No matter what, sa akin lang si Matthew! Kung iniisip ng Scarlet na yun na masaya na sila, nagkakamali s'ya! Kuya, kailangan mo akong tulungan, babalik ako ng Pilipinas bukas at gusto ko na nakahanda na ang lahat para sa plano ko. Hindi pwedeng tatanga-tangang tauhan mo lang ang ibibigay mo sakin. Kailangan kita kaya sumunod ka sakin agad, hindi na ako makakapag-antay ng matagal. Baka tuluyan ng mahulog si Matthew kay Scarlet kapag wala pa akong ginawang aksyon! Stephanie, hindi ako sangayon sa plano mo, isa pa ayokong may inosenteng tao ang mapahamak dahil lang gusto mong masunod ang gusto mo. Pero may inihanda akong mga tauhan para umalalay sayo. Ngunit hindi tulad ng inaasahan mo, yun ay mga private securities ko, ayoko lang na gumawa ka ng bagay ng padalos dalos ng hindi ko nalalaman.

