Kabanata 8

3722 Words
Kabanata 8 Wants Nagising ako sa pagkatulala nang marinig ang patunog muli ng aking cellphone. Wala sa huwisyo ko itong binuksan at binasa ang nilalaman ng text na natanggap. I browsed it. Bukod sa mga text ni Felisse ay isang unregistered number ang huling nagtext sa number ko. Unknown Number: Why are you still standing out there? Kumunot ang noo ko at luminga sa paligid. Natanaw ko sa kabilang kalsada si Il Woo na kumakaway sa akin. Nasa labas siya ng pintuan ng internet shop. May mga customer pa siguro sa ganitong oras kaya bukas pa 'yon. Agad akong nagtipa ng reply sa kanya na nagsasabing papasok na rin ako sa loob at hindi na nag abala pa na tingnan siya ulit. I somehow felt afraid to look back. Baka hindi na si Il Woo ang makita ko dahilan para hindi na naman ako makahinga. And I am sure that I wouldn't able to breath anymore if that happens again. Nadatnan kong nakalupasay sa sahig at nakayakap sa toilet bowl si Mommy. Mukha itong nakainom at walang tigil itong dumuduwal doon. She still wore her typical clothes for work. Wala silang uniform sa school at puro button down at slacks ang sinusuot ni Mommy. Ang ibig sabihin ay ngayon lang din siya uuwi galing sa trabaho o sa kung saan man siya nanggaling. Kusa na lang bumitaw ang kamay ko sa hawak na bag. Bumagsak iyon sa sahig ng kusina. Agad kong dinaluhan si Mommy at lumupasay din katabi niya. "Mom, what happened to you?" Hinaplos ko ang kanyang likod. Inayos ko din ang magulo niyang buhok na halos sumayad na sa toilet bowl. Wala siyang naging sagot at patuloy lang na kinalma ang sarili. Tumayo siya at nagpunta sa kalapit na lababo at naghilamos doon. She almost lost her balance but good thing that I was able to support her body. Inalalayan ko siya ng isang kamay habang pinipindot ko ng isa ang flash ng toilet bowl. Tumingin lang siya sa akin saglit pagkatapos ay nagpatuloy sa paglalakad palabas ng banyo. Ang mga mata niya ay kusa nang pumipikit dahil sa antok at kalasingan. She seems so wasted. Hindi ito makalakad ng maayos at halatang hindi na ayos ang paningin. "Ano po ba kasing nangyari?" ulit ko. Tinanggal niya ang mga kamay ko na naka alalay sa balikat niya. Nagpatuloy ito sa kaniyang paunti-unting hakbang at pagbalanse sa sarili. "Kaya ko." she just said. Pinanood ko siyang lumabas ng kusina at ngayo'y naglalakad na sa living room. Nakahawak siya sa kanyang ulo at hinihilot ang sintido. "Mommy, ano ba?!" saway ko nang halos kaming dalawa na ang matumba sa sahig dahil sa pagsalo ko sa humahapay niyang katawan. Yes, she's thin pero hindi ko naman siya kaya kung ganitong lasing siya at ayaw pang makinig sa akin. "Kaya ko nga sabi." Tinabig niya ulit ako at naglakad na patungo sa kwarto niya. Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Walang pasubali niyang binagsak ang katawan sa kama. Inayos ko naman ang paa niya na nakasayad pa sa sahig. Bumuga ako ng hangin. Ngayon ko na lang ulit siya nakitang naglasing ng ganito. Noong nawala si Papa ay naging pabaya siya sa sarili at walang ginawa kundi maglasing. Kaya nga pakiramdam ko nawalan na din ako ng ina. Lalo pa noong lumipad siya sa bansang ito para magtrabaho or I must say, para makalimot. I got a basin and towel in the kitchen. Pinunasan ko ang buong katawan ni Mommy at binihisan siya pagkatapos dahil basang basa na rin siya ng pawis. Binalikan ko ang naiwang bag sa kusina. Pagkatapos ay pumunta na ako sa kwarto upang magpalit ng damit pantulog. Dahil mainit ay nag shorts at oversized shirt lang ako. I comfortably lay at my bed. I felt so tired today. At dahil siguro sa pagod ay nakatulog ako agad. Nagising ako nang alas tres ng madaling araw nang makaramdam ng uhaw. Dinampot ko ang cellphone sa side table para gawing flashlight. Ayaw ko na kasing buksan ang ilaw dahil baka maka istorbo pa kay Mommy. Nahagip ng mata ko ang kwarto niya. I entered her room to check her condition. Mahimbing itong natutulog doon. I touched her forehead and to my surprise, she's extremely hot. Sinubukan ko siyang gisingin pero hindi ito nag respond. Kinabahan na ako at hindi na alam ang gagawin. I tried to wake her up but she didn't respond. Naka dalawang dial na ako pero cannot be reach pa rin ang tinatawagan ko. I dialed another number and luckily it ringed. Habang ginagawa iyon ay patuloy ko pa rin ginigising si Mommy. Ginagalaw ko na ang balikat niya at tinatapik ang pisngi pero wala pa rin nangyayari. Naririnig ko na ang sariling hikbi na hindi ko na mapigilan. Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang kaba. I'm so damn frustrated. I need to rush my mother to the hospital right now! But here I am, so helpless. Tumigil ang pag ring at sumagot na ang nasa kabilang linya. Siya lang ang tangi kong naisip na hingian ng tulong. Kahit na kakikilala ko pa lang sa kanya ay kinapalan ko na ang mukha ko. His brother's phone is off so he's now my last choice. Hindi ko na siya hinintay na sumagot at agad na akong nagsalita. "I-Il Woo. Jung Il Woo?" patuloy pa rin ako sa paghikbi. Tumigil muna ako sa pagtawag ng pangalan niya at sinikap na pakalmahin ang sarili. Hindi niya ako maiintindihan kung patuloy lang ako sa pagkakataranta. "H-Help me, please." Now that I am seeing my mother lying there and not responding to me made me think unnecessary things. "Where are you?" His voice made it obvious that he just wake up. His husky and lower voice says it all. I felt sorry for it but I really need his help right now. "Si M-Mommy kasi a-ano... t-tulungan mo ako, p-please." Muli kong hinawakan ang noo ni Mommy. Sobrang init pa rin at hindi na talaga siya magising. I raised her hand and those hand just fell beside her and seems lifeless. "Ma! Ma!" sigaw ko. "Jari, calm the f**k down! Just tell me where the hell are you, alright? I will go to you right now!" Napahilamos ako sa mukha ko. My face is so full of tears. Mas dumoble pa ang kabog ng dibdib ko. "A-Apartment." tanging nasabi ko. Ilang sandali lang ay may nag door bell. Patakbo akong nagtungo doon at binuksan ang pintuan. Kahit si Il Woo ang inaasahan kong dumating ay hindi ko na nakuhang magulat pa. "What happened?" tanong ni Mavi. Hingal na hingal ito. His messy hair fell on his forehead. Nahihipan niya ito sa bawat paghabol niya ng hininga. Hindi ako nakasagot sa tanong niya. "What happened to your Mom?" ulit niya. Hinawakan nito ang magkabila kong pisngi at pinunasan ang luha ko na patuloy pa rin sa pag tulo. I wasn't able to speak and I just pointed my finger to Mom's room. The hospital staffs quickly assisted my mother. They brought her to the emergency room and I just waited outside that room with Mavi. Sa bawat minutong lumilipas ay mas lalo akong kinakabahan. It's been thirty minutes. I put my cold hands to my toes and squeezed it. I looked at Mavi. Nakatingin lang siya sa akin. Wala siyang naging imik mula pa kanina. Siguro alam niya na wala pa ako sa sarili ko para sumagot kung sakaling magtanong siya. I kept looking at my wrist watch. Hindi pa lumalabas ang doktor at naiinip na rin ako. Hindi ko gustong isipin pero paano kung may masamang nangyari na kay Mommy. Pumikit ako at winala ang nasa isipan. Naramdaman ko ang init na humawak sa kamay ko. When I opened my eyes, I saw Mavi intently looking at me. Dinala niya sa aking braso ang kamay at kinuha doon ang panali ko sa buhok. Kumunot ang noo ko. Ano naman kaya ang gagawin niya doon? Nagulat na lang ako nang sinikop niya ang mahaba kong buhok at tinalian iyon. Ngayon ko lang naisip na kanina pa nakasaboy iyon sa mukha ko. Dumikit na nga ang iba sa ngayon ay tuyo ko nang pisngi. "She'll be fine. Don't worry too much." Wala akong naging sagot kundi titig lang. I don't know if I can trust his words. That my Mom will be fine. Kinakabahan pa rin ako. Gusto ko nang malaman ang totoo niyang kalagayan. He sighed when he didn't receive any words from me. Hinapit niya ang baywang ko at inilapit ang katawan ko sa kanya. His warm body and assuring hug comforts me. Wala na akong lakas pang magreklamo sa ginawa niya. I just rested my right cheek in his chest. I returned the hug back to Mavi. Hawak hawak ko ang likod ng kanyang T-shirt na sa tingin ko ay nalukot ko na. He caress my back with his hand. Pumikit na lang ako sa labis na panghihina. Nanalangin din na sana ay nasa maayos na kalagayan na si Mommy. Almost three days naka confine si Mommy sa hospital pero hindi nagpakita ni anino ni Park Jong In. I tried to contact him through Mom's phone but he didn't answered the call. It keeps on ringing pero wala akong natanggap na sagot. Umiiwas din si Mommy sa usapan kung tungkol na ito sa boyfriend at sa paglalasing niya. I am thinking that it's somehow connected. Baka nag away sila. "Tinawagan ko na ang boyfriend mo, Mommy. Ayaw naman pong sagutin." I am peeling the apple that Mavi and I brought on the way here yesterday. "Hayaan mo na. Busy lang 'yon sa trabaho." Pumikit siya at nilagay ang kumot hanggang sa balikat. "Pero, diba dapat dumalaw manlang-" "Tumigil ka nga, Jarina. Sige na, magpapahinga muna ko." I asked her about it twice and decided to stopped questioning her. Ayaw ko siyang lalo pang ma stress nang dahil sa akin. Sabi ng doktor ay sobrang pagod at stress daw ang dahilan ng pagkakawalan ng malay at lagnat ni Mommy. Kailangan niya raw magpahinga at iwasan ang mabibigat na gawain para agad itong gumaling at makabalik sa trabaho. That same friday morning when Mom transferred to another room. There are total of six patients in that room including my Mom. "Don't you need to go to school?" I asked Mavi. It's Friday kaya baka may pasok pa siya. Sunod-sunod ang pagtunog ng cellphone niya dahil sa nagtetext. Hindi ko naman nabasa kung sino iyon dahil naka save ito in Hangul. Kasama ko si Mavi ngayon pabalik sa ospital kung saan naroon si Mommy. Sumaglit lang ako sa bahay para kumuha ng mga kailangan ni Mom at upang makaligo na rin. Naghilamos lang ako kaninang umaga dahil sa natuyong luha kaninang madaling araw. Nagpaalam na ako sa adviser na liliban muna sa klase. It's just one day at Friday pa. Weekend na ang susunod na araw kaya walang pasok. Naintindihan naman niya at sinabing dadalaw siya sa linggo sa araw ng pag uwi ni Mommy sa apartment. Mavi just shrugged his shoulders and looked outside the window of the taxi. Hindi niya sinagot ang tanong ko. "You know, you don't have to do this. I can manage now and what if you have something to do." Pinatay niya ang cellphone nang muling tumunog ang text ringtone at tinago iyon sa bulsa. "It's fine," he said. Hindi na lang ako nagsalita. It's up to him naman. It's already Sunday and Professor Kim already visited my Mom and offered to take us home. Mayroon kasi itong dalang sasakyan. "I can't come with you later. I have something to do." Nang dumating ang linggo ay nasa lobby kami ng ospital ni Mavi para hayaang magusap sina Professor Kim at Mommy. And I hope that her friend would make her better. At sana rin ay masabi ni Mommy ang problema kahit kay Professor Kim na lang. "Oh... it's alright. Thank you a lot for helping us, anyway," I said. Kahapon ay umuwi lang saglit si Mavi sa bahay nila at bumalik din agad. Nagtataka nga ako kung wala ba siyang lakad dahil Sabado. "Give me your phone." Nakalahad ang kamay niya sa harap ko. Nakaupo kami sa upuan ng lobby na may parehong upuan sa labas ng emergency room na pinagdalhan kay Mommy. That chair when he grabbed my waist and hug me tight. Nag init bigla ang pisngi ko at positibo akong namumula na ito ngayon. "Jari?" he called. "H-Huh?" Nginuso niya ang nakalahad na kamay. Nagmadali ko namang kunin ang cellphone sa back pocket ng high waisted jeans. Hinablot niya ito sa akin at may pinindot doon. Tinitigan ko lang siya. Halatang kulang din ito sa tulog tulad ko. Mas mahaba pa yata ang oras na gising siya sa pagbabantay kay Mommy kaysa sa akin. Dinungaw ko ang ginagawa niya. His phone suddenly rang because of a call. Tinawagan niya pala ang number niya gamit ang phone ko. He typed something on my phone and handed it back to me. "There. I saved my number just in case you'll be needing my help again." "O... kay." tumango ako. "Tss. If you need me, call me. Not that you're calling whomever it is." Lukot ang mukha niya nang sinasabi iyon. Kumunot ang noo ko. "He's not just 'whomever'. It's your friend, Jung Il Woo," I explained. "I don't care. Just call me, not him, not anyone else, just Yoo Nam Bin only." Lalong nalukot ang mukha ni Mavi. His eyebrows almost made a straight line. Mas nakita ko rin ang kunot sa kanyang noo. "How can you say that? He's still your friend. And why are you insisting-" I stopped from talking when I didn't what he mean on the last word of his sentence. "What?" he asked. "What do you mean by Yoo Nam Bin only? Anong only?" takang tanong ko. He suddenly straighten his back on the chair. Pinanood ko siya habang binabaliktad ang suot na sumbrero. Mukha siyang kinakabahan. It seems that he's doing that to his cap when he's out of words. Hindi niya lang pinapakita pero nahalata ko pa rin. Nanliit ang mata ko. Bigla siyang tumayo. "I'll go ahead." he said. Nag umpisa siyang maglakad. Napatayo ako sa kinauupuan ko na nakatulala lang sa likuran niya. "A-Ano nga? Hoy! Mavi!" Ang ibang tao sa lobby ay nagtinginan sa akin dahil sa ginawang pagsigaw. Napayuko ako at paglingon ko sa exit door ay wala na doon si Mavi. He already got outside. The following day ay patuloy si Sun Hee sa paghihimutok sa harap ko. Sayang daw ang pagkakataon na hindi ko napanood mag perform ang Sou Squared noong Friday. "And guess what's the weird thing happened." "What?" walang gana kong tanong. Inabutan ako ng iced coffee ni In Woo and an Americano for Sun Hee. He sat acrossed me and started to scan his books. "Thanks," I said. Nasa isa kaming coffeehouse malapit sa apartment building. Kaparehong kalye lang nito ang convenience store kung saan natagpuan ako ni Mavi noong tumakbo ako at naligaw. Hindi ko pa kabisado ang lugar dahil maraming eskinita pero alam ko na dito 'yon. We're here to study as we usually doing. Gustong mag-aral ng dalawa sa ibang lugar bukod sa library. I have no choice so I came here with them. "Just spill it." Madrama itong umupo ng tuwid at tinapat ang kamay sa bibig na parang may hawak na microphone. Napailing ako. "Hey, Go Sun Hee, we really need to study. You're the one that's being weird now." anas ko. Sa aming tatlo kasi ay siya ang pinaka seryoso sa pag-aaral. Para nga itong may isa pang identity kapag nag-aaral kami. She's so focused and I can't talk to her with random things unless it's about our lesson. "Okay, okay. Sunbae didn't show up that day. And that is the weirdest and unusual thing that Yoo Nam Bin can do." I sipped on my iced coffee . Pinanlakihan niya ako ng mata to prove her point. "He can't diss his bandmates, you know? And he didn't give a notice to them. So! It's Il Woo who sings in the end." patuloy niya pa. Mavi is in the hospital with me that time. Yes, I asked him if he has to go to school pero nakaramdam pa rin ako ng konsensya ngayon. "Hyung texted me an hour before the performance that he wouldn't come and I was told to tell it to the three." singit ni In Woo. "Jinjja? You know, even their fangirls from Yonsei University gone mad when sunbae didn't show up!" Sa akin naman siya humarap ngayon at niyugyog pa ang balikat ko. Hindi namin pinansin ni In Woo ang paghihimutok niya. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa sa aking notes kahit walang pumapasok sa utak ko. Half an hour had passed but I cannot still understand even a word that is written on my notebook. Bumabagabag sa akin na baka masira ang image ng banda nila Mavi dahil sa hindi niya pagsipot. And that's because he helped us! He's beside me that time. At akala ko ay wala siyang gagawin sa araw na iyon kaya hinayaan ko siya. And worst, nakaapekto pa iyon sa fans ng banda nila! I stood up and fixed my things on our table. Gusto kong puntahan si Mavi to talk to him and apologize maging sa tatlo. Pakiramdam ko kasi ay may kasalanan ako kung bakit hindi siya nakapag perform. I know that it is his own decision. But still! Isinukbit ko na sa balikat ang bag ko. I'm ready to left but Sun Hee held my arm. "Where are you going?" si Sun Hee. Both of them are waiting for my answer. Nagpalipat lipat lang ang tingin ko sa dalawa habang nag iisip ng isasagot. "I need to go... 'cause uh... Mom needs me. She's not yet well." They knew that Mom got confined in the hospital. But they didn't knew that Mavi helped me that time. Nagtampo pa nga sa akin si Sun Hee dahil kaninang umaga ko lang sa kanya nasabi. Gusto raw sana niyang dumalaw dahil naging adviser niya dati si Mom. And In Woo got guilty when he knew that I called him first when I needed his help. He buys me this iced coffee for peace offering. "Oh, alright." Bukas pa si Mommy babalik sa trabaho. She's doing fine but I suggested her not to work today. Baka kasi mabinat siya. Mabuti naman at pumayag. Hindi pa rin siya nagbubukas ng topic tungkol sa nangyari that day but it's fine. Kung kailan siya handa, doon na lang siguro sabihin sa akin. Nakalabas na ako ng coffeehouse at nag lakad ng kaunti para mag abang na ng taxi. Baka matanaw ako nila In Woo at makitang imbis na maglakad na lang ay sumakay pa ako sa taxi. Hindi ko alam kung paano pumunta sa Yonsei University pero siguradong alam naman iyon ng taxi driver. That's in Seoul and I heard that it's so famous. "Jarina Enedril Gonzejo, we need to talk." the voice on my back said. Pinaglalaruan nito ang dulo ng buhok ko. Paglingon ko ay ang maamong mukha ni Min Ah ang nakita ko. She's not smiling and I guess that she's not in a good mood. She crossed her arms. Nagtaas ito ng kilay sa akin. "About what?" tanong ko. Sinikop ko ang mahabang buhok at nilagay sa kaliwang balikat. Tumingin lang ito at iminuwestra na sumunod ako sa kanya. Nag umpisa itong maglakad. Naka suot pa siya ng uniform ng convenience store na pinapasukan. Hindi ko alam kung paano niya ako nahanap. Siguro ay nakita niya lang ako dahil malapit lang naman dito ang trabaho niya. Nilingon muna ako ni Min Ah bago pumasok sa isang makipot na daan sa gilid ng convenience store. Kahit na nagtataka ay sumunod pa rin ako. Madilim sa eskinita na iyon at naamoy ko pa ang mga basurang nakatambak. "What is it Min Ah?" ulit ko. I looked at my wrist watch and it says 5:29 in the afternoon. Baka hindi ko na maabutan si Mavi kung magtagal pa ako rito. Kung sa internet shop naman ay baka wala doon si Moon. Gusto ko sanang kumpleto sila kung hihingi ako ng tawad. "It looks like you're in a hurry. So, let me tell you what I really wanted to say." Dahan dahan siyang lumapit sa akin hanggang sa mapasandal na ako sa pader. The cold wall is already on my back when I looked up to her in the eye. "Leave. Yoo. Nam. Bin. Alone." Nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Hinila niya ang buhok ko at napatingala ako sa sobrang sakit. "I hope you understand what I mean." Napangisi ako sa sinabi niya. I looked back with the same intensity and push her shoulder. Napaatras siya ng isang hakbang dahil doon. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya dahil sa ginawa ko kaya nabitawan niya ang buhok ko. "Yes, I can. But I hope that you will... Leave. Me. Alone. Too!" I slapped her with all my strength. Kahit hindi ko nakikita ay alam kong namumula na iyon ngayon. Nagmartsa ako palabas ng eskinita at iniwan siya doon. Patakbo akong umalis at nagdesisyong umuwi sa apartment building. Min Ah is indeed a desperate woman that will do anything to have what she wanted. I can't believe that she did that to me. But as I did earlier, I will assure her that she can't just hurt me like that. I typed a message for Il Woo. Ako: I wanted to apologize for the trouble I caused last Friday. I heard that your fans got mad when Mavi didn't show up. Just tell to the others that I am very sorry. Mavi was with me to help me with my mother that time. Forgive me and I promise that I will not bother him and your band ever again. I'm sorry. I deleted his and Mavi's number after I sent the text. I want to cut all the ties that is connected to Mavi and Min Ah. Ayaw ko ng gulo lalo na ang sakitan at pisikalan. So if that is Min Ah wants, she can get it without giving such an effort.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD