Vacant class nila kaya naisipan nila ni Kelly na magtungo sa paborito nilang lugar. Sa hidden pavilion kung saan sila laging tumatambay. Ikinagulat nila ang natagpuan nila roon. “Cedric?” gulat na sambit niya. Nakaupo ito sa may bench at may hawak na sigarilyo. Hinihithit nito iyon at binubuga ang usok. Ngumisi pa ito nang makita silang papalapit. “Oh! Hi, Katherine!” bati nito sa kanya matapos ibuga ang usok ng sigarilyo. “Bakit ka naninigarilyo dito? Bawal iyan e,” sabi naman niya. “Bawal ba? Oh, sorry.” Inihagis nito ang sigarilyo sa paanan nito at niyapakan ng dulo ng sapatos nito ang upos niyon. Nakakunot naman ang noo niya habang tinititigan si Cedric. Parang ibang Cedric ang nasa harapan niya ngayon. Nawala ang good boy look nito at napalitan ng pagiging bad boy. Ibang-iba ang

