sa mga labi ng isa't isa.
Unti-unting bumaba ang mukha nito. Awtomatikong napapikit siya ng mariin nang maramdaman ang paglapat ng labi nito sa labi niya. Marahan ang ginawa nitong paghalik. Gusto niyang sabihing hindi nila kailangang maghalikan pero hindi niya ito kayang pigilan. Napakapit siya ng mahigpit sa braso nito. He started nibbling her upper lip so slow it's killing her with excitement. Tinugon niya ng buong puso ang halik nito hanggang sa unti-unting lumalim ang halik. Napayakap na siya ng mahigpit dito.
There's something different with the way Earl kissed her today. It's way better. It's sweeter. It caused her heart to flutter in happiness. There's no animosity now, unlike the previous kisses they've shared. Napasandal siya sa dibdib nito nang matapos ang halik. Dinig niya ang eratikong t***k ng puso nito, o sariling puso ba niya ang naririnig? Hindi niya alam.
Naramdaman niya ang pagbuntong-hininga nito sabay kulong sa kanya sa bisig nito. Napapikit siya. She could live here forever. Hanggang sa makarating sila sa Tagaytay ay nanatili silang magkayakap. Pinamulahan pa siya ng mukha dahil tuluyan siyang nakatulog sa bisig nito.
Masaya silang sinalubong ng staff ng hotel. Nagulat pa siya nang bigla siyang kinarga ni Earl. Kinikilig naman ang halos lahat ng kababaihan roon.
"You don't have to," bulong niya.
"Oh, but I want to," anas nito. Nakakatindig balahibo ang init ng hininga nito na dumadampi sa balat niya. Hindi siya umimik dahil natutuliro na siya.
"That went well," ani Earl nang makapasok sila sa suite nila. Maingat siya nitong inilapag sa kama. Bigla'y nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. From that tender look, to confusion, then to what seems to be resentment.
"Y-Yeah, are you okay?" hindi niya napigilang tanong. Nagkibit-balikat lang ito. Napalunok siya nang ilibot ang tingin at makita ang ayos ng malaking silid na iyon. Kumabog ang dibdib nang makita ang ayos ng kama. May rose petals na hugis puso sa gitna niyon. The cream colored draperies made it looked cozy and romantic. Parang hindi pa rin siya makapaniwala na kasal na sila. Will they share the same bed? Lalong nanuyo ang lalamunan niya.
Walang imik na pumasok si Earl sa banyo. Ilang minuto pa'y narinig ni Veronica ang lagaslas ng tubig mula sa shower. Ipinilig niya agad ang ulo nang pumasok sa balintataw ang hitsura ng asawa nang mga sandaling iyon. Dapat niyang kontrolin ang mga iniisip niya.
Tinungo niya ang dresser at sinimulang tanggalin ang belo. Isa-isa niyang tinanggal ang mga hairpins. Napakunot ang noo niya nang nakasampung hairpins na siya.
"Earl?" aniya nang bumukas ang pintuan ng banyo. Tumayo siya mula sa dresser para lapitan ito.
"Would you mind help m-me?" Help me! Naumid siya bigla nang malingunan itong walang ibang saplot kundi ang maliit na tuwalyang nakapalibot sa bewang nito. Pakiramdam niya'y nanginginig ang kalamnan niya. Nabitin sa ere ang paang ihahakbang sana niya. Bigla siyang napaatras. How can a man be so sexy?
"Help you with what?" anitong tila iritado.
Nalukot ang mukha niya. Bakit galit na ito bigla? Sinikap niyang huwag mapatingin sa hubad na dibdib nito. Pero hindi niya mapigilang mapasulyap.
Oh My God... Nanlalambot ang tuhod niya.
"W-With.." Napatikhim siya ng malakas nang tila may bumara sa lalamunan. Nanlaki ang mga mata niya nang lumapit ito sa kinaroroonan niya. "Uhm-- ano... Hindi ko--" Hindi ko magawang huminga!
"What?"anitong animo'y nawawalan ng pasensiya.
"Hindi ko matanggal ang belo ko," mabilis na sabi niya. Napayuko siya nang halos isang dangkal lang ang pagitan nila. Napapikit siya nang mariin nang makita ang mahabang binti nito.
"Ayy! Dahan-dahan naman, Earl!" angil niya. Napasinghap siya nang maamoy ito. Oh, no... this is torture. Napapikit siya ulit bago pa man siya mahipnotismo sa karisma nito. At huminga siya sa pamamagitan ng bibig para hindi siya matangay sa amoy nito. Ngunit nangangati ang kamay niyang haplusin ang matipunong dibdib pababa sa abs nito. Nanuyo ang lalamunan niya sa iniisip. Shut up, Veronica!
"Will you stop moving?" reklamo nito. Saka lang niya namalayang panay ang iling niya.
Napabuntong-hininga ito. "There," anito sabay hugot sa huling hairpin. Kasabay noon ay ang paglaglag ng buhok. Saglit itong natigilan pagkuwa'y ibinigay sa kanya ang belo.
"Thank you."
Hindi ito sumagot. Dumiretso ito sa closet.
"One more favor?" bigla ay naitanong niya na ikinatigil ng paghakbang nito. Hindi niya abot ang zipper ng suot na wedding gown. Hindi nito itinuloy ang pagbukas ng closet at nilingon siya. Madilim ang mukha. Sungit!
"Can you unzip my gown?" aniyang lumapit dito.
Hindi ito kumilos. Pagkuwa'y nilingon siya at tinitigan siya ng matagal.
"Are you trying to seduce me?"
"Excuse me, why---"
"Yeah, why are you seducing me?" sapaw nito sa tanong niya. Nakapameywang.
"Oh c'mon , Earl.," aniyang nabahiran ng pagka-irita ang tinig. You are seducing me! And you're doing it so effortlessly! Imbes na tuluyang mairita'y tinaasan niya ito ng kilay. "If I did seduce you, you wouldn't be standing like that," kalmadong sabi niya. "You will be on your knees, begging." aniyang diniinan ang huling salita.
"Make me," hamon nito.
Pinamulahan siya ng mukha. Pero nilabanan niya ang tingin nito. Nakaramdam siya ng panlalambot ng tuhod nang bumaba ang tingin nito sa mga labi niya. Mariin siyang umiling. "Hindi pwede," mahinang sabi niya.
"Bakit hindi?" anitong unti-unting lumapit sa kanya. Napaatras siya bigla hindi niya namalayang nasa paanan na pala siya ng kama. Babagsak na sana siya nang mabilis na sinalo ni Earl ang bewang niya. Ramdam niya ang init ng katawan nito. Pakiramdam niya'y hindi siya makahinga.
"You could make a man lose his mind, Veronica!" he groaned, as if in pain and kissed her deeply. Napakapit siya sa braso nito dahil tuluyan nang nanlambot ang tuhod niya. Maingat na inilapag siya nito sa kama habang inaangkin ang labi niya. Buong pagmamahal niyang tinugon ang halik nito.
Biglang tumunog ang buzzer. Pareho silang napabalikwas ng bangon.
Pagbukas ng pinto'y nakarinig siya ng click kasabay ng flash na ikinapikit niya.
"Nelson!" reklamo niya.
"Perfect shot," ani Nelson. "Congratulations, Nica!" anito at niyakap siya sabay halik sa pisngi na ikinatikhim ni Earl na sinundan pala siya. "Congratulations, man," anito na nakipagkamay kay Earl na hindi na maipinta ang mukha.
"Are you included in our honeymoon?" biglang tanong ni Earl. Madilim ang mukha.
Napangisi si Nelson. "If you won't mind," sagot nito sabay tawa.
"He's Nelson, a friend and our photographer, Earl," aniya nang maramdaman ang tensiyon sa pagitan ng dalawa.
Hindi umimik si Earl, ni hindi nakipagkamay at hindi niya alam kung sadyang nang-iinis o talagang manhid si Nelson at hindi maramdaman na gusto na itong paalisin ng asawa.
"Bukas na lalabas ang kasal n'yo sa magazine and I need your approval for these photos," anito at ibinigay ang envelope sa kanila. "Just call me for a go signal, Nica. Ciao!"
Isinara na niya kaagad ang pinto . Gusto niyang kutusan si Nelson dahil biglang nagbago ang mood ni Earl dahil dito.
"What are these photos?" anito at inilatag ang mga iyon sa table.
"I think those were the candid shots he took during-"
"And you knew about this?" anitong tumaas ang tinig. Hawak nito ang isang larawan sa kung saan magkayakap sila, parehong nakapikit. Kuha iyon sa pre-Cana seminar. Nakalatag din ang iba't ibang larawan sa pagkuha ng singsing at pagsukat niya ng gown. The pictures seemed real. Para silang totoong nagmamahalan.
Kumunot ang noo niya nang makitang namumula ang mukha nito sa galit. "Y-Yes. What's wrong?"
"So you were aware that someone is watching us."
"I-I forgot about it. I-"
"Bullshit! So it was all fake!"
Natilihan siya sa galit at sakit sa mga mata nito. "Teka, bakit ka ba nagagalit?"
"Don't play dumb, Veronica!" singhal nito. ""I should've known. Well, congratulations, you almost got me there!"
Nanginig siya sa galit na nasa mga mata nito. Gusto na niyang maiyak sa sunod-sunod nitong akusa sa kanya. "I wasn't faking!" sigaw niya.
Ngunit tila wala itong narinig. "When will you stop playing with my feelings Veronica?"
"I'm not playing with your feelings! When will you stop accusing me? For once, Earl, give me a benefit of the doubt. Kahit konti lang!"
"No! Because you don't deserve it! I... I almost trusted you!" halos dumagundong ang boses nito sa loob ng hotel room. "What will you fake next just to have this marriage? A fake s*x so we could have a fake baby to build a f*****g fake family? Is that what you want?!"
Hindi na napigilan ni Veronica ang kamay at humalagpak iyon sa sa pisngi ng binata. Pero hindi man lang ito natinag. Nagngingitngit ang loob niya. "There's no use explaining dahil hindi ka naman nakikinig. If that's what you want to believe, go ahead! I'll say it to your face, I tricked you just like all the men I bedded with just to get what I want! Iyan, masaya ka na?"
Sinuntok nito ng malakas ang pader at muling nagmura. Saka lumabas ng silid at pabalyang isinara ang pinto.