Two Months Later.... KASALUKUYANG nasa Hospital si Luke at abala siya sa pag check-up ng mga pasyente ng maramdaman niyang mag vibrate ang kanyang cellphone na nasa bulsa. Agad naman niya itong tiningnan, upang malaman niya kung sino ang Caller. Nakita niyang si Lyndsay ang tumatawag, kaya tumayo muna siya at lumayo sa kanyang pasyente, bago sinagot ang tawag. "Hello, Babe, bakit ka napatawag?" mahina ang boses na sagot ni Luke sa tawag ng asawa. Kinakabahan din siya, dahil unang beses na ginawang tumawag sa kanya ni Lyndsay. Kapag nasa Hospital siya ay hindi ugali ng kanyang asawa na tawagan siya. Si Luke ang tumatawag sa asawa, kapag bakante siya. "Babe, gusto kong kumain ng Guyabano at Atis. Bilhan mo ako ngayon na." wika ni Lyndsay na ikinagulat niya. "What!? Babe, alam mong

