Bumaba na sila ng cabin pero walang imikan ang bawat isa sa kanila. Parehas silang kulay kamatis at hindi makatingin sa isa’t isa. Napansin iyon ni Kelly. “Anong nangyari sa inyong dalawa? Sobrang nakakatakot ba ang ferris wheel?” nagtatakang tanong ni Kelly sa kanilang dalawa. Hindi naman sila makasagot at parehas lang umiiwas ng tingin. “Ang weird ninyong dalawa,” sabi pa ni Kelly na napakamot pa ng ulo bago sila tinalikuran. “Tara na nga!” “S-Saan naman tayo pupunta?” tanong naman niya nang bahagya na siyang matauhan. “Doon sa horror house!” ani Kelly na sinamahan pa ng panggugulat. “Uwi na lang kaya tayo,” aya naman niya. Medyo matatakutin kasi siya sa mga ganoon. Nai-imagine nga niya ang mga napapanood niya sa mga horror films kaya hindi siya gaanong nanonood niyon. Kaya kinakab

