Buong bakasyon silang magkasama ni Robb. Kahit na tatlong beses sa isang linggo itong dumalaw sa kanya ay nabubuo na ang isang buong linggo niya. Walang araw na hindi siya masaya kapag kausap ito at kasama. Ngayon nga ay narito na naman ito sa kanilang bahay at tinutulungan siyang maglinis. “Hindi ba ako nakakaabala sa’yo?” tanong niya kay Robb habang naglilinis ito ng electric fan sa kanilang kisame. Luma na iyon at medyo umuugong na kapag umiikot. “Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na hindi ka abala para sa akin?” sagot naman nito. “Baka kasi nagagalit na ang mommy mo kapag lagi kang umaalis. Alam ba niyang dito ka napunta?” Tumigil naman ito sa ginagawa at dahan-dahang bumaba ng hagdan. Bumuntong hininga pa ito bago nagsalita. “Ang totoo, hindi nila alam na dito ako napunta. Ang

