/// POV's/// Good afternoon po Tita! Magandang tanghali din po Sir Matthew! Pasok ka at tatawagin ko lang si Scarlet. Kamusta ang byahe mo, hindi ka ba natrapik? Okay naman po, maluwag naman po sa byahe. And tita kung ayos lang po ay Matthew nalang po ang itawag n'yo sa akin. Naku nakakahiya naman po at simula noon hanggang sa ngayon ay ikaw ang boss ni Scarlet. Sa dami ng naitulong mo sa anak ko hanggang sa matapos sa pag-aaral niya at hanggang sa ngayon ay isang malaking utang na loob namin sa iyo Sir! Tita, wala po iyon. Mas komportable po na Matthew nalang po ang itawag n'yo sa akin. Mag-kaedad lang naman po kame ni Scarlet. Nabanggit po ba niya na dadalaw po ako dito ngayon? Oh sya sige iho nalang ang itatawag ko sayo. At Oo nabanggit niya, maaga nga siya namalengke at nagluto.

