///Scarlet's POV//
Entering College is a new challenge in my life. I started taking entrance examinations in different colleges and I also tried in Universities. Fortunately I passed in different schools and I just need to choose at what school I am going to enroll. My parents preferred to enroll me at private university. But in some reason, challenges comes to our Family.
Scarlet, anak alam ko excited ka na mag-aral sa kolehiyo at lahat ay naayos mo na. Pero may gusto sana akong sabihin sayo. May problema kasi tayo anak, at sana hindi ito maging dahilan ng pag-tigil ng mga pangarap mo.
Ano pong problema mommy?
Anak, uuwi na ang daddy mo at matatagalan bago siya magbalik sa trabaho. Nag-kaproblema siya sa kumpanyang pinagtatrabahuhan. At isa sya sa mga nawalan ng trabaho. Bukod dun ay kailangan ng Daddy niyo makarecover completely. Kaya iniisip ko anak kung paano namin kayo pag-aaralin ng sabay sabay ng mga kapatid mo.
Ano po bang nangyari kay Daddy? May sakit po ba siya? Pero Mommy, ayaw ko po mag-break sa pag-aaral. Baka po pwede naman ako magtrabaho habang nag-aaral, di ba mommy? at nakapasa naman po ako sa isa sa Government University. Maari ko pa din po i pag-patuloy ang pag-aaral ko ng walang tuition fee na malaki. At kung mag-katrabaho po ako, hindi na din po magiging problema ang daily allowance ko.
Anak, hindi iyan ang pangarap namin ng daddy mo para sa iyo. at kung mag-tatrabaho ka, baka mahirapan ka at hindi ka makapagfocus sa pag-aaral. Kaya kung ayos lang sayo ay mag-break ka muna for 1 year anak. At i pag-patuloy mo nalang kapag nakabalik trabaho na ang Daddy n'yo.
Mommy, sayang naman po ang pag-take ko ng entrance examination para ngayong school year. Kaya ko naman po magtrabaho, payagan n'yo na po ako mommy please, para ako na po bahala sa pang-gastos ko araw araw. Almost 2 months pa po bago magsimula ang 1st Semester. mag-hahanap na po ako ng trabaho na malapit sa eskwelahan na papasukan ko mommy. Para po hindi ako masyado mahirapan sa pagpasok sa trabaho at sa school.
Scarlet anak, nahihiya kame ng daddy mo sayo. pero mahihirapan talaga tayo dahil nasa private school ang dalawang kapatid mo at hindi sasapat ang ipon natin para sa enrollment n'yong tatlo at sa budget hanggang makahanap ng bagong trabaho ang Daddy mo.
Mommy, malalagpasan din po natin ang pagsubok na ito. at huwag po kayo masyado mag-alala dahil sigurado hindi papayag si daddy na mawalan sya ng trabaho ng matagal. kailangan lang po natin magtulungan.
Maraming salamat anak! at sa 2 weeks from now ay uuwi ang daddy mo para magbakasyon na din, habang nagrerecover sya at makapag hanap ng bagong trabaho.
Sige mommy at sunduin natin si daddy paguwi nya. And mommy bukas din po ay mag-hahanap na ako ng trabaho. Pipilitin ko po na makakuha ako kaagad ng Part-time Job na magiging tugma po sa oras ng aking pasok sa school. Magpahinga ka na din mommy at gabi na. Huwag po kayo masyadong mag-alala. Good night na po mommy.
//Pumasok ako sa aking kwarto at hindi ko maiwasan mag-isip kung paano ako magsisimula. Alam kong mahirap ang desisyon na ginawa ko. Una ay gusto ko talaga makapasok sa isang pribadong eskwelahan. Ngunit hindi ko pwede isuko ang taon na ito para makasimula ng pag-aaral sa kolehiyo. Sana nga lang ay makahanap ako ng magandang trabaho at kayanin ko isabay sa aking pag-aaral.
Alam ko mabigat din ang pinagdadaanan ni Mommy at Daddy ngayon, dahil pangarap nila na mapagtapos ako ng pag-aaral. At sa katunayan ng nakapasa ako sa entrance exams sa halos lahat ng eskwelahang kinuhanan ko at sobrang saya nila dahil hindi kame makapagdecide kung saan ako mag-eenroll. Kaya hindi ko sila maaaring i-disappoint ngayon. Kailangan kong siguraduhing makakapag-aral pa din ako, at ayoko silang malungkot lalo na't walang trabaho si daddy. Gusto ko palagi silang maging proud sakin. Kaya kung ano man ang nasabi ko kay mommy na desisyon ko ngayon ay papatunayan ko na kaya ko para mabawasan din ang pag-aalala nila. Mas maganda kung matulog na ako at kailangan ko ikutin ang paligid ng Unibersidad na papasukan ko, para makapaghanap ako ng posible ko pamasukang trabaho. maganda na din ito at mkakapag-adjust na ako sa byahe kapag nakapag-trabaho na ako bago pa magsimula ang unang semester.
-------
Scarlet!! Scarlet!!
oh Jona, ikaw pala yan. Ang aga pa san ang punta mo eh bakasyon na tayo?
Eh ikaw girl san ang punta mo ng ganitong kaaga, aber!?!
Jona, san ka magcollege? nakapagdecide ka na ba? ako kc sa UP na mag-aaral, un na ang final desisyon ko. (I smiled)
Teka girl, di ba sa private ka mag-aaral? bakit bigla nag-bago ang isip mo? alam ba ng mommy mo yan? ako kasi alam mo naman hindi keri ng parents ko pag-aralin ako sa private school kaya una pa lang ay nagsunog na ako ng kilay at nag-padugo ng ilong para makapasa dyan sa UP. Kahit halos isuka ko na lahat ng napag-aralan ko. hahahaha...
Ikaw talaga! kaya mahal kita girl kasi lagi mo ako napapatawa kahit sobrang bigat ng araw ko.
Mukang may something talaga sayo today girl, ang aga aga at mabigat na agad ang araw mo. San ba talaga ang punta mo at this early ng morning?!
Mag-hahanap ako ng posibleng mapag-applayan ko ng trabaho na malapit sa university. para habang bakasyon makapag-ipon pa ako ng pang+simula ko sa pag-aaral ng kolehiyo. Kailangan ko mag-part timer sa trabaho. Working student ang magiging ganap ko girl.
Ano bang nangyari girl? alam ba ng mommy at daddy mo yang mga pinag-sasasabi mo? ok ka lang ba? alam kong maganda at mabait kang anak. Pero girl alam ko din na di ka papayagan ng parents mo. Unless may problema? kasi mukang may pinag-dadaanan ka tlga ngayon girl!
Next time ko nalang sasabihin sayo. Sige na girl, aalis na muna ako bago pa ako tanghaliin at gusto ko din makauwi ng maaga. at sa susunod nalang tayo magkwentuhan ulit. Bye!
Ay grabe sya may sikreto ka na ngayon ha! Oh sya sige at magingat ka, pero siguraduhin mong sasabihin mo sakin ang reason mo, dahil di naman kita titigilan hahaha.. Isa pa excited na din ako dahil magkakasama pa din tayo sa school. at balitaan mo ako sa job haunting mo, dahil interesado din ako. alam mo naman sitwasyon ko. Dapat kasi nag-yaya ka at ng sabay na sana tayo nag-hanap ng trabaho. kung hindi ko pa naisip mag-jogging ng maaga hindi ko pa malalaman. Baka magulat nalang ako na schoolmate ulit tayo.
Oh s'ya s'ya at aalis na ako. kung magsalita talaga to parang ayaw mo na huminga girl. Kumalma ka lang dyan ha, at sa susunod na tayo magusap ulit. tatanghaliin na ako!
-----------
After 2 Hours nakarating din ako. Grabe pala talaga ang trapik paluwas ng Maynila. Paano na kaya kapag nagtrabaho ako? Paano ko kaya imanage ang oras ko kasama ang madugong trapik araw araw. Hay naku saan na nga ba ako magsisimula nito. Para akong nasa kabilang mundo, bago ang lahat sa paligid ko. napanghihinaan ako ng loob pero sige lang, kailangan ko itong kayanin.
Lord, ikaw na po bahala sa akin. tulungan nyo po ako makahanap ng maayos na trabaho na makakatulong sa aking pag-aaral. Salamat po! Amen!
//Pagkatapos ko magdasal sabay Fighting Scarlet!! kaya mo yan!! kailangan ko i-cheer ang sarili ko sa araw na ito. Dahil ang lawak ng paligid at hindi ko talaga alam saan ako magsisimula. huwag sana ako maligaw at makauwi sana ako ng buo, hahahaha.. nasisiraan na ata ako ng isip at kung anu-ano na ang sinasabi ko.//
Magtatanghalian na at wala pa ako nahahanap, lahat kailangan full time. maaari pa naman ako mag-fulltime habang bakasyon pa, pero ayaw nila pumayag kapag pasukan na sa University at part-timer nalang ako. paano kaya ako nito? siguro kakain muna ako at mag-iikot ulit sa paligid at sana ay makahanap na ako. sana ay makakita ako. please Lord help me po! Thank you!
At matapos ko nga mag-lunch sa isang convenient store ay napatingin ako sa kahera at sandali akong natulala. Naisip ko kausapin ang kahera at magtanong tungkol sa trabaho nya. at nabuhayaan ako ng pag-asa ng malaman ko natanggap ang convenient store na malapit sa Universuty na papasukan ko ng part-timer, lalo na sa mga estudyateng katulad ko. Kaya mabilis ko iniabot ang aking resume at nakiusap na kung maari ay subukan ko magpasa para makapag-apply bilang part time employee. Tinaggap naman ng kahera at dinala sa loob ng opisina nila. At ilang minuto lang ay lumabas ang manager at nangangailangan nga daw sila ng part-timer dahil nag-resign ang isa nilang part-time employee. Kaya naman sobrang saya ko talaga.
Ms. Scarlet Ocampo? Sa ngayon ay kulang talaga kame ng tao para sa isang shift. Willing ka ba talaga mag-trabaho at magstart agad ng trabaho? O ang hinahanap mo ba ay yung sasabay sa start ng semester?
Ma'am, handa po ako mag-trabaho and very much willing po ako magstart kaagad. kailan po ba?
Oh very good! Pero hindi mo ba muna itatanong kung magkano ang sahod ng part-timer namin?
If you don't mind ma'am, may I ask po? (sabay ngiti)
Manager: Actually ang boss namin ay itinayo ang mga convenient stores na ito, malapit talaga sa mga eskwelahan para talaga makatulong sa estudyanteng katulad mo na naghahanap ng extrang income to support their studies. At dito sa store you only need to work for 6hours a day per shifts and your salary will range pa din as minimum. Para na din masuportahan ang employee namin to their financial needs as student. So ok ba sayo yun?
Sobrang ok po ma'am at pabor po sa akin. dahil kailangan ko po talaga ng sariling income para makapag-aral pa din ako.
Manager: Anong year mo na ba nag-aaral? Saang school ka ba at anong course mo?
Scarlet: Freshman student palang po ako sa opening ng semester. BSBA in Accountancy po ang kursong kukuhanin ko. Dyan po ako sa University na malapit po dito sa Store papasok ma'am.
Manager: Naku mukang matalinong bata ka ah. anong trabaho ng parents mo? bakit mo naisip magtrabaho?
Engineer po abroad ang daddy ko at ang mommy ko naman po ang nakaalalay samin ng mga kapatid ko. Recently po nagkaproblema ang daddy ko sa trabaho niya at isa po sya sa nawalan ng trabaho. At kailangan niya po umuwi dito sa Pilipinas, dahil wala pa po siyang bagong trabaho. Bukod po dun ay hindi pa namin alam ang sitwasyon niya, maliban sa may mga kailangan sya i-settle bago umuwi ay kailangan nya din po muna makarecover sa aksidenteng nangyari. Ang gusto po talaga nila ay magbreak ako for 1 year sa pag-aaral. Pero nanghihinayang po ako sa lilipas na taon na hindi ako makakapag-aral kaya hindi po ako pumayag, at nagdecide po ako na maghanap ng trabaho malapit sa university para mapag-sabay ko ang pag-aaral at pag-tatrabaho.
Manager: Oh good! napakabait mo naman palang bata at sure ako matutuwa sayo si Boss. But hopefully maging okay ang family nyo sa pinagdadaanan ninyo ngayon. Anyways Ms. Scarlet, I will surely call you after ko i-endorse at ipaapprove ang employment mo sa Boss natin. And here are the list of requirements you need to submit before ka mag-sign ng contract. At since medyo malayo ang tirahan mo, kaya mas okay kung isubmit mo nalang iyan sa first day ng trabaho mo at ok ba sayo ang shift na 10AM-4PM? for now yan ang maging shift mo. but kapag nagstart na ang semester, i-aadjust natin yan base sa schedule ng pasok mo sa University. Iyon naman ang sistema ng mga employee namin, nagpapalit palit sila ng oras, para hindi mag-conflict sa schedule nila sa school. ayos ba un?
Yes po Ma'am at maraming salamat po dahil sobrang pabor po ang trabaho na ito para sa akin. Thank you po at aantayin ko po ang tawag n'yo. God bless po!
//Thank you Lord! sobrang saya ko po at hindi n'yo po ako pinabayaan mahirapan makahanap ng trabaho. Thank you po talaga. Amen!//
Ang kailangan ko nalang gawin ngayon ay iprepare lahat ng requirements at abangan kung kailan ako magsisimula. tamang tama at sabado bukas, ipagluluto ko sila mommy ng pagkain para icelebrate na din ang swerteng nangyari sakin today!