13: First Draft

2004 Words

“Anak, bakit ang dami mong ganyan?” Ang tinutukoy ng kanyang ina ay ang mga pocketbook na hawak-hawak niya nang pumasok siya sa loob ng bahay. Nakalagay iyon sa plastic bag na kanyang bitbit. “Ho?” Lumapad ang kanyang pagkakangiti at itinaas ang plastic bag. “Pocketbook po ito, inay. Gusto ko pong basahin para po magkaroon pa ako ng maraming ideya para sa isusulat kong nobela.” “Nobela?” kunot noong tanong nito sa kanya. “Opo, Inay. Naisip ko po kasing gumawa ng nobela kagaya ng ginagawa ni Helen Meriz,” tugon niya. “Aba! Hindi ba’t kuwento ng pag-ibig ang ginagawa niyang si Helen Meriz?” “Opo. Paano ninyo po nalaman?” nagtatakang tanong niya. Napangiti naman ang kanyang ina at kinamot ang sariling ulo. “Nagbabasa rin kasi ako ng mga akda niyang si Helen. Magaling siyang manunulat.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD