Handa na si Kate para sa book launching ng kanyang nobela na “High School Memories.” Gaganapin iyon sa isang malaking mall sa Pasay City kasama ng iba pang mga sikat at baguhang manunulat. Isa iyong grand book fair na taon-taong isinasagawa roon. Napakapalad lamang niya dahil napabilang siya sa mga kasali sa book fair na iyon. Dati ay pangarap lamang niya na makilala ang mga hinahangaan niyang manunulat. Ngayon naman ay nakita at nakasalamuha na niya ang mga iyon. Ang iba naman ay naging kaibigan na rin niya. Marami ang bumili ng kopya ng kanyang nobela at natutuwa siya tuwing ang mga kabataan ay tuwang-tuwang nagpapa-picture at nagpapa-autograph sa kanya. “Idol talaga kita Miss K.M. Lahat po ng nobela mo ay may kopya ako. Hindi ko talaga pinapalagpas ang lahat ng mga nire-release niny
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


