6: Confuse

1762 Words
“Kate!” tawag ni Robb sa dalagang dumaan sa kanilang harapan. Araw-araw na yata niya itong ginagawa. Para bang natutuwa siyang banggitin ang pangalan nito at natutuwa rin siyang makita ito araw-araw kahit pa nga hindi siya pinapansin nito. Mas madalas pa nga siyang tarayan nito. “Parang wala ka talagang dating sa kanya, dude!” pang-aasar na sabi ni Henry. “Oo nga, Robb. Dati-rati, isang kindat mo lang napapasagot mo na ang mga babae,” sang-ayon naman ni Romy. “Anong napapasagot? Wala pa naman akong nagiging girlfriend.” “Anong wala? E ang dami diyang babae na nagsasabing syota mo raw sila,” sabi pa nito. “Sila lang nagsasabi noon. Alam ninyo namang wala pa akong natitipuhan sa mga iyon.” “Really? Baka naman iba ang tipo mo. Baka lalaki rin,” biro naman ni Lemwel sabay tawa. “Loko ka a.” Inambaan niya ito ng suntok na agad namang inilagan nito. “Joke lang, dude.” Wala pa ring tigil ito sa katatawa. “Baka naman kasi ang tipo talaga ni Robb ay iyong mga tulad lang ni Katherine. Isang nobody girl,” sambit pa ni Henry. “Kaya lang, mukhang lumipas talaga ang karisma mo sa babaeng iyon.” “Iba lang talaga siya sa mga babae rito. And I like her,” sambit niya saka napangiti. “Like her. Is that a serious note? Gusto mo na siya?” Hindi naman siya sumagot. Hindi pa siya sigurado sa bagay na iyon. Isa lang ang alam niya, ito lang ang babaeng hindi nagpatahimik sa kanya. Wala yatang araw na hindi niya ito naiisip at iyon ang hindi niya maintindihan sa sarili. Ngayon lang niya naramdaman ang ganitong pakiramdam sa isang babae. Parang wala na ngang pumapasok sa isip niya kundi ito lang. Hindi niya maiwasang titigan ito habang abala ito sa pagte-take note sa kanilang aralin. Hinahangaan niya ang mga simpleng kilos nito at ang simpleng ganda nito. “Mr. Jones, are you daydreaming?” Bigla siyang napatayo nang marinig ang boses ng kanilang guro. “Yes, Ma’am?” nagtatakang sambit niya. Ni hindi niya naintindihan ang tinanong nito sa kanya. Nagtawanan naman ang mga estudiyante. “Nasaan ba ang isip mo ngayon, Mr. Jones? Nasa classroom ba o nasa ibang lugar?” sarkastikong tanong ng guro. Nakataas pa ang kilay nito. “Nasa classroom po,” napapahiyang sagot niya. “Then stop daydreaming and listen to my lesson.” “Yes, Ma’am,” sagot niya sabay balik sa kinauupuan. Tumingin pa siya kay Kate na nahuli niyang nakatingin sa kanya pero umiwas din agad ng tingin nang ngitian niya ito. Iniisip pa rin niya kung may dating kaya ang karisma niya rito o sadyang hindi siya ang tipo ng lalaki na gusto nito. Pagkatapos ng klase ay naisip niyang tanungin ang kaibigan nitong si Kelly. Nilapitan niya ito nang makita niyang nag-iisa lang ito. Alam niyang hinihintay nito si Kate na kasalukuyang nagbibihis sa locker area para sa kanilang P.E subject. May actual activity sila sa oras na iyon kaya kailangang magpalit ng damit pang-sports. “Hi, Kelly!” bati niya dito. Unang beses niyang kakausapin ito kaya medyo nahihiya siya at hindi malaman kung paano ito tatanungin. Alanganin pa ang ngiti niya. “Oh, hi!” medyo gulat pa ito nang batiin din siya. “Ah Kelly…” Napakamot siya sa kanyang batok at lalong napangiwi. Hindi niya alam kung bakit bigla na lamang siyang nag-alangan na itanong dito ang dapat niyang itanong. “May kailangan ka ba?” “Ah… meron sana. Tungkol kay Kate.” Kumunot naman sandali ang noo nito pero bigla ring napangiti. “Ano namang itatanong mo tungkol sa best friend ko?” “Ha? Ah, kasi… ano?” Biglang dinagsa ng kaba ang dibdib niya na hindi maipaliwanag. Bumuga siya ng hangin. “Never mind.” Tinalikuran niya ito pero may panghihinayang siyang nararamdaman kaya muli niya itong nilingon. Ibubuka na sana niya ang bibig para magtanong pero biglang lumabas mula sa locker room si Kate kaya nakagat na lamang niya ang kanyang labi at napaatras. “Robb!” tawag sa kanya ni Kelly. “Hindi ba, may sasabihin ka sana tungkol kay Kate?” “Ha?” tanging nausal niya. Nakatitig siya sa mukha ni Kate na nakakunot ang noo. “Ano iyon?” tanong pa ni Kate. “W-wala. Sige, mauna na ako.” Tinalikuran na niya ang mga ito at patakbong nagtungo sa kinaroroonan ng mga kaibigan. “Anong nangyari sa’yo?” tanong ng kaibigan niyang si Romy. Abala ito sa pagsisintas ng sapatos. “Wala naman. Balak ko sanang kausapin ang kaibigan ni Kate pero bigla akong nahiya?” “Wow! Nababahag na ba ang buntot ng isang Robb? Ngayon lang tumagal ng ganyan ang pagporma mo sa isang babae. Baka kailangan mo nang i-level up.” “Level up?” “Oo. Tulad sa isang laro, kailangan nagle-level up din ang performance mo. Hindi puwedeng napapatiklop ka ng isang babae lang. Aba! Hindi bagay sa’yo ang maging torpe at ma-busted lalo na ng isang tulad lang ni Kate. She is just an ordinary girl. Isang kape nga lang ang katapat niya hindi ba?” sabi pa ni Henry sabay halakhak. Hindi naman niya nagustuhan ang sinabi nito. Tila iniinsulto nito ang pagkatao ni Kate at nasasaktan siya dahil doon. “Pare, please forget that deal. Hindi na ito tungkol sa anumang deal.” “At bakit? Huwag mong sabihing nai-inlove ka na sa babaeng iyon?” “Of course not! She just don’t deserve this. Hindi dapat natin siya pinagti-trip-an lang.” “Alam mo dude, kung may seseryosohin ka. Hindi iyon ang tulad ni Kate. Look at Rose Anne, siya ang deserving para sa’yo.” Inakbayan siya ni Henry at inginuso nito si Rose Anne na nakatingin rin sa gawi nila. Matamis ang pagkakangiti nito sa kanya at malagkit ang mga titig. Alam naman niyang may pagtingin ito sa kanya noon pa pero dine-deadma lang niya. Kahit na kaibigan pa ng mga magulang nito ang pamilya nila ay hindi pa rin siya pabor sa pagrereto ng mga ito sa kanila. “I don’t like her,” giit naman niya. “What you don’t like about Rose Anne? She has everything. She is beautiful, sexy, rich, and famous.” “I don’t care,” walang gana niyang tugon. “Naku, mukhang kay Kate ka nga tinamaan.” Naiiling na sabi ni Henry. Ismid lang ang itinugon niya. Hindi niya maamin iyon sa sarili. Hindi pa siya sigurado sa nararamdaman. “Hindi naman kayo bagay ni Kate,” sabat naman ni Cedric. Isa rin sa mga kaibigan nila. Isa ito sa mga introvert type. Bihira itong magsalita at bihira niya itong nakakausap. Madalas lang niya itong makitang nakatitig sa kanya na para bang may sama ito ng loob sa kanya na hindi niya maipaliwanag kung ano. Hindi rin naman niya matandaan kung paano niya naging kaibigan ito o kung paano ito napasama sa circle of friends nila. “Ah oo, hindi nga sila bagay. Mas mukhang bagay si Kate sa’yo. Parehas kayong may sariling mundo,” natatawang biro ni Henry kay Cedric. Hindi naman umimik si Cedric. Hindi na nito pinatulan ang sinabi ng kaibigan ngunit napansin niyang sumulyap ito sa papalapit na si Kate. Kasama nito ang kaibigang si Kelly. Kakaiba ang tingin nito sa dalaga na ipinagtaka niya. Para bang may lihim din itong pagtingin kay Kate. Hindi niya nagustuhan ang isiping iyon. Naisip niya ang suhestiyon ni Henry. Kailangan na niyang i-level up ang pagpapansin sa dalaga bago pa may umagaw ng atensiyon nito. Kaya naman, hindi na niya napigilan ang sarili na sumigaw nang makalapit si Kate sa kinaroroonan nila. “I love you!” Sabay na napalingon si Kate at ang kaibigan nito sa kanya. Kunot ang noo ng mga ito. Ginantihan naman niya ng killer smile ang pagtataka ng mga ito. Kumaway pa siya sa dalaga. Yumuko naman ito at umiwas ng tingin sa kanya. Nagmadali din itong nagtungo sa gitna nang court nang saktong magtawag ang teacher. Sumunod na rin sila at nagsilapit sa guro na nag-umpisa nang magbigay ng instructions. Sinadya naman niyang dumikit kay Kate habang nakahilera sila roon. Sumusulyap naman si Kate sa kanya at nginingitian niya ito. Napansin rin niya ang paglapit ni Cedric sa tabi ng dalaga. Napagitnaan tuloy nila ito. Sumulyap din si Kate sa binata at hindi nakalagpas sa paningin niya ang matamis na ngiti ni Cedric sa dalaga. Napapaisip tuloy siya kung may gusto rin ba si Cedric sa dalaga. Biglang nagngitngit ang kanyang damdamin dahil sa isiping iyon. Ayaw niyang may ibang nagkakagusto sa dalaga. Kaya naman, matapos rin ang kanilang P.E ay hindi na niya napigilan ang sarili na tanungin si Cedric. “Can I ask you something?” “Ano iyon?” tanong rin nito sa kanya habang nag-aayos sa may locker area. “May gusto ka ba kay Kate?” Sandali itong sumulyap sa kanya bago sumagot. “Ano naman sa’yo?” May pagkasarkastiko ang sagot nito na para bang naging maangas para sa kanya. Nagsalubong ang kanyang kilay. “Nagtatanong ako nang maayos kaya sumagot ka nang maayos.” Muli itong sumulyap sa kanya. “Ano bang gusto mong sagot? Oo?” “Hindi,” mariing sagot niya. “Hindi ang gusto mong isagot ko sa’yo?” Tumawa ito nang bahagya. “Paano kung talagang may gusto ako kay Kate? Titigilan mo na ba siya?” Hindi agad siya nakasagot. Ano nga bang dapat niyang isagot? “Alam kong pinagpustahan ninyo lang siya ng mga kaibigan mo kaya kung hindi ka naman talaga seryoso sa kanya, mabuti pa na tigilan mo na lang ang pagpapansin mo sa kanya.” “I will not do that.” “Bakit? Kasi hindi ka pa nananalo? Hindi kasi ang tipo ni Kate ang madaling maakit sa karisma mo.” Ngumisi pa ito na para bang nang-aasar. “I like her.” “Sinong kinukumbinsi mo? Ako o ang sarili mo? Ako kasi, kumbinsido na ako na gusto ko siya at hindi ko gagawing pustahan ang nararamdaman ko para sa kanya. Ikaw, hanggang kailan mo kayang panindigan ang pagsasabi mo ng I love you mo sa kanya?” Minsan pa itong ngumisi sa kanya bago siya tinalikuran. Hindi na rin kasi siya nakasagot sa tanong nito. Ang mahirap kasi, hindi pa siya sigurado sa nararamdaman kaya hindi niya kayang panindigan ang kanyang sinasabi. Ang alam lang niya, naiinis siyang malaman na talagang may gusto si Cedric kay Kate. Hindi niya hahayaang makaporma ito sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD