HINDI MAKA PANIWALA si Luke sa kanyang natuklasan. Hindi niya inakala na may anak pala sila ni Lyndsay. Hindi kasi nasabi ni Lyndsay sa kanya noon na buntis na pala ito noon. "W-What is your name?" umiiyak na tanong ni Luke sa bata. Nanginginig din siya, dahil sa sobrang saya. Hindi rin siya maka paniwalang may anak na siya at kamukhang kamukha din ito ng kapatid niyang si Heather. "My name is Lacey Fernandez Miller." agad na sagot ni Lacey sa hindi nakikilalang ama. Hindi na napigilan pa ni Luke ang bugso ng kanyang damdamin. Agad niyang niyakap ang kanyang anak at hinalikan niya ito sa pisngi, habang humahagulgol ng iyak. Nagtataka naman na itinulak ni Lacey ang lalaki, dahil natakot siya sa biglang pagyakap nito sa kanya. "Hey! What are you doing? Why are you hugging me? Do I

