Alas 9 ng gabi ng bigla ko naisip ang napag-usapan namin ni Sir Matthew. Kaya kahit medyo late na ay tinawagan ko pa din si Scarlet. Hello beshie, kamusta ang first day ng pagbalik mo sa trabaho? Sure ako sobra kang energetic mo ngayon, buong araw mo b naman kaharap ang gwapong boss mo na super inlove sayo. Hay naku beshie syempre super happy naman talaga ako na kasama si Matthew, pero mukang aatakihin na ako kapag hindi n'ya binago ang pakikitungo sa akin sa loob ng opisina. Nahihiya ako sa co-employee natin, feeling ko pinag-uusapan nila ako. Bukod sa biglaang paglipat ko ng position, tapos sa pagiging sekretarya pa ng boss natin. Palagay ko palaispan talaga ito sa lahat, at sana lang hindi nila ako pinag-uusapan habang nakatalikod. Ano ka ba naman beshie, hindi mo na dapat binibigyan

