“Inay, ako na po ang maglalaba ng mga iyan.” Inako na niya ang gawaing-paglalaba sa kanyang ina. Pansin kasi niyang pagod na pagod na ito at masama pa ang pakiramdam. Tila namumutla ito at humihingal. Inalalayan niya itong tumayo mula sa pagkakaupo sa maliit na upuan at dinala niya ito sa loob ng bahay. “Magpahinga na po kayo,” sabi pa niya at inalalayan itong makasandal sa lumang sofa. Ang pinakaunang sofa nila bago pa ito palitan ni Robb. Isinoli naman niya lahat ng mga gamit na binili nito para sa kanya. Pinahakot niya ulit at pinabalik sa bahay nina Robb kinabukasan matapos siyang insultuhin ng mga magulang nito. Kahit ang computer ay ipinasauli rin niya. “Hindi ako puwedeng magpahinga. Kailangan kong makapag-ipon ng sapat na pera para makapag-aral ka ulit,” malungkot na saad ng kan

