Naging malamig ang pakikitungo ni Robb sa kanya. Para lang siyang hangin na dumaraan sa harapan nito. Hindi na rin niya makita ang ngiti sa mga labi nito tuwing magtatama ang kanilang mga mata. Mula nang mag-break sila, hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na kausapin pa ito. Umiiwas na ito sa kanya. Nasasaktan siya sa sitwasyong iyon pero ginusto rin naman niya iyon. Siya naman ang unang umiiwas noon kaya ngayong iniiwasan na rin siya ni Robb, wala siyang dapat sisihin kundi ang sarili niya. Halos kalahati ng 4th year high school life niya ay hindi naging magandang memory para sa kanya. Para na silang hindi magkakilala ni Robb kung magturingan. Parang natural na magkaklase na lamang. Hanggang sulyap na lamang siya mula sa malayo. Tinitingnan ang mga kilos at galaw nito. Tulad lang di

