37: First Date

1644 Words

Tinakipan ni Robb ang kanyang mga mata bago sila bumaba ng sasakyan. Kaya naman inalalayan siya nito sa paglalakad patungo sa kung saan naroon ang surpresa nito. “Ready ka na ba?” tanong nito sa kanya. Tumango naman siya kahit kinakabahan. Dahan-dahan namang tinanggal ni Robb ang kanyang piring. Bumungad ang isang kumpletong set ng computer na nakalagay sa likurang bahagi ng kotse. Hindi niya napansin iyon dahil nga nasa compartment iyon. May ribbon pa ito na sadyang dinisenyuhan ng maganda. Napanganga siya at hindi malaman kung paano magre-react. Para siyang nananaginip ng gising. Ang pangarap niyang computer ay nasa harapan na niya ngayon. Kumurap-kurap pa siya bago nilapitan ito at dahan-dahang hinimas. “Totoo ba ito?” sambit pa niyang hindi makapaniwala. Tumulo ang luha sa kanyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD