Wala siyang nagawa kundi ang papasukin si Robb. Kahit kasi galit siya dito ay hindi niya magawang tarayan ito. Nangingibabaw pa rin ang pagka-miss niya dito. Nag-umapaw ang pagkasabik nang makita niya ito. Kabado man ay pinaupo niya nang magkatabi ang dalawa sa sofa. Alanganing ngiti ang ibinigay niya sa dalawa na ngayon ay seryoso lang at tila nagpapakiramdaman. “M-may gusto ba kayong kainin?” tanong na lang niya. “Busog ako,” tugon naman ni Cedric. “Ako rin. Nag-breakfast na ako bago pumunta dito,” tugon naman ni Robb na naka-plaster pa rin ang ngiti sa mga labi habang nakatitig sa kanya. Tila tuwang-tuwa ito sa pagtanggap niya rito bilang bisita. “Kung ganoon, gusto ninyo ng maiinom?” tanong pa niya. “Sige. Kahit juice na lang,” sabi naman ni Robb. Tumango naman siya at binalingan

