Nakatitig lang siya sa mukha ng dalawa na gulat na gulat ding nakatingin sa kanya. Alam niyang hindi inaasahan ng mga ito na makikita siya sa lugar na iyon at maririnig niya ang usapan ng mga ito. Hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang narinig. Magkapatid ang dalawa at nag-usap ang mga ito at nagkasundo para layuan siya ni Robb. “Katherine/Kate?” halos panabay na sambit ng dalawa. “Anong ibig sabihin nito? Magkapatid kayo?” halos pabulong na sambit niya. “Unfortunately, yes,” sambit pa nito na tila dismayado. “At gusto mong magpaubaya si Robb para sa pagiging magkapatid ninyo?” pagkaklaro niya. Yumuko naman si Cedric. Tila napahiya nang bahagya. “I’m sorry. Hindi mo dapat narinig ang usapan namin.” “Pero narinig ko na.” Tumulo ang luha sa kanyang mga mata. “At alam mo ba kung ano

