Parehas silang walang imik ni Cedric sa loob ng sasakyan. Ni isa sa kanila ay walang planong magsalita. Panay lang ang tingin niya sa binata na nakitaan niya ng mannerism nito na paghilamos sa mukha kapag naiinis. Tiim-bagang at matalim din ang tingin nito sa kalsadang kanilang dinaraanan. Mabilis rin ang takbo ng kotse nito. Kinakabahan siya sa paraan ng pagmamaneho nito. Nag-aalala siya na baka mabangga sila. “Cedric, puwede bang dahan-dahan ka lang sa pagmamaneho mo?” mahinang pakiusap niya. Narinig niya ang marahas na buntong hininga nito bago dahan-dahang iginilid ang sasakyan sa tabi ng dahan. Nakatingin lamang siya sa binata. Hindi naman niya sinabing itigil, sinabi lang niyang dahan-dahan. Marahil ay may sasabihin ito sa kanya kaya’t naghintay siya na magsalita ito. Tumingin ito

