Mabilis na lumabas ng classroom si Kate matapos ang kanilang klase. Walang lingon-lingon siyang naglakad palayo. Kanina palang sa klase ay tila lutang na ang kanyang isip. Walang pumapasok sa isip niya kundi ang salitang namutawi sa bibig ni Robb. Paulit-ulit iyong nagsusumigaw sa kanyang utak hanggang sa mga sandaling ito. “She is a nobody,” boses pa rin ni Robb ang naririnig niyang nagsasabi niyon sa kanyang utak. Ang mga salitang ito ang nagpapasakit sa kanyang dibdib. Parang pinipiga ang kanyang puso sa sakit. “Tama naman siya. Isa lang akong nobody. Sino nga ba naman ako? Wala naman talaga akong maipagmamalaki. Hindi ako kasing yaman nila.” Tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Agad niya iyong pinahid sa pamamagitan ng kanyang mga daliri. Ayaw niyang makita ito ng kahit na sino. “K

