NAGISING si Lyndsay sa hating gabi at bigla siyang nakaramdam ng gutom. Naglalaway din siya ng maisip niyang kumain ng sinigang na Hipon na sobrang asim. Agad siyang bumangon, dahil gusto niyang magluto ng ulam na gusto niya. Nag suot lang siya ng robe, para hindi makita ang kanyang suot na nighties. Wala si Luke ng gabing yun, dahil naka Duty ito sa Hospital. Ayaw din ni Lyndsay na manggising ng mga kasambahay, kaya siya na lang ang bumaba sa kusina at magluto. Mabuti na lang din at hindi na tumatabi sa kanya si Lacey. Dahil nasa kuwarto na ito ng mga magulang ni Luke. Doon na siya natutulog sa pagitan ng Lolo at Lola niya. Binuksan ni Lyndsay ang freezer at naghanap siya ng Hipon. Masuwerte naman na meron siyang nakitang hipon sa freezer kaya kumuha siya ng sampung piraso. Nag ha

