11:Avoidance

1997 Words

"I love you daw sabi ni Robert," ngiting-ngiting sabi ni Tristan sa kanya nang makasalubong niya ito sa hallway. Si Tristan ay isa rin sa mga kaibigan ni Robert at laging kasa-kasama sa lahat ng oras maliban ngayon. Ewan niya kung bakit nag-iisa ito at napakalakas mang-alaska sa kanya nito ngayon. Isang linggo na mula ng mangyari ang insidente sa clinic at makalipas lamang ang tatlong araw nang siya ay gumaling at bumalik sa pagpasok ay ganito na lagi ang bungad sa kanya ng mga kaibigan ng binata. Ewan niya kung pinagti-tripan na naman siya ng mga ito. "I love you niya mukha niya," kunwaring pagtataray niya. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad pero sinabayan pa rin siya ni Tristan. "Pakipot ka pa e 'di ba crush mo naman siya." Ngiting-ngiti ito sa kanya na tila nakakaloko. Nakakainis na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD