10: Concern

2710 Words

Hindi talaga niya maunawaan ang ikinikilos ni Robb. Pagkatapos siyang i-cheer nito sa kaniyang paglalaro ng badminton kanina sa P.E ay bigla naman itong naging parang malamig na yelo na naman ang pakikitungo sa kanya. Matapos siyang tingnan nito nang masama na para bang nakagawa siya ng malaking kasalanan ay hindi na naman siya nito pinapansin. Umiiwas ito ng tingin sa kanya kapag nagtatama ng hindi sinasadya ang kanilang mga mata. “May problema ba?” tanong sa kanya ni Kelly nang mapansin nitong tila malalim ang kanyang iniisip. Nasa pavilion sila ngayon at naghihintay ng sunod na klase. Malalim na buntong hininga naman ang itinugon niya. Iniisip niya kung dapat ba niyang sabihin kay Kelly ang gumugulo sa isip niya nang mga oras na iyon. “Wow ha! Ang lalim noon. Hindi kaya malunod ka na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD