"Akala ko ba, tulog na siya kanina." pabulong na tanong ni Luke sa akin. Nagtataka siya kung bakit sumunod sa amin si Lacey. "Oo. Ganyan yan siya. Hahanapin niya kung nasaan ako." sagot ko sa kanya. Kitang kita ko rin ang biglang pag dilim ng mukha ni Luke. Tila ba gusto na niyang magwala, dahil hindi matutuloy ang balak niya sa akin ngayong gabi. "Maliligo lang ako." paalam niya sa akin. Muli pa akong hinalikan sa labi, bago siya pumasok sa banyo. Ako naman ay inayos ko ang mga bulaklak na nasa sahig. Inilagay ko lahat sa ibabaw ng table, upang maganda tingnan. Pati ang mga candles na nakasindi ay inipon ko at inilagay sa ibabaw ng lamesa. Pinang patay ko na rin, dahil meron naman Lampshade, kaya maliwanag parin dito sa loob. Humiga na rin ako sa tabi ni Lacey. Inayos ko pa ang Co

