Tiniis ni Kate na hindi pansinin si Robb. Kahit na panay pa rin ang suyo nito sa kanya ay hindi na niya ito pinansin pa. Nasasaktan siya sa tuwing ginagawa niya iyon pero tinitiis niya. Ayaw na niyang umasa pa na magkakaroon ng isang happy ending ang relasyong mayroon o nagkaroon sila ni Robb. Imposible talagang mangyari iyon sa isang tulad nilang magkalayo ang agwat ng katayuan sa buhay. Pasimple lang niya itong tinitingnan mula sa malayo. Kapag hindi ito nakatingin sa kanya. Kapag abala ito sa pakikipag-usap sa iba. Kapag nagba-basketball ito kasama ang barkada. Ilang buwan na niyang tinitikis ito pero siya rin ang nasasaktan. Parang pinipiga ang puso niya kapag pinipigilan niya ang sarili na kausapin na ito at patawarin. Alam naman kasi niyang sinsero si Robb sa paghingi ng tawad per

