EPILOGUE:
My ordinary but not ordinary life & love story. It all started during high school days. Being student is the most flavorful, exciting, exaggerated, happy and most emotional but unforgettable moment of everyone’s life. At ang story ko, dito magsisimula.
/////////
“Scarlet! Scarlet!”
Nilingon ko ang tumawag sakin mula sa likod at nakita ko si Jona. Bestfriend ko simula noong 2nd year high school palang kami. Kasama ko sa kalokohan.
Scarlet, Cristy is holding her birthday party on Saturday night, pero sa bahay lang daw nila.But everyone are invited.
Everyone?!? As in lahat? (with teasing smile)?
I mean buong tropa, kaya kailangang pumunta tayo, masaya yun kasi sure ako invited din yung friends niya from previous school niya. And remember her kuwento? (with malanding tono ni Jona). It means dadating yung cuties na boys, at iyon ang first goal natin. Bwuaahaha..(Evil laugh) dapat may ma flirt tayong cute o handsome guy sa Saturday. Malapit na ang graduation and sa college maghihiwa-hiwalay na tayo. Kaya please scarlet wag ka na magpa hard to get. You need to go with me, alam mo naman ikaw ang pang front ko, nadadamay lang ako sa beauty mo.
Binola mo pa talaga ako, ang haba ng litanya mo. Sinabi ko bang di ako aatend? Pakipot ba kamo? Yan ang strategy natin sa Saturday, kaya reserve your kalandian girl. (with my evil smile)..
//Hindi naman kame malandi, but we enjoyed looking for some cuties and handsome guy na nakakapagpakilig samin, at nakakapagmotivate na din for our daily energy sa school. And hindi lang kame ang magkaibigan ni Jona sa school, actually marami kame. Grupo kame ng makukulit, maiingay at masasayahing estudyante in our highschool days. But we also enjoyed our schooling, baka iniisip n’yo pasaway lang kame. No! we are also responsible student. And isa sa hobby namin ay ang group study. And motto namin. Sama-sama sa kalokohan pero walang iwanan sa pag-aaral. Di naman naiiwasan na minsan nahihirapan tayo sa pag-aaral, kaya ang struggle ng isa, isosolve namin ng sama-sama.//
--------
Saturday! Party day!!
“ring ring ring”
Hello Jona! Asan ka na ba?! Ang daming tao dito kila Cristy and I can not see our friends. Anong oras ba sila magpupuntahan? Alam mo namang prinsesa ako ng never nalalate. Pati ba naman sa party ako pa din ang nauuna?
Jona: Girl malapit na ako, give me 5 minutes ang lilitaw ako sa harapan mo, alam mo namang mahabang paghahanda inilaan ko for today at ayokong umuwing sawi.
Tah dah!! At eto na bumaba na mula sa isang tricycle si Jona.
Girl, nagpahatid pa ako sa daddy at mommy ko dito at nakita nila na super daming bisita na boys, at muntik na ako pabalikin pauwi. Kunwari nalang nakikita ko na kayo sa loob at nagmadali na ako bumaba ng kotse at pinauwi ko na sila ni mommy.
//Engineer ang Dad ko from big company abroad and nag babakasyon siya every 2 months, ganun ang takbo ng kontrata nya abroad, kaya masasabi ko na nakakaluwag luwag kame sa buhay. And si mommy ay katulad naman din ng ibang ordinaryong may bahay.//
---------
Tatawag nalang ako mamaya kapag magpapasundo na ako pauwi. Hoy Jona!! I’m talking to you girl! Tulala ka?! Ano na nakuryente ka ba girl?
Jona: Ano ka ba girl?! Kakarating lang natin yung paguwi na agad sinasabi mo, irampa mo muna ang beauty mo tonight at natulala ako sa ganda at kaseksihan mo. At magnasisight akong jowable sa loob. Let's go girl!
//well I’m not denying may hubugang katawan is really impressive, charott!!! And sa beauty, di ko naman masasabi na super ganda ko, but atleast di naman siguro ako panget! I Guess? Pero halata namang hindi ako dahilan ng pagkatulala ni Jona//
Jona: Girl, sana may epekto din sakin ang awra mo tonight at ng di naman ako umuwing luhaan. Let’s greet Cristy first at rampa na agad! I am so excited!!
Happy Birthday Cristy!!!
Cristy: Hello Scarlet and Jona!! Thank you so much at naka-attend kayo, anyways nasa loob na ang tropa. Si Lea, Carla, Jaymie, Rhita and the Boys are all inside. I hope na mag-enjoy kayo sa party ko. Actually nirequest ko talaga ito dahil malapit na ang graduation and college life is our reality. Tapos na ang petics days natin mga friends, kailangang na natin harapin ang new level of life. Pero hindi ko naman inaasahan na marami palang dadating na bisita. Anyways salubungin ko lang muna ang ibang bisita na bagong dating, at babalikan ko kayo. Enjoy!
//At hindi nagpatumpik tumpik pa si Jona! Hinila sa braso si Cristy, nang may manatanaw, at sabay//
Jona: Crist, sino yung cute, tall at perfect na guy na bisita mo na nakatayo malapit sa door nyo?!? OMG!
//Napabalik si Cristy sa pagkakahila ni Jona at napangiti nalang//
Cristy: Girl ipapakilala ko kayo later, si Matthew yan, classmate ko noong 2nd year high school from my previous school. Ang cute di ba? Single yan, no girlfriend, no damage! Hahaha.. isa lang problema dyan kay Matthew. Torpe!!
Jona: Ay gusto ko yun!! May ipapares tayo dyan girl, alam mo na?! at itong freny natin sa side ko naman, mahiyain kuno din naman. Let see kung anong ending nila. Hahahaha..
Ooooppsss! Hey quick-witted ako, alam ko pinaplano nyo! At wag nyo na ako idamay sa kalokohan nyo! wag nyo na ituloy naiisip nyo at ang pakay ko dito ay ang pag-kain! Hahahaha…
Jona: Hay nku! oh sige na cristy kakain na kame ha, pero ang usapan natin mamaya ipapakilala mo kame ha. Happy birthday ulit at Salamat sa napakarami mong handa. Magpapakabusog talaga kame! At Ikaw naman scarlet, wag puro pagkain nasa isip mo. Maganda ka lang, pero minsan iniisip ko din san mo pinaglalalagay yung mga kinakain mo at ikaw lang ang pinagpala ng super active na metabolism kaya naman napakaseki mo pa din. Beauty face at magandang katawan. Sana all nalang! Hmmmp!
Ikaw naman, wag ka na mainggit, alam mo naman kapag napapagod ako sa aral, pagkain lang nagpapagaan ng kalooban ko, at masaya ako kapag kumakain, hehehe.. Siguro mabilis lang talaga ako malusawan kapag nag-aaral ako! kaya tara na at simulan na natin tikman lahat ng putahe!!
Wow lahat!?! Hahahaha….
///Matthew's POV///
Gerald: Pare, look at the girl sa buffet area! Perfect na sana eh, pero mukang mamumulubi ako kapag yan naging girlfriend ko. Grabe dalawang plato ang bitbit at halos lahat ng putahe kinuha nya. Mauubos ang allowance ko kapag ganyan ang girlfriend ko. Mukang pati ang pagkain ko ilalaan ko na sa kanya.
Bakit naman? Okay nga yan, walang arte at natural kumilos. Unlike other girls pretending to be decent but yet its just a show to impressed the guy. Tapos sa huli lalabas din ang tunay.
Gerald: grabe ka naman pare! Ang bitter mo dun! Di ba NGSB ka? NO girlfriend since birth! Hahaha.. kung makapagsalita ka naman parang naloko ka na ng girls. or baka kaya hindi ka magkagirlfriend kasi masyado kang pihikan? Oh man! we need to enjoy our youthful days! Kaya ako no to serious relationship! HAppy happy lang dude!
Cristy! Happy birthday! (Hugs) masyado kang busy kanina pa, hindi ka namin agad na greet.
Gerald: Happy birthday Cristy! Oo nga pala, pwede ko ba malaman pangalan noong girl na naka black na dress na mahaba ang buhok na makinis at sexy?!
Cristy: grabe sa description! Type mo ba? Ung naka black ba kamo? She is our class President si Scarlet! Matalino, medyo mahiyain pero wag mo lolokohin. Kasi nakakatakot sya magalit promise!
Gerald: oh wow! Nakaka challenge naman pala si Ms. Beautiful! Type ko sana, pero parang may ibang mas bagay sa kanya eh. Pwede mo ba kme ipakilala sa kanya?
Cristy: Oo naman, actually ung girl na kasama nya si Jona, pareho kayo ng naisip. At gusto nya ipakilala ko sila kay matthew. Kumokontra lang si Scarlet dahil ang pakay nya lang daw sa party ko ay kumain hahaha.. Food is life sa babaeng yan!
Gerald: Oo nga halata nga, kaya nga ke matthew natin sya ipakilala, dahil sure ako kakayanin ng allowance nya na maging girlfriend si Ms. Beautiful. Medyo malakas nga kasi kumain, iyon ang napansin ko. At di afford ng allowance ko and big No for me ang maggirlfriend ng malakas kumain.
Cristy: Ay grabe ka sa malakas kumain. Magana lang talaga yang si Scarlet, pero tingnan mo naman, sexy pa din. Active person lang kasi yan kaya food is source of her full energy to regain. everyday. Hahaha Super dami niya activity everyday, wala din ako masabi sa sipag niyang mag-aral at madalas tumutulong pa siya samin para lang sabay sabay kame sa pagpapasa ng projects.
//Nasa isang malaking table nakaupo ang barkada nila scarlet//
Cristy: Hello guys! I’m so sorry hindi ako makafocus sa inyo. I am not expecting na magiging ganito karami ang tao. Sobra tuloy ako naging busy sa pagwelcome sa mga visitors. Lalo na sa bisita ni mom at dad na halos di ko kilala, hahaha.. Anyways, guys si Gerald and Matthew, my friends from my previous school and kasi itong Gerald gusto magpakilala sa ating class president. Scarlet si Gerald at si Matthew. Ok lang ba na ishare nyo sila sa table n'yo? At may babalikan lang akong bisita, para naman may makakwentuhan din ang dalawang ito.
Jona: Naku gow upo kayo! Sige cristy mag-entertain ka muna ng bisita n'yo at ako na bahala sa dalawang ito. Guys, i-entertain din natin si Matthew! Este kaibiganin pala natin sila. Hahaha.. Matthew dito ka na maupo sa tabi ni scarlet at bakante yan, ikaw naman Gerald dito sa kabilang side para may kakwentuhan ako. Scarlet kwentuhan mo si Matthew ay este magkwentuhan kayo nang magkakilala kayong Mabuti. (Evil smile)
//sa unang pagkakataon ang bibong si Scarlet ay biglang natameme at mukang umurong ang dila at naistatwa sa kinauupuan nya, may mahiyain side din pala siya”
Matthew: Hi, ako nga pala si Matthew Andrada. Classmates kame ni Cristy ng 2nd year high school pero schoolmates na kame since primary school at nagkakasama na din kame sa mga school club program. And you are Scarlet? Right?
Scarlet: Ahhh Yes I am Scarlet Ocampo. Classmates naman kame ni Cristy since 3rd year na magtransfer sya ng school up to now.
Matthew: oh I see! Buti naka aatend ka din sa party niya. And it is so nice meeting you here.
Gerald: Aba teka! Ok din pala bumanat kahit NGSB itong kaibigan ko. Kapag maganda at sexy na medyo malakas kumain pala ang kaharap mo nawawala pagkatorpe mo!
Matthew: Gerald! Watch your word! I apologize scarlet.
Scarlet: Okay lang, totoo naman sinasabi ng kaibigan mo. And nakakahiya na nakita niyo pala akong kumain, pasensya na gutom kasi talaga ako, I did not have my lunch yet. Kaya napalakas nanaman ang kain ko.
Jona: Correction dear! Kahit nag-lunch ka, alam kong marami ka pa din makakain dahil yan ang happy pill mo. Food is life for you di ba?
//napangiti si matthew at tipong namula naman si scarlet sa sobrang hiya. Sabay nilakihan naman ng mata ni Scarlet si Jona, na parang sinasabing manahimik ka girl.//
Scarlet: Oo na, sige na! malakas talaga ako kumain matthew, di ko talaga mapigilan lalo’t masarap ang nakahain. (smile)
//napapangiti talaga si scarlet kapag pagkain ang usapan. Happy pill sa kanya ang pagkain. At mukang natuwa naman si Matthew dahil sobrang natural ang pagkilos ni Scarlet at di siya mahiyain kung kumain. Sa katulad ni Gerald ay turn off sa kanya ang babaing malakas kumain, dahil masisira daw ang figure ng babae na pinagpapantasyahan nya kung hahayaan nya kumain ng marami araw-araw.//
//Naging maayos at masaya naman ang naganap ng birthday party ni Cristy ng gabing iyon. Ngunit pagkatapos noon ay hindi na muli nagkita si Matthew at Scarlet.//
“ The party is pretty crowded but memorable. Even the friends of Cristy’s parents are invited. They owned a good company with lots of investors. That is why the party is surrounded of elite persons.” And Matthew Andrada is the eldest son of Andrada’s Group of Company. And who would know what this party brings to my life. Dahil sa isang ordinaryong tao na katulad ko, na bihira mabigyan ng pagkakataon na makadala sa ganitong klasens party ay nabigyan ng pagkakataon ngayong araw. at sabi nga hindi lahat ng plano o goal mo sa buhay ay nangyayari ayon sa kagustuhan natin. Alam kong isang party lang ang pinuntahan ko, ngunit sinong makakapagsabi kung anong tadahana nagdala sakin dito para maging malaking bahagi ito ng buhay ko.”
// Hello readers! This is my very first story and I hope you will follow my story till the end." Happy reading and see you sa susunod na episode.// Wish me goodluck fellows!