///Matthew's POV///
Ring ring ring!!!
Hello Good evening Mr. Andrada!
Yes Ms. Dianne? How was your day?
Manager: Sir, I just want to inform you that Ms. Scarlet is on her way home now. And tama po ang sinabi n'yo na kakailanganin n'ya ng matitirahan dito sa Manila at naghahanda din talaga s'ya to adjust herself sa bagong environment. Kaya po tulad ng sinabi n'yo inoffer ko ang room sa unit ko sa apartment bldg nyo. But she insist to pay a rent at ayaw n'ya tanggapin ang offer ko lagyan ng kutson ang kwarto nya. para hindi naman din po s'ya mag-alala sinabi ko nalang po na kung anong gusto nya ay yun nalang po ang gawin nya.
NO! Nasaan ka ngayon? if nandyan ka sa unit mo, please wait for me there, and let's set her room for her to be comfortable dahil kailangan n'ya yun lalo na kapag nagaaral na sya. At kapag pagod galing sa trabaho. Ikaw lang din ang maaasahan ko to watch for her. dahil hindi pa ako ready to introduce myself. and I hope you don't mind Ms. Dianne?
Manager: Yes po Sir, wala pong problema at napakabait naman pong bata ni Scarlet. Naaawa nga po ako at mukang alam ko na ang dahilan kung bakit kailangan nya magtrabaho to support her studies.
What do you mean about her reason?
Manager: Her father is working abroad but naaksidente po and they are expecting him to go back dito sa Pilipinas nextweek. Pero disabled na s'ya sa pagkakaunawa ko sa kwento ni Ms. Scarlet. At mangangailangan pa na magtreatment to recover. I don't know the exact details Sir pero mukang mabigat po talaga ang pinagdadaanan n'ya.
Ahm okay ako na ang bahala umalam ng detalye. thank you ang great work Ms. Dianne. On the way ako sa unit mo at un deliveries na itinawag ko sa mall. It's a furniture para sa room ni Scarlet. And I will be there in 30mins. I want to see kung may kulang pa. Ikaw nalang ang bahalang magpaliwanag sa kanya. Just don't mention my name to her.
Manager: Noted po Sir. I will wait here na lang po.
-------
I think its all good now, at magiging komportable na si Scarlet sa room nya. anong oras pala sya babalik dito bukas? And also tomorrow ay lilipat din ako sa kabilang Unit. It's temporary. But I just want to see how she adjust in this building and to her new environment. I just want you Ms. Dianne to report to me whatever happens to Scarlet and if she needs anything.
Manager: Yes po Sir. Ang sabi po nya ay maaga syang magbyahe para makapag ayos ng gamit nya bago sya pumasok sa store.
Oh okay. I will send food tomorrow morning for your breakfast. Just tell her that you ordered the food.
Manager: (Smiled) Can I talk to you casually Matthew? mukang grabe ang tama mo kay Scarlet. Daddy mo pa ang nagmamanage ng mga business nyo at medyo bata ka pa ay nakakasama na kita at kilala na kita. Pero ngayon lang kitang nakita na nagpapanic sa isang simpleng dahilan. Matagal mo na ba kilala si Scarlet? kasi noong nakita mo palang ang resume nya nagbago agad ang mood mo. At parang nabawasan ang pagiging mainitin ng ulo mo at pagiging malamig mo.
Well, we've met once sa birthday party ng common friends namin in high school. We had small talk and that's it. Ngayon ko nalang ulit sya nakita, and I did'nt expect na dito sya magaaral. Maybe it's fate. (Smiled)
Manager: Ang pagkakataon nga naman. At masasabi kong may something ka na ever since then. Pero sobrang dami mo responsibilidad. nag papatakbo ka ng negosyong naiwan ng Parents mo at your young age at kailangan mo din mag-aral. kaya kailangan natin ingatan ang identity mo dahil marami pa din sumisilip ng kahinaan mo, para matake over ng iba ang businesses nyo. Kaya Matthew ingat pa din, bilang matagal ako nagsilbi sa daddy mo at ayaw ko din mawala ka sa focus. And about Scarlet, just let her finish her study at habang nasa store sya, ako ang bahala gumabay sa kanya. kaya focus ka sa priority mo.
Yes Ms. Dianne, and aasahan ko ang pangako mo. Malapit na din magsimula ang 1st semester, para na din kila daddy ay kailangan ko magaral mabuti. Para matake over ko officially lahat ng business na naiwan nila. at kailangan ko din maprotektahan ang kapatid ko. Si Marco nasa secondary school na din. kailangan ko maging good example sa kanya, in time kame ang magtutulungan to run our business. and Thank you so much Ms. Dianne sa paggabay samin at pagtayo bilang pangalawang magulang namin ni Marco.
Manager: Walang anuman, dahil iyan lang ang magagawa ko para sa inyong magkapatid. kapalit ng maraming tulong na natanggap ko mula sa parents mo. Basta anytime nandito lang ako para sa inyong magkapatid.
//Scarlet's POV//
Teka tama ba itong napasok ko na unit? teka bumukas ang pinto sa susing ginamit ko, pero kahapon hindi ganito ang unit ni Ms.Dianne. Baka sira ung door lock ng unit na ito kaya nabuksan ko. Teka anong nangyari?
//Lumabas ako ulit ang tiningnan ang Unit number. 206, tama naman ang unit number sa pintuan ko, naglinis pa ata si Ma'am Dianne dahil sakin, nakakahiya dapat ako na lang ang naglinis ngayon. Siguro ipasok ko muna ang gamit ko sa kwarto at magluto nalang ako ng almusal.//
WOW! Ano bang nangyayari?!? may bagong bed, vanity cabinet, towels, blanket at pillows na nakaready. Paano na ito mukang nakahanap ng bagong room mates si Ms, Dianne. (medyo nag-alala) Pero sabagay lugi naman kasi talaga sya kung ako ang mkikishare dahil ang liit lang ng kaya ko ibayad. Paano na kaya ako nito. siguro magpapalipas na lang muna ako ng oras sa sofa at aantayin ko sya magising. Ipapakiusap ko nalang muna itong gamit ko na iiwan ko muna sa unit nya, para after ng trabaho hahanap nalang ako ng bedspacer room malapit sa store. may mahahanap pa naman siguro ako. Pero bakit ako naiiyak? ok lang naman sakin na hindi ako dito tumira, mahalaga may mauuwian ako. pero sana sinabihan ako ni Ma'am Dianne para di na ako tumuloy dito at di sana ako nagbyahe ng maaga.
6AM sobrang aga pa, mamaya pa siguro magigising si Mam Dianne. ok lang siguro na maupo lang muna ako dito sa sofa. pero bka abutan ako ng bago n'yang roommate. Nakakahiya talaga, pero hindi naman siguro magagalit yon.
Manager: Scarlet dear.. Scarlet...
Sorry po ma'am nakatulog po pala ako. inaantay ko lang po kayo magising at magpapaalam na din po sana ako. Ipapakiusap ko lang po sana ang gamit ko, kung maaari ay iiwan ko po muna dito sa unit nyo habang naghahanap ako ng matutuluyan ko mamaya. Okay lang po ba? Eto na din po ang susi ng unit n'yo. Salamat po.
Manager: Ha? Bakit? db dito ka titira kasama ko? anong problema?
Pero Ma'am mukang may bago kang roommate. kasi po nabuksan ko ang kwarto at puno na po ng gamit. pasensya na po kung pumasok ako, hindi ko po kasi alam. Okay lang naman po sakin, kasi po unfair din po kasi maliit lng budget ko pangrenta. Hahanap nalang po ako ng ibang matitirahan.
Manager: Hahahaha... Kalma ka lang dear. hinga ka ng malalim at maupo ka muna ulit at makinig ka sakin. ineexpect ko na ang reaction mo na yan. Well, kahapon kasi paguwi mo ay nagreport ako kay boss ng nangyayari sa store and I mentioned na your going to stay with me. And natuwa naman s'ya, like what I've said to you yesterday. I told him na you accepted my offer to live with me. At dahil matagal na ako nagtatrabaho sa kanila, at hindi lng yung convenient store ang minamanage ko. Kaya naman maliit lang din ang renta ko sa unit na ito, at iyon ay dahil sa boss natin. Actually d'yan lang ako talaga nagstay magopisina sa store dahil malapit yan sa bahay ko. At dito din kasi nakatira sa building na ito ang mga anak ni boss, dahil malapit lang din sa School na pinapasukan ng dalawang anak ni Boss itong apartment. at ako din talaga ang nangangalaga sa magkapatid. Isang high school at ang isa ay kaedad mo. So alam nya kung anong lagay ng unit ko at bilang estudyante ka na laging concern ni boss gusto nya na maging komportable ka sa pagtira mo dito at lalo na kapag nagaral ka na. Kung nagaalala ka sa gastos, nandyan ang lahat ng resibo ng mga dineliver na gamit mo kahapon. itago mo at isipin mong nagstudent loan ka. kaya mag-aral kang mabuti para kapag nag-graduate ka na, ska mo sya bayaran, at wag ka mapressure dahil hindi ka naman obligado talaga magbayad. at kung gugustuhin mo ay maaari ka makapagtrabaho sa isa sa mga kumpanyang pag-aari nila. okay ba yun?
Hindi po ba parang sobra na po ung pagtulong na ginagawa ni boss sa akin? wala naman po problema sakin kung talaga po mabibigyan ako ng pagkakataon na makapagtrabaho sa kumpanya nila boss. nagaalala lang kasi ako, paano kung bigla ako singilin maam, wala po ako ibabayad agad.
Manager: Hay nku bata ka nagalala ka sa mga bagay na hindi dapat alalahanin. Oo nga pala nagorder ako ng food para sa welcome party ko sayo, bilang unang araw mo titira sa unit na ito. kaya kumain na tau ng breakfast at mauuna akong kumilos para pumasok sa store at ikaw magayos ng gamit mo at saka ka sumunod sa store. okay?!?
Okay po mam! Maraming Salamat po. pakiramdam ko po tuloy parang ang tagal na nating magkakilala para maging deserve ko po ang ganitong tulong. Maraming salamat po Mam at pagbubutihin ko ang trabaho at pag-aaral ko.
After 30 mins...
Manager: Scarlet dear! maliligo na ako at pagkatapos ko ay papasok na ako sa store. ikaw naman ayusin mo na ang gamit mo. At kapag may pagkakataon na masalubong natin ang mga anak ni boss ay ipakikilala kita sa kanila.
Naku mam huwag na po at nakakahiya. Okay lang po kahit hindi kame magkakilala dahil ibang level po ang mga friendship nila. i-parating n'yo nalang po kay boss ang sobra at lubos kong pasasalamat sa kanya. Sige mam magasikaso ka na. liligpitin ko lang po ang kinainan natin at papasok na din po ako sa kwarto para ayusin ang gamit ko. see you later po mam.