44: Brother’s Deal

2150 Words

“Kumusta?” Nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Cedric sa tabi niya. Nasa hidden pavilion pa rin siya at nagsusulat ng nobela habang wala pang klase. Itinigil niya ang pagsusulat at tiningnan ito. “Ayos naman,” sagot niya. Umupo ito sa tabi niya saka bumuntong hininga. Tila may gusto itong sabihin pero hindi nito kayang simulan. “May gusto ka bang sabihin?” “Ah, mayroon sana kaya lang baka magalit ka.” “Ha? Bakit naman ako magagalit?” tanong niya. “Itatanong ko sana sa’yo kung mahal mo pa ba si Robb?” Hindi agad siya nakasagot sa tanong nito. Ikinagulat niya ang tanong na iyon. Hindi niya inaasahang magtatanong ng ganoon si Cedric. Nagngingitian na sila ni Robb tuwing magkakasalubong sila pero hindi pa rin sila nag-uusap na gaya ng dati. Kung mag-usap naman sila ay tila kaswal lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD