Episode 3

1943 Words
Manager: Ms. Scarlet, by 4PM pwede ka na mag out, but kapag wala pa si Leah, sya yung nakaduty noong nagpasa ka ng resume mo, remember? Kung hindi pa sya dumadating, minsan hindi naiiwasan ang malate, I hope na willing ka to extend dahil need natin sya antayin before you go. And also minsan di maiwasan na di nakakapasok ang kapalitan mo. Okay lang ba sayo to take over her shift at magover time. Of course with extra pay. kapag ganitong bakasyon lang naman malimit mangyari iyan, but when class started lagi naman full ang shifts natin. kaya huwag ka masyadong mag-alala. Walang pong problema ma'am, hindi pa din naman po nagsisimula ang semester. at willing naman po ako magovertime dahil malaking tulong din iyon sa akin. Ngayong araw lang po ay kailangan ko makapag out ng tamang oras, dahil maghahanap po ako ng dormitory na pwede ko matuluyan, para hindi po ako mapagod sa byahe daily at makatipid na din po sa oras at gastos daily. (I smiled) Manager: So naghahanap ka pala ng dormitory. well sa likod ng store may mga apartment at dormitories dyan, pwede ka magtanong tanong dyan at alam ko maraming available ngayon. But may apartment building din si boss 300 meters away dito, At doon naman ako umuuwi. Kung gusto mo pagdating ni Leah ay isasama kita para makita mo ang unit ko, dahil may extra room ako na available, wala akong kasamang nakatira sa unit ko. If you want sakin ka nalang maki-share at para malapit lang ang mauuwian mo? Naku ma'am nkakahiya naman po at unit n'yo po iyon. At kung apartment po iyon ay sure pong mataas ang renta, hindi ko po siguro kakayaning bayaran. Sa ibang dormitory nalang po ako maghahanap at okay lang po na hindi n'yo na po ako samahan. Ako nalang po ang maghahanap para hindi ko po kayo maabala. Manager: Dear, may 2 rooms, ang unit ko. Ang kailangan ko lang gawin ay iinform sa admin office na may patitirahin ako sa unit ko. At huwag mo masyadong alalahanin ang renta dahil di kita sisingilin ng mahal. Ang gusto ko lang malaman ay kung okay lang sayo na tumira kasama ko? Talaga po? okay lang po ba sa inyo na makasama ako sa bahay? masipag po ako! Marunong po ako magluto! kahit ako na po maglinis at magluto araw araw ma'am, wala pong problema sa akin. Kaya lang po magkano po kaya ang renta ng isang room? hindi po ba Talaga ako makakaabala sa inyo? Manager: Ay naku hindi at baka matuwa pa nga si boss at huwag ka mag-alala sa renta. Dahil may advance at deposit payment na ako. At para di ka maguilty ay kukuhanan nlng kita ng share. magkano ba ang kaya mo ibudget for room rent? Ma'am, bakit po matutuwa si boss? Don't get me wrong po, naitanong ko lang kasi medyo naconfused lang po ako. Manager: ah may sinabi ba akong matutuwa si boss? ibig sabihin ko ay may makakasama na ako sa bahay at sure na matutuwa si boss kapag nalaman nya na may makakashare na din ako sa pagbayad ng unit ko. kasi talagang mabait ang boss natin, yun lang yun dear. wala ka dapat alalahanin. ay gnun po ba, mabait po pala talaga ang boss natin. Sana po ay makilala ko din s'ya at makapag-pasalamat sa kanya ng personal. kaso mukang sobrang busy n'ya po at hindi s'ya nag-vivisit sa store. Manager: Busy talagang tao si boss dahil, marami syang business, pero malimit s'ya magvisit sa store. Minsan lang hindi mo siya mamamalayang dumadating at umaalis. kaya ang advice ko sayo dear, lagi magsmile kapag nakaduty ka sa store. okay? Yes po ma'am. pasensya na po kung medyo hindi ako masyadong okay ngayong first day ko sa store. And kanina po nasita ako ng costumer dahil nakasimangot po ata ako. pero promise po mas magiging alert na po ako at lagi po ako mag smile. Manager: Okay tama yan. at huwag mo hayaang lagi ka nasisita ng costumer na yun. (smile). anyways pag-out mo mamaya ay punta tayo sa unit ko. para bukas pwede ka na din mag move in at mabigyan kita ng sarili mong susi ng door. pero ma'am hindi pa po ako nakakapagbigay ng advance at deposit ko. Magkano po ba magiging renta ko? Para po pag-uwi ko ay masabi ko po sa mommy ko na mag move in na ako sa unit nyo po. At ma-provide na po namin ang pang-renta ko. Maraming Salamat po sa tiwala n'yo sa akin ma'am. Kahit ngayon nyo lang ako nakilala ay nagtiwala na po kayo kaagad sa akin. mamaya na natin pag-usapan yan, at balik trabaho muna tayo. marami pa ako tatapusing trabaho sa office. see you ulit later. //Scarlet POV's// Lord thank you kasi po ang swerte ko sa nakuha kong trabaho. magaan ang trabaho at mabait ang mga kasama ko sa trabaho. Lalo na po ni Ma'am Dianne at nag-offer pa s'ya ng matitirahan ko. Parang napakagaan ng lahat kahit may pinagdadaanan kame ng pamilya ko, may maganda pa din namang blessing na dumadating sa akin. Kailangan ko pala tawagan si mommy mamaya para matulungan n'ya ako mag-ayos ng gamit ko na maaari ko na mabitbit bukas. At Yung ibang gamit ko siguro ay nxtweek ko nalang dalahin pagbalik ko after weekends off ko. Mahalaga may magamit ako sa pagpasok sa trabaho at ang mga libro ko na kailangan ko pag-aralan advance. Sino nga kaya ang boss namin, nakakahiya naman magtanong kay Ms. Dianne kasi mukang kahit mabait ay conservative ang boss namin. At para bang hindi n'ya gusto na makilala s'ya ng mga employee. Pero swerte din s'ya kay Ms. Diane kasi mukang mahusay na manager ng store. At mukang masyado din ma-ingat si Ma'am Dianne dahill kahit minsan hindi pa n'ya nabanggit ang pangalan ng boss namin. At Boss lang talaga ang tawag n'ya. Very casual lang at tuwing nadidinig ko parang gangster ang dating. hahaha.. ano ba itong mga naiisip ko, natatawa tuloy akong mag-isa. Manager: Scarlet, ito si Leah 3rd year student din sa university. Tahimik na bata din yan pero maaasahan sa trabaho. Gusto ko sana na maging magkaibigan kayo. at kung ready ka na to go puntahan mo ako sa office para makavisit na tau sa unit ko. Yes po ma'am mag out lang po ako at mag endorse kay Ms. Leah. Leah: Hi Ms. Scarlet, welcome sa store at sana mas malimit tayo magkasama. sabagay pagstart ng semester posible na tayo magkasabay ng shift, dahil 3 na tayo magduty every shift, dahil mas busy ang store kapag simula na ang pasukan. at sana mabilis ka makapag adjust, dahil kapag pasukan na hindi maiwasan na may mga estudyanteng maaarte at mayayabang na mkakasalamuha natin dito sa store. Mga pasaway at nakakainis ang mga insecure na student na walang ginawa kundi mang bully. kailangan natin habaan ang pasensya natin. Okay? Thank you Ms. Leah, medyo nakakatakot pala. Naiisip ko palang kinakabahan na ako sa pagsisimula ng semester. Sabagay hindi naman maiiwasan yun. Pero sanay naman ako mang deadma hahaha.. Oo nga pala yung kaibigan ko si Jona ay dito din mag-aaral at gusto din nya magpart time job. sana kapag nagsimula ang semester makapag apply din sya dito at magkasama sama tayo ng shift. Salamat at sana mas maging magkaibigan pa po tayo. Sige Ms. Leah mauuna napo ako at bibisitahin namin ang unit ni ma'am Dianne kc dun ako mag rent ng room. Buti nalang nagoffer si Ma'am Dianne at hindi na ako nahirapan maghanap ng matutuluyan ko dito. Leah: Oh good, mabait talaga si ma'am. kaya di nkakapressure magtrabaho dito sa store. see you nalang ulit tomorrow. Ingat sa pag-uwi. ------- Knock knock! Ma'am Dianne, ready na po ako, antayin ko nalang po kayo. Take your time po hindi naman po ako nagmamadali. Maraming Salamat nga po pala ulit. sa pag offer ng matitirahan ko. Salamat po ma'am. Manager: Oh no no let's go na at malayo pa ang uuwian mo, silipin lang natin ang unit ko at ung room na titigilan mo. para bukas iderecho mo na ang mga gamit mo dun bago ka pumasok sa store. at Pag-papasensyahan mo ang unit ko dahil hindi sya gaano malinis, kulang ako sa oras maglinis. pero huwag ka magaabala sa unit ko. ung kwarto mo lang ang responsibilidad mo! Deadma ka lang sa ibang kalat dun, okay?! I smiled and okay lang po mam at kapag may oras po ako, wag po kayo magalala dahil sanay po ako maglinis ng bahay at marunong din po ako magluto. Ma'am about po sa renta? para po makuha ko ang budget ko sa pang rent ng room sa mommy ko at maiabot ko na din po sa inyo bukas. Manager: Dear, huwag mo problemahin ang renta. pero kung nabobother ka ok na ba sa budget mo ang 2,000 monthly? oh babaan pa natin? sa food kung gusto mo magluto ng kahit anong nasa ref ko, iluto mo lang at kung may food ka naman na gusto bilihin, no problem sakin. basta wag mo ako poproblemahin. dahil sarili mo lang ang responsibilidad mo. Clear ba tayo dyan? Yes po mam, at maraming salamat po. sobrang bait nyo po sa akin. Pinagaan nyo po lahat ng adjustment ko dito sa Manila. Kung hindi po siguro kayo ang naging boss ko, hindi ko po siguro kakayanin, lalo na po sa sitwasyon ng pamilya ko ngayon. napakaswerte ko po talaga na nakilala ko po kayo. Manager: May problema ba sa pamilya mo ngayon? Wala naman po talagang problema basta po sama sama, dahil magkakasama po kame ng pamilya ko na haharap at tatawid sa pagsubok. Mabigat lang po sitwasyon ngayon dahil hindi maganda ang kundisyon ng daddy ko, lalo na po at nasa ibang bansa pa sya at uuwi palang po sya nxtweek. at kailangan nya magpagaling dahil sa aksidente. kaya po kinailangan ko magtrabaho para makatulong po sa pag-aaral ko. Kaya po malaki ang pasasalamat ko sa iyo ma'am dahil naramdaman kong hindi palaging mabigat ang sitwasyon. // ANDRADA BLDG.// Dito po pala kayo nakatira, malapit lang sa store, at maganda po ang bldg. muka po atang lugi kayo sa rental fee ko mam? Manager: Naku pumasok ka muna at tingnan ang room mo. bakante yan meron lang cabinet na pwede mo gamitin. at ung higaan, siguro lagyan nlng muna natin ng sapin at bumili nalang tayo ng kutson mo nxtweek. Okay napo ako sa sahig, magdadala nalang po ako ng kumot pangsapin at mga unan po nxtweek pagbalik ko. sobrang dami nyo na po naitulong. bukas po ay magbitbit lang ako ng mga damit at libro ko. okay lang po ba? at mam siguro po kailangan ko dagdagan ang napaguspan natin na rental fee ko? kasi po mukang mahal ang renta nyo sa unit nyo. bukas po ay magaabot po ako ng share ko sa renta. Maraming Salamat po. Manager: Okay para di ka nagaalala, gawin mo kung anong gusto mo at basta wag mo papabayaan ang pag-aaral mo. eto na ang susi ng main door at ng kwarto mo. so anytime bukas pwede kn pumunta at pumasok derecho sa bahay natin. sure ako na tulog pa ako kapag dumating ka, wag mo ako intindihin basta iayos mo ang gamit mo at magpahinga ka kapag may oras ka bago ka pumasok sa store. Maraming maraming Salamat po talaga ma'am. Magpapa-alam na po muna ako at uuwi na po muna ako ma'amm, natawagan ko na din po si mommy para maihanda ang mga damit ko at bukas ng umaga po ay babalik po ako dito. Maraming salamat po ulit ma'am. and see u tomorrow po.God bless you po!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD