5: Annoying

1703 Words
"Class dismissed. You may go now!" wika ng guro matapos ang klase. Isa-isa nang nagtayuan ang mga estudiyante at nagsilabasan. Nakisabay na rin si Kate sa agos ng mga estudiyanteng nagsisilabas. "Kate!" Napalingon siya sa boses na tumawag sa kanya. Kilala na niya kung sino iyon kahit sa boses pa lang. Isa lang naman ang tumatawag ng ganoong palayaw sa kanya sa school na iyon. "J-Jon Robert? B-bakit?” Halos mabulol siya sa pagbanggit sa pangalan nito. Patakbo itong lumalapit sa kanya. Matamis ang pagkakangiti nito sa kanya. Tila tumalon na naman ang kanyang puso habang nakatingin sa binata. "Wala naman. Mukhang naihulog mo itong ballpen mo," anito sabay abot sa kanya ng isang mickey mouse na ballpen. "Naku! Salamat." Agad niyang kinuha ito at niyakap na para bang napakahalaga nito sa kanya. Bigay pa iyon ng kanyang itay kaya naman agad siyang natuwa nang makita ito. Muntik na itong mawala. Mabuti na lamang at nakita ito ni Jon Robert at ibinalik sa kanya. Tinalikuran na niya ito at naglakad na siya ngunit nagulat siya nang sabayan pa rin siya nito sa paglalakad. "Mukhang mahalaga sa'yo ang ballpen na iyan." Yumuko naman siya habang naglalakad. Hindi siya makatingin dito dahil sa hiya. Unang-una ay dahil ito pa ang nakapulot ng pinakaiingatan niyang ballpen. Pangalawa, kinakausap na naman siya nito na hindi normal para sa kanya. Nakakailang at sobrang nakakakaba na hindi niya alam kung paano magsasalita sa harap nito. "B-bigay kasi ni Itay ito," tipid niyang sagot na hindi pa rin makatingin sa binata. "Ah ganoon ba? Mabuti na lang pala at nakita ko." Hindi siya sumagot at nanatili lang na nakayuko. Naiilang talaga siya lalo na at pinagtitinginan din sila ng ilang mga taong nadaraanan nila. Pakiramdam niya ay inuusig siya ng mga ito base sa pagkakatingin ng mga ito sa kanya. "Napansin kong mahilig kang magsulat at magbasa." Sinulyapan naman niya ito nang palihim. Hindi man ito nakatingin sa kanya ay malakas pa rin ang dating nito sa kanya lalo na at halos magkadikit na ang kanilang braso habang naglalakad. Tila nakukuryente siya sa paglalapat ng kanilang mga balat. "At sobrang tahimik mo. Wala ka bang balak kausapin ako?" Bigla itong tumingin sa kanya kaya naman mabilis siyang umiwas ng tingin at muling yumuko. Lalong nag-init ang kanyang pisngi. "Ah a-ano kasi..." Napalunok siya sa sobrang kaba. Hindi niya alam kung nasaan na nga ba nagpunta ang dila at confidence niya. Hindi naman siya mahiyain kapag nasa loob ng klase. Madalas din siyang sumasagot sa recitation. Hindi na siya nahihiyang mag-report sa harap ng klase. Pero kapag si Robert na ang kaharap niya ay para bang naglalaho ang lahat ng kumpiyansa niya sa sarili. "Huwag kang mahiya sa akin. Hindi naman ako nangangagat. At isa pa, gusto kita," diretsahang sabi nito habang sumasabay pa rin ito sa kanya sa paglalakad. Tinitigan niya ito at nagtama ang kanilang mga mata. Hindi siya makapaniwalang harap-harapan na namang sinabi sa kanya ni Robert na may gusto ito sa kanya. Lalo tuloy siyang kinabahan at hindi alam ang sasabihin. Ngumiti pa ito sa kanya na lalong nagpalakas ng kaba niya. “Oh, Diyos ko! Paano ko po ba siya haharapin nang hindi ako kinakabahan ng ganito?” naisaloob niya. "K-kung puwede lang, tigilan mo na ako." Iyon ang salitang lumabas sa bibig niya. Labag man sa kalooban niya ay mabilis siyang tumakbo palayo. Ramdam niya ang tila kutsilyong titig ng mga tao sa paligid niya lalo na ng mga babae. Kaya kahit pa parang isang panaginip ang nangyayari sa kanya at kahit para bang nakalutang siya sa alapaap dahil sa mga sinabi ng binata ay hindi pa rin niya magawang sagutin ito nang maayos. “Kate, wait!” narinig pa niyang sigaw ni Robb pero hindi na niya nilingon pa ito. "Hindi kami bagay. Pinagti-trip-an lang niya ako. Wala siyang gusto sa akin," bulong niya sa kanyang sarili habang tumatakbo. Mabilis siyang nagtungo sa hidden pavillion. Agad siyang naupo sa bench na naroon at niyakap ang kanyang bag. Rinig na rinig pa rin niya ang bilis ng t***k ng kanyang puso. Habol niya ang kanyang hininga na para bang tumakbo siya sa isang marathon. "Gusto kita." Parang naririnig pa niya sa kanyang tenga ang boses ni Robert. "Ano bang magugustuhan niya sa isang tulad ko?" Sunod-sunod siyang napailing para iwaksi ang katanungang nasa isip na wala rin namang kasagutan. "Sabi ko na nga ba at dito ka lang didiretso." Napalingon siya nang tumabi sa kanya si Kelly. "Iniwan mo ako kanina sa klase. Sasabayan sana kitang maglakad pero nakita kong magkasama kayo ni Robb. Ikaw ha? Porke naka-score ka na, lumalandi ka na." Nagsalubong ang kilay niya. "Ano bang lumalandi at naka-score ang sinasabi mo? Ibinalik lang niya ang ballpen ko," tugon naman niya. "Ballpen lang ba talaga ang napag-usapan ninyo? Bakit tinakbuhan mo siya? Anong sinabi niya sa'yo?" tanong pa nito sa kanya. "Wala,” tipid niyang sagot. Umiling-iling ito. "Hay naku, Katherine Marie Loyola. Bestfriend kita kaya huwag mo nga akong pinaglololoko. Hindi mo siya tatakbuhan kung isinoli lang niya ang ballpen mo. Umamin ka na kasi." Napabuntong hininga siya dahil sa kakulitan ng kaibigan. Alam niyang hindi siya mananalo sa kakulitan nito. "Sinabi niyang gusto niya daw ako,” sabi na lamang niya para hindi na ito mangulit. Bigla naman itong tumili na ikinagulat niya. "Talaga? So, nanliligaw na siya sa'yo?" tuwang-tuwang sambit nito. Nanlalaki ang mga mata nito tila nagniningning na nakatitig sa kanya. Agad niyang tinakipan ang bibig nito. Kahit na nasa liblib silang lugar ay dinig pa rin ang kanilang boses lalo na ang pagtili nito. Medyo nag-e-echo kasi iyon. “Ang ingay mo naman,” reklamo niya rito. Inalis naman nito ang kanyang kamay na nakatakip sa bibig nito. “Sorry lang. Nagulat lang ako,” pabulong ng sabi nito. “Pero nanliligaw na nga ba siya sa’yo?” "Baliw, hindi 'no?" "E harapan na niyang sinabi sa'yo na gusto ka niya, ibig sabihin totoo talagang may feelings siya sa'yo. Ligaw na lang talaga ang kulang at magiging kayo na!" Muling tumili ito kaya naman muli niyang tinakpan agad ang bibig nito. "Sira ka talaga. Huwag ka ngang tumili. Sinabi ko sa kanyang tigilan na niya ako." Inalis naman nito ang kamay niyang nakatakip sa bibig nito at lalong nandilat ang mga mata nito. "Bakit mo sinabi iyon?" "E kasi... kasi hindi kami bagay. Ayoko ring umasa kasi baka paasa lang siya. Baka pinagti-trip-an niya lang ako kasi ganito lang ako.” “Anong ganito lang?” “Mahirap. Ano ka ba? Obvious naman, hindi ba?” “Ano ka ba? Bakit ka ba nag-iisip ng ganyan? Masyado mong dina-down ang sarili mo porke mahirap ka. Alalahanin mo, hindi lang yaman ang dahilan kung bakit ka nakapasok sa prestihisoyong school na ito. Matalino ka at scholar pa!” “Oo pero hindi pa rin ako kasing yaman nila. Matalino lang ako pero hindi mayaman. Hindi ako bagay sa isang tulad ni Jon Robert,” giit niya. “Bakit mayaman lang ba ang puwede sa kapwa mayaman? Bakit naman si Cinderella, nakatulyan niya ang isang prinsepe?” “Fairytale naman kasi iyon. Hindi nangyayari sa totoong buhay,” sagot naman niya. “Malay mo naman.” “Wala akong malay sa mga ganyan. Basta ang alam ko, hindi bagay ang mahirap sa mayaman,” giit pa niya. “Hay naku, bahala ka nga.” Naiiling na lang ito habang naka-cross arm at nakasimangot na nakatingin sa kanya. Bumalik na sila sa classroom matapos ang vacant class nila nang halos isang oras. Nagbasa-basa lamang siya ng lesson roon at nag-take note ng mga importanteng detalye. Baka kasi magkaroon ng biglaang exam kaya naman mabuti na ang laging handa. Kinalabit siya ni Robb na nasa kanyang likuran. Nilingon naman niya ito. “I’ve been searching for you around the campus pero hindi kita nakita. Saan ka nagpunta?” pabulong na sabi nito sa kanya. Hindi naman siya kumibo at ibinalik ang atensiyon sa guro na nagsasalita sa harapan. Muli naman siyang kinalabit nito. “Bakit ba ayaw mo akong pansinin?” tanong pa nito sa kanya. “Huwag kang maingay baka marinig ka ni Ma’am,” pabulong naman niyang sabi na hindi man lang nililingon ito. “Kausapin mo kasi ako para naman tumahimik na ako,” pangungulit nito. “Oras ng klase. Hindi puwedeng magdaldalan,” sabi pa niya. “Hindi naman kita dinadaldal. Tinatanong lang naman kita kung saan ka nagpunta.” “Bakit ba kailangan mo pang malaman?” tanong niya na medyo nakukulitan na sa binata. Nagtataka rin naman siya kung bakit nangungulit ito ngayon. Hindi naman ito dating makulit. Nag-aalala lang din siya na baka mapagalitan sila kapag nahuli sila ng kanilang guro. “Gusto ko lang,” sagot pa nito. Bumuntong hininga naman siya bago ito hinarap. “Nagtatago ako sa’yo kaya hindi mo na dapat pang malaman kung saan ako napunta.” “Bakit mo naman ako tataguan?” Inikot niya ang kanyang eyeball. Mukhang hindi ito titigil sa kakatanong sa kanya. “Huwag mo nang alamin.” “Pero gusto kong malaman,” pangungulit pa nito. “What is happening at the back? May lesson ba kayong dalawa diyan na kayo lang ang nakakaalam?” sita sa kanila ng teacher nila. Umayos siya nang upo at tahimik na tumingin rito. Naglalakad na ito palapit sa puwesto niya. “Miss Loyola, can you tell me why are you chatting with Mr. Jones?” Nakataas ang kilay nito at naka-cross arm. Akala ng teacher nila ay siya ang naunang makipag-usap kay Robb dahil nahuli siya nitong nakatingin sa likuran. “Nothing, Ma’am.” Yumuko siya dahil sa hiya. Kinagat pa niya ang kanyang labi. “Mr. Jones, what is Miss Loyola telling you?” “Nothing, Ma’am,” tugon naman ni Robb. Ni hindi rin ito makatingin sa mukha ng guro. “Next time, don’t chat when I am discussing our lesson okay?” sabi naman ng guro saka naglakad pabalik sa unahan. “Sabi ko kasi sa’yo e, tigilan mo na ako. Ang kulit mo kasi,” pabulong niyang sabi. “Sorry,” pabulong ding tugon ni Robb pagkuwan ay nananahimik na ito at hindi na siya kinulit pa hanggang sa matapos ang klase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD