Good morning mommy! galing na po akong palengke at bumili ng sangkap para sa lulutuin ko today.
May good news po ako sa inyo!
MOmmy: Mukang maganda ang araw mo anak. ano bang meron? Gusto mo bang tulungan kita magluto?
Scarlet: Sasabihin ko po mamaya, magrelax na lang po kayo at ako po ang magluluto today. Gising na din po ba sila James at Janna?
//Sila ang mga kapatid ko. Si Janna ay 2nd year high school at si James naman ang bunso kong kapatid na mag grade 6 na sa susunod na pasukan. Same private school kame nag-aaral. at ngayon nga ay mag-college naman ako, at hindi ko na sila makakasama sa school. Kaya gusto ko sana sila kausapin para alagaan at tulungan ang isa't isa. Kung noon ay ako ang nakaalalay sa kanila, ngayon ay halos mawawalan na ako ng oras para matulugan sila sa pag-aaral nila. Kaya sana ay maging maayos sila sa eskwelahan kahit na hindi na nila ako makakasama araw-araw. At today nga ay magsasalo salo na kame sa pag-kain. Bago manlang ako magstart sa trabaho ko ay makabonding ko pa sila. At bago pa talaga maging busy sa pag-aaral ko sa university.//
James!! Janna!! Bumaba na kayo rito at kakain na tayo! Nag-iintay na din si mommy!
Mommy: Ano bang meron anak at marami kang iniluto? at san ka kumuha ng pinambili mo? hindi ka naman humingi sa akin bago ka namalengke.
Ate special day ba today? ang dami mo niluto at may cake pa. mukang mapapalaban kame ng kain ni ate Janna,hehehe..
Naku James ikaw lang malakas kumain at si ate. alam mo naman dalaga na din ako at ayokong masira ang figure ko. kaya iniingatan ko ang pag-kain ko. hmmp!
Scarlet: Hay naku kayo talaga konting bagay lagi kayo nagdedebate. Basta gusto ko kumain tayo today at ubusin natin ang mga iniluto ko. Dahil may good news ako sa inyo..
Mommy may trabaho na po ako at malapit lang po sa university. Sa convenient store po bilang cashier at 6 hours lng po ang trabaho daily. Pero minimum po ang sweldo, at mukang mabait po ang boss namin, dahil ang sabi po ng ng store manager lahat sa store na nagtatrabaho ay part-timer na estudyante. Dahil iyon daw po talaga ang gusto ng may ari ng store, na makatulong sa estudyanteng nangangailangan ng trabaho kaya po doon itinayo ang store, halos katapat lang po at bukod po doon ay magsisimula na po ako ng trabaho sa susunod na linggo. Inaantay ko nalang po ang tawag ng manager ng store para maconfirm po ang araw ng first day ko sa trabaho.
Mommy! Janna! James! bakit natahimik kayo?
MOmmy: Anak, desidido ka na ba talaga magtrabaho habang nag-aaral? sabi ko naman sayo tumigil ka muna ng isang taon at kapag nakarecover na si daddy mo at nagkatrabaho ulit saka ka ulit namin pag-aralin. Hindi mo kailangan mahirapan magtrabaho habang nag-aaral.
Mommy, bakit mo po ba sinasabing hanggang makarecover si daddy? ano po ba talaga nangyari kay daddy? Mommy, hanggat maaari po ay ayoko po tumigil sa pag-aaral. kaya ko naman po mag-trabaho at ung nakalaan na pera para sa pansimula ko ng kolehiyo ko, hindi ko naman po lahat kakailanganin sa ngayon, kaya maari nyo po magamit, at kaya nga po ako magtrabaho para hindi nyo na iisipin ang paggastos ko araw araw. Ang kailangan ko lang po ay makahanap ng dormitory na matitirahan ko. at uuwi pa din naman ako every weekends. And mommy malaki ba ang problema ni daddy? ano po ba talaga nangyari? gusto ko po sana antayin makauwi si daddy para malaman ang dahilan, pero nakikita ko po na bothered kayo. kung hindi po mabigat ang problema natin, alam ko po na hindi nyo mag-iisip na patigilin ako sa pag-aaral. Kaya po mas kailangan ko makatapos sa pag-aaral ng mabilis. Kaya huwag na po natin i-delay ng isang taon.
Oo nga po mommy!? ano po nangyari kay daddy? bakit magtatrabaho si ate Scarlet? hindi na namin sya palagi makakasama at wala tutulong samin sa mga projects at assignments namin.
Mommy: Ang totoo anak -napasama sa isang maliit na aksidente ang daddy n'yo at sa ngayon ay hindi s'ya makakapagtrabaho. at nagdesisyon ang company na mag-file sya ng disability kaya hindi na s'ya mkakabalik ng trabaho. Pero huwag kayo magalala mga anak kasi hindi naman malala ang kalagayan n'ya at di ba nga uuwi s'ya, kaya habang nagpapagaling si daddy n'yo ay maaalagaan natin s'ya sa bahay. antayin nalang natin s'ya mkauwi dahil inaayos ng company ang papeles nya pauwi. at nag appointment na din ako sa ospital kung san sya idederecho pagkasundo natin sa airport.
// natulala na kame ng mga kapatid ko at wala ako naisagot sa mommy ko, habang yapos ko si James at Janna na umiiyak. kaya pala hindi namin nakakausap ang daddy dahil kasalukuyan pa sya nasa ospital sa bansang pinagtatrabahuhan nya. Hindi ko naisip na ganito kabigat ang pinagdadaanan ng mommy at daddy ko. Samantalang sarili ko lang iniisip ko at ipinilit ko pa din na gusto ko pa din mag-aral. Bigla ako nanghina na halos pakiramdam ko ay para akong nauubos na kandila. Hindi sinasabi ng mommy ko ang tunay na kundisyon ng daddy ko, pero alam kong hindi ito maayos at sobra akong nag-aalala.//
-------
Ring ring ring!!
Hello po! Good morning!
Manager: Ms. Scarlet Ocampo?
Yes Ma'am speaking!
Manager: Oh dear si Ms. Dianne ito, manager sa store. Inform lang kita na you are officially hired and you can start na on monday 10Am-4PM ang shift mo. and don't forget to bring all the requirements. Are you ready to work na ba???? Hello Ms. Ocampo, are you still on the line?
Ahm yes po ma'am, sorry po nabigla lang po at ang bilis ko po natanggap sa trabaho.
Manager: Bakit nagbago na ba ang isip mo? you're spaced out, are you ok?
Ahm no ma'am, may iniisip lang po ako. pasensya na po kung hindi ko po kayo nasagot agad. maraming salamat po sa opportunity at pagbubutihan ko po ang pagtatrabaho. Maraming salamat po at dadating po ako sa monday 10am po.
-------
Mommy, pwede ko po ba kayo makausap?
Mommy: Oo naman anak anytime.
Tumawag na po kasi ang manager ng store at magsisimula na daw po ako magtrabaho sa monday. kailan po ba ang dating ni daddy?
Mommy: Gnun ba anak, bakit napakabilis naman at kailangan mo na agad magsimula? Almost 2weeks from now anak. Saturday morning iyon at pagkasundo natin ay dederecho kame ni daddy mo sa hospital at ako ang magalaga sa kanya habang tinatapos ang mga test na kailangan n'ya pagdaanan. hindi naman kame magtatagal doon at sa bahay na din magpapagaling ang daddy n'yo.
Ganun po ba. Okay lang po ba na magsimula na ako sa monday ng trabaho at kung sabado naman po ang dating ni daddy ay wala po akong pasok ng araw na iyon. masasamahan ko po kayo sumundo at mabantayan ang mga kapatid ko. Pero paano po kaya sila Janna at James habang nasa hospital kayo? sino po ang magbabantay sa dalawa, kung nasa trabaho po ako? o mas mabuti po yata na hindi nalang po ako muna magtrabaho at hindi na din po muna ako mag-aaral.
Mommy: Anak, alam ko na mataas ang pangarap mo at nahihiya ako sayo na kinailangan mo magtrabaho para maipagpatuloy ang pag-aaral mo. Pasensya ka na anak. pero ituloy mo ang plano mo at ako ang bahala sa daddy mo at mga kapatid mo. Ang tita mo ang pansamantalang makakasama ng mga kapatid mo sa bahay at napagusapan na namin iyan. Alam ko mahihirapan ka magtrabaho at mag-aral ng sabay. Pero hindi na kita pipigilan para hindi ito maging hadlang sa pangarap mo. Ngunit kung sa tingin mo ay masasakripisyo ang kalusugan mo, kailangan mo tumigil sa trabaho. at gagawa ako ng paraan para hindi ka matigil sa pag-aaral anak. Sorry kung sinabihan kita na tumigil mag-aral. alam ko na hindi din iyon magugustuhan ng daddy mo. makakaraos din tayo anak kaya magtiwala lang tayo sa plano ni Lord. okay? kaya natin ito basta sama sama tayo.
Thank you po mommy! at huwag n'yo po ko masyadong alalahanin, kakayanin ko po ang trabaho at pag-aaral. After po ng shift ko sa monday ay maghahanap po ako ng dormitory na matutuluyan ko na malapit sa trabaho at sa university. Para na din po hindi ako mapagod sa byahe kung maguwian ako araw araw. Sure po ako na kakayanin po natin ito at sisikapin ko po makatapos ng pag-aaral. para hindi na po kailanganin ni daddy mag-ibang bansa para magtrabaho.
//Monday//
Good morning Ms. Dianne!
Manager: Good morning Ms. Scarlet! mabuti maaga ka dumating at ito nga pala si Jerome, sya ang duty ng 10pm-10am sa ngayon. Student din sya at full time shift ang pasok nya, dahil bakasyon naman ngayon, at kulang pa tayo ng employee. But usually napupuno ang lahat ng shift kapag nagsimula na ang pasukan. ako naman ay pumapasok ng 8am-8pm, kaya makakasama mo din ako dito sa store buong maghapon. at ipapakilala din kita sa magduty ng 4pm-10pm mamaya.
Thank you po ma'am! magtatrabaho po ako ng mabuti.
Manager: I know dear, at tiwala ako sayo. sabay kindat!
(I just smiled)
//I greeted every costumers that comes in sa store. And first day of work ko at excited din ako, kahit na nagaalala ako sa pamilya ko. lalo na sa daddy ko na hindi ko pa nakakausap, bago pa man nangyari ang aksidente. kaya sobra akong nagsisisi dahil narealize ko na hindi pala ako naglaan ng oras para makamusta manlang ang daddy ko sa trabaho nya.//
Welcome po! binati ko ang pumasok na costumer habang nagaayos ng mga paninda sa cabinet malapit sa aking pwesto bilang cashier. At nagbayad ang costumer na pumasok ng hindi ko masyadong sinulyapan ang muka. dahil hindi ko naman maiwasan na isipin ang mga pinagdadaanan namin. Unang araw sa trabaho at lutang na agad ang isip ko.
Thank you Miss! and sana next time magsmile ka naman sa costumer. Para mas marami ang matuwang pumasok sa store nyo.
nagulat ako sa sinabi nya at para akong natauhan, nang maisip kong nakasimangot pala ako.
sabay sorry po sir! at sabay smile. Thank you po and come again!
He smiled and left the store.
Bakit parang pamilyar sakin ang lalaki na yun? napaisip ako saglit at binaliwala ko na din, dahil naisip kong baka nakasalubong ko na s'ya kung saan kaya pamilyar s'ya sakin.