SAMANTHA'S POV AKALA KO ay tuloyan na kaming iiwan ni Nathan. Abot hanggang langit ang takot ko kanina, habang pinapanood ko ang mga Doctor na nererevive nila si Nathan. Hinablot ko rin pati Dextrose ko, upang maka alis ako sa aking wheel chair. Hindi ko narin naisip kung dudugo ba ang mga sugat ko o hindi. Basta ang tanging mahalaga sa akin ay makalapit ako kay Nathan. Kahit alam kong hindi ako makakapasok sa loob ng Operating Room ay nagbaka sakali parin ako. Mahal na mahal ko si Nathan. Lumayo man ako sa kanya noon ng matagal, ngunit hindi naman nagbago ang damdamin ko para sa kanya. Maraming beses man niya akong sinaktan, ngunit napapatawad ko parin siya. Dahil mas nangingibabaw sa aking puso ang pagmamahal sa kanya, kaysa sa pagkamuhi. Noong umalis ako sa Villa at nagtago ng mat

