MABILIS na kinuha ng mga tauhan ni Aaron si Nathan, upang dalhin sa kanilang Helicopter at isugod sa Hospital. Nasa loob naman ng Helicopter si Dr. Luke Miller at matiyagang nag hintay sa pagbabalik ng mga kasama. Agad niyang inasikaso si Nathan, matapos itong i-pasok sa loob ng helicopter. Agad din silang umalis sa lugar at naiwan muna ang mga kasama doon, upang tapusin ang kanilang laban. Bumalik sa Maynila ang helicopter upang madala sa Hospital si Nathan at magamot. NAGPA IWAN muna muna sina Dylan at Aaron, upang siguraduhing wala ng natira sa mga kalaban nila. Si Aaron ang nag mamando sa mga tauhan nila sa mga dapat nilang gawin. Habang si Luke naman ay naka tayo sa tabi ni Mr Galvez, habang naka tutok ang baril niya sa ulo ng matandang malaki ang tiyan. "Ipunin ninyo lahat ang mga

