Hindi niya maunawaan pero kanina pa masama ang tingin ni Robb sa kanya. Nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya pero wala na ang ngiti sa mga mata at labi nito. Seryoso itong nakatitig sa kanya. Hindi tuloy siya mapakali kaya umiwas na lamang siya ng tingin dito. “Para sa’yo,” sabi sa kanya ng babae sa unahan niya. Inabot nito sa kanya ang isang pilas ng papel na nakatiklop. Binuksan niya iyon at binasa. “Sasabay ako sa’yo mamaya sa uwian. Hatid kita sa inyo.” Kumunot ang kanyang noo na binalingan ng tingin si Robb pero hindi natinag ang mukha nitong nakatiim-bagang. Parang lalong nandilim ang paningin nito nang makitang binabasa niya ang papel na iyon. “Hindi ba ito galing sa kanya?” naisaloob niya. Binalingan niya ng tingin ang babaeng nag-abot ng sulat. “Kanino ito galing?” pab

