Kabanata 18

3178 Words
Kabanata 18 Date Nagiinit ang pisngi ko nang bumalik sa mesa namin. And I am positive that it's all red now. Agad kong inabot kay In Woo ang kaniyang cellphone pagkatapos ay naupo na ako. He browsed his phone. Checking for what I did to it. Bumuga ito ng hangin na parang nakahinga ng maluwag. Nalaman siguro na nakitawag lang ako. "Where's our dearest friend?" tanong ko kay In Woo. Wala na kasi si Sun Hee sa kaninang inuupuan maging ang mga gamit niya. Alam kong may tampo ito kay In Woo. I am wondering what happened to them before I left. Pinaypayan ko ang sarili gamit ang kamay. I feel like my system is all burning now. I can't believe that Mavi could affect me extremely like this! "She left." walang gana niyang sagot. Sinara nito ang libro na nasa harapan niya. Tumayo siya at binitbit ang backpack. He's ready to leave. Mukhang hinintay niya lang talaga ako na makabalik. "Hey! You're leaving too? Where did she go, then?" sunod-sunod kong tanong. Nilingon ako ni In Woo. Agad siyang napaatras nang makita ang mukha ko. Inayos niya ang medyo nahulog na salamin sa mata. "Y-Yah! Are you a living tomato?" gulantang niyang sabi. "No way!" depensa ko. I put both of my hands on my hot cheeks. Para maitago iyon kahit alam ko na huli na dahil nakita niya na ang kapulahan nito. "What-" Hahawakan niya sana ang pisngi ko nang bigla kong tabigin iyon. Naputol tuloy ang sasabihin niya. Hinablot ko ang mga gamit ko sa mesa at upuan bago umalis sa harap niya. I can't contain his stare. Nakakahiya! At isa pa, sino ba ang matutuwa kung sasabihan ka na mukha kang kamatis? Aish! In Woo! "Ewan ko sa'yo!" I said before leaving. "Yah! Why did the two of you hate me," he asked. He seems really clueless. "Jari!" I heard him called my name. Hindi ko na siya pinaunlakan ng tingin. Dire-diretso ako sa paglalakad habang hawak ang magkabilang pisngi hanggang sa makalabas na ako ng library. That was so embarassing! Pareho na kami ni In Woo na may kahihiyan sa isa't isa. At hindi ko naman akalain na ganoon ang magiging reaksyon ko noong sinabihan niya ako na mukha daw akong tomato. I feel like it's a childish act to just leave. Pero iyon lang ang naisip kong paraan para makatakas sa nagtataka niyang tingin. Because I can't tell that Mavi causes this red face! I've never felt this way until Mavi appears. And now I am being afraid that this strange and blissful feeling would leave me in no time. I am attracted to him and I admit it only to myself. Nakakatakot lang na baka lumalim ang nararamdaman ko sa kaniya. Kaakibat nitong pinasok ko ang masaktan. And I am not yet ready for it. Kahit ang masaktan ng paulit-ulit ay hindi na iba sa akin. Nasaksihan ko na ito sa mga magulang ko. I am afraid to loose what my Mom lost. At kung mangyari man iyon ay mukhang hindi ko rin kayang humanap ng iba. I know that I shouldn't think about these things. Masyado pang maaga. Ngunit hindi ko rin maiwasan. I am really afraid to fall in love. Natagpuan ko si Sun Hee sa benches na malapit sa school gate. Her bloodshot eyes told me that her bad mood got worsen. The expression on her face told me one thing; danger. "Yah, Go Sun Hee." Noong una ay nag hesitate pa ako na lapitan siya. Ngunit sa huli ay napagtanto ko na kailangan kong malaman kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon. I really need to know it as her friend. Baka tuluyan na 'tong mabaliw. 'Cause her act at the library say it all. I end up knowing nothing towards Sun Hee's craziness. She just won't tell me anything about her thoughts and she even diverting my attention into other topics. Umuwi akong lutang at kung ano-ano ang iniisip. Balak ko na ngang itulog ang lahat matapos gawin ang mga assignments. But two unexpected texts from two different numbers came that makes me come to my senses. Mavi: Are you free this weekend? Parang nahihimigan ko pa ang malalim niyang boses sa pagbabasa ko ng text niya. It feels like he's asking me face to face. Naka ilang tipa at bura ako bago makapag send ng reply sa kaniya. I don't know why I am having a hard time just to answer such a question. I even felt nervous. Ako: Yep. Why? I opened the next thread of texts from an unknown number. And I don't know what to feel after I read the first text that the sender sent. Unknown: "Nyemas ka talaga bby! Kyot kyot mo e." That was the text. And I really don't know if I will laugh or get angry with this. Hindi ko alam kung prank ba ito o wrong send lang talaga. Tagalog 'to e. Baka si Felisse! Or nah? It's a local number from South Korea. I typed a reply while smirking and with a shot up brows. Natatawa. Ako: Excuse me? Who's this? Wala pang isang minutong paghihintay ay nag reply na ang unregistered number. Unknown: What does that words mean? Unknown: I'm sorry but I can't tell my identity. Kumunot ang noo ko. Ako: How can I answer that question if I didn't know who was asking? Unknown: Just tell me, alright? Google won't translate it right. ㅠㅠ I can feel his or her curiosity. The wanting of knowing what it means. I switched my position on my bed. It gave me more interest to know of whom is this- especially the reason why he or she is asking me to translate it. Pero sa tingin ko ay wala na akong kinalaman doon. This unknown needs help. Sa text pa lang niya halatang gustong gusto niyang malaman ang ibig sabihin non. I sighed. Ako: Okay. Unknown: Yes! Thank you so much 자리나!! Never minding the Hangul word that s/he just sent ay muli kong binalikan ang nauna niyang text. Hindi ko alam kung paano ko ito ngayon isasalin sa Ingles. It made me think that who said that is crazy over a man. Halatang babae ang nag type e. Baka nakuha ito ng sender sa isang freak na teenager sa Pilipinas. Ako: "Damn you, baby! You're so cute." Pagka send ay natawa na lang ako sa sarili. Pinunasan ko ang kaunting luha sa gilid ng mata dulot nito. I must be really crazy to translate that. Hindi pa ako nakakabawi ay may dumating ulit na text. I opened the thread at mas lalo lang lumapad ang ngiti ko. Mavi: Let's capture lots of memories and make some unforgettable history tomorrow. I'll pick you up at 8. My eyes widened that seems to pop out on its socket. I find his text cheesy. Did he just invite me for a date? No, no. Don't assume just yet, Jari. You're. Just. Excited. Calm. Down. I composed myself. I need to think of my answer carefully. Of course, I'd say yes but I will assure that my excitement will not show on my reply. Another text from Mavi came. Mavi: Bring your camera with you. We're needing your camera skills with this. Whatever it may be all about, I will be really looking forward for that day to come. Dumating ang araw ng Sabado at gaya ng napag usapan ay dumating si Mavi sa tapat ng apartment building saktong alas otso ng umaga. Seryoso siyang naglakad palapit sa akin. Hindi naman mukhang masama ang timpla niya. Lagi lang talaga siyang emotionless maski noong unang pagkikita namin sa eroplano. I remembered him mocking the trace of sleep on my lips that time by laughing at pagkatapos ay balik poker face ulit. Recently ko lang siya napapansin na ngumingisi talaga at bilang na bilang pa. I stopped myself from reminiscing. He looks so cool just by walking towards me. I felt my hurt fluttering and I stopped myself on showing it on my face. Is it what they called kilig? Because I never felt this feeling ever. Mahigit kalahating oras na yata kaming nakasakay sa tren ni Mavi. Sinabi niya sakin na tutungo kami sa Seoul ngunit wala siyang binanggit na partikular na lugar. The train was crowded and it's probably because it's weekend. Tinanggal ko ang suot na hoodie dahil pinagpapawisan na ako sa byahe na to. I was just wearing a shirt and a fitted jeans. Hindi na ako nag abala pa na mag ayos dahil hindi ko rin naman alam kung saan kami pupunta. At isa pa, puro ganito naman ang klase ng damit ko. Halong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon. Lumalutang pa ang isipan ko nang bigla ko na lang naramdaman na sobrang lapit na ni Mavi sa akin. May isa kasing matabang lalaki na naupo sa tabi ko kahit na maliit na lang naman ang espasyo. My body squeezed with that man on my left. Kaya naman mabilis akong umurong sa gawi ni Mavi na agad kong pagsisihan. I landed on Mavi's chest and that makes my heart beats more faster! Umayos ako ng upo. Then I felt Mavi's hand on my left shoulder. He enclosed the distance between us as if it is still possible on our situation. And it just tripled my crazy heartbeat. Tumikhim ako. Ang ingay sa loob ng isipan ko ay kabaliktaran naman sa loob ng tren. Ang tahimik ng mga pasahero at may kaniya kaniyang hawak na mobile phones. Bigla tuloy napatingin ang ilan sa gawi ko dahil sa pagtikhim. Agad ko iyong pinagsisihan! I just stare at the train's ceiling as if it was the most interested thing as of the moment. Ni hindi ko magawang tumingin sa gawi ni Mavi! I can feel his big and hot palm on my left shoulder! It's making me nervous as hell! The passengers doesn't even have a clue that my heartbeat is on war inside my ribcage. They continued being busy with their mobile phone after glaring at me! "Patay. Bawal pa naman mag ingay dito sa train." nahigit ko ang hininga ko hindi dahil sa laman ng sinabi ni Mavi kundi dahil sa pagbulong niya nito sa aking tainga. He's so near! I can feel his breath on my skin. Dagdag pa na lalong naging gwapo ang boses niya ngayong nag Tagalog siya. Breath. Jarien. Breath. "W-What?" tanong ko ng makabawi. Still not looking at his face. Damn! You can't show him how he affects you. Dahil 'pag binigay mo ang lahat, ikaw lang ang talo. "They might sue you for breaking the law inside trains. So just keep quiet and stay still." muling bulong niya malapit sa tainga ko at mas hinigit pa ako palapit sa kaniya. Hindi na ako muling nagsalita dahil sa narinig. May ganoon bang batas? O baka naman niloloko lang ako ni Mavi. Never heard of that law before. Pero pumasok bigla sa isip ko ang masasamang tingin sakin ng mga pasahero kanina. It might be true! Geez. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko matatagalan ang mainit na palad ni Mavi sa braso ko. Tiniis ko na lang na hindi masyadong kumilos hanggang sa bumaba kami ng tren. Mahigpit ang hawak ko sa camera na nakasabit sa aking leeg. Ngunit ang mga mata ko ay nakapirmi lang sa nasa harapan na si Mavi. Nilingon niya ako at nang makitang mabagal ang lakad ko ay sinabayan na ako nito. I smiled awkwardly. "You hungry na?" tanong niya. Tumango lang ako. We are on a busy street. Many business establishments and restaurants in every corners. Tiningala ko ang matatayog na buildings. Halos mabali na ang leeg ko sa paglibot ng tingin. "Let me hold this. And stop your 'bali leeg' gaming." He gets the camera from me and I didn't complain. Pinulupot niya ang lace nito sa kaniyang palapulsuhan at tinapat ang lens sa mukha ko. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa huling sinabi. I heard the sound of the shutter. His laughed roared that made me even more furious! Ang hilig niya akong kuhanan ng stolen shots. I remember the first time he did it and it was at my so-called 'freedom table'. Iyong sa ilalim ng malaking puno sa tapat ng apartment building. "Oh come on! Smile at the camera, baby." he said laughing. Nasa isang sidewalk kami kaya napapatingin ang mga nagdadaan. Ngunit parang wala lang iyon kay Mavi. Sobrang saya niya e. Lumingon ako sa gilid ko at tinakpan ng palad ang kaliwang pisngi, hiding my face from the lens. But even before I heard the shutter, Mavi's left hand is now all over my shoulder. Eating the distance between us. Nilingon ko ang lens ng camera na nakatutok sa aming dalawa. "One, two, three, say Mavi!" I could hear the shutter along with my twinkling heart beat. Agad akong namangha nang may madaan kaming lumang Korean palace. Tanaw ko ang ilan sa mga bubong nito galing sa labas. Maging ang mga matatayog na puno na may mga bulaklak. There are tourists and locals that are entering the gate. And some people heading there are even wearing a traditional Korean clothes! Hindi ko alam kung ano ang tawag doon pero nakakamangha na pwede pala 'yon suotin sa public places. "Wow, ang galing!" I blurted. Mabagal ang hakbang ko nang matapat kami sa malaking gate ngunit ang mga mata naman ay naiiwan sa palasyo o di kaya ay sa mga taong nakasuot ng traditional clothes. "Picture-an mo bilis! Picture-an mo!" At dahil siya ang may hawak ng aking camera ay kinukuhan niya talaga ng litrato ang bawat ituro ko. Even a leaf with bugs na nadaanan namin kanina. I am still being amazed by the palace and the traditional clothes na maging habang sa pag kain namin ng tanghalian at hanggang sa makatapos ay iyon ang bukang bibig ko. Natatanaw ko ang pag iling ni Mavi habang naka ngisi sa akin. Marami akong naging tanong kay Mavi tungkol sa nadaanang palasyo habang binabaybay namin ang isang kalsada. Hindi ko alam kung saan kami tutungo ngunit agad ko ring nalaman nang nakarating na kami. Isang shop rental ng mga Korean traditional clothes. I looked at Mavi with wide eyes. Is he serious? Oo at namamangha ako ngunit hindi ko naman hiniling sa kaniya na makapagsuot ako non. Umiling ako sa kaniya. "You'll regret it later if you refuse to wear one." pangongonsesiya ni Mavi. May nag assist sa akin na babaeng staff habang namimili ako ng hanbok. I asked Mavi earlier kaya ngayon ay alam ko na ang tawag dito. And speaking of Mavi, he's nowhere to be found. Kahit nagdadalawang isip pa ay wala tuloy akong choice kung hindi pumili na lang ng hanbok sa rack. I picked up a purple dress and the lady beside me suggested a white vest with dark green hem on the sleeves and a purple ribbon near the chest. Ang ganda! The staff lady helped me wear the hanbok and she even styled my hair and finished it by putting a flower on it. She also added some colors on my face at namangha ako sa kinalabasan nito nang matanaw sa salamin. Napangiti na lang ako. Naalala ko ang bestfriend ko na si Felisse. I'll be the happiest for her kung matupad niya ang pangarap na makapagsuot ng hanbok. Ako muna ang tutupad nito para sa'yo, Za! Kasabay nito ang paglitaw ni Mavi sa pintuan kung saan ako inayusan. Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko nang mapagtanto na naka traditional clothes din siya. It's a dark green hanbok with gold details and it was paired with a black hat. Okay, aminado naman ako na bagay sa kaniya at mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko. Pero hinding hindi ko iyon sasabihin sa kaniya. Nakita ko na naman ang ngisi niya dahil siguro sa naging reaksyon ko. Kulang na lang ay isipin ko na nababasa niya ang laman ng utak ko. Tumikhim ako at humakbang patungo sa kaniya. May sinabi siya sa babaeng nag ayos sa akin at iniabot ang phone niya dito. Agad kong nakuha ang gusto niyang mangyari kaya agad ko siyang tinabihan at tumingin sa cellphone ni Mavi na hawak na ngayon ng babae. Napasinghap ako nang biglang hapitin ni Mavi ang baywang ko. Buti at yumuko ako kundi ay makikita ang gulantang kong mukha sa litrato. Inayos ko ang ekspresyon at pilit ngumiti sa camera nang magsimulang bumilang ang babaeng nautusan. After a few shots ay nakuntento din doon si Mavi. Nakita kong check ng babae ang kuha niya sa amin sa cellphone ni Mavi. I took that chance to thank Mavi for encouraging me to wear a hanbok. Tama nga siya na mukhang pagsisisihan ko kung hindi niya ako napilit. "Magkano pala lahat, Mavi? I'll pay the rent for these hanboks as a thank you." I said smiling at him sincerely. He stares for awhile then pouted a little. Sunod-sunod ang pag iling niya. "It's our date. Sagot ko 'to basta sagot mo rin ako." he grinned. Matindi ang pag init ng pisngi ko at sigurado ako na namumula na 'to ngayon. Pakiramdam ko rin ay sasabog na ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k nito. I am barely breathing by every seconds passing. Anong sagot ba ang pinagsasasabi mo riyan? Double meaning ang dating sakin kaya pwede bang ayusin mo ang mga banat mo, huh! I don't even know if you're courting me. Dahil iyon lang naiisip ko na ibig sabihin mo! You're corrupting my mind. Para kang gago! Hindi ko alam ang gagawin ko at gusto ko na lang mag walk out. Humakbang ako pasulong ngunit umatras din. I heard Mavi's laugh dahil sa pagkaka taranta ko. Nang wala sa sarili ko na lang itinakip ang isang palad ko sa mukha niya bilang pagpapatigil. I can't blurt anything kaya iyon lang ang naisip kong paraan. I don't want to see his reaction. Inaasar niya lang ako e! I heard a click at sigurado ako na pinicture-an na naman kami nung babaeng gamit ang cellphone ni Mavi. What an embarrassing scene! "Parang gago." I finally said before walking out. Nagtungo ako sa rack ng mga hanbok. Wala naman akong gagawin rito gusto ko lang makatakas sa kahihiyan na ginawad ni Mavi. Tuluyan nang kumawala ang ngiti sa mga labi ko nang makalayo ako roon. Hindi na inalintana ang tingin ng ibang customer sa halos mapunit ko nang mga labi. Nagmula na mismo sa kay Mavi na ito ay isang date. Kahit na anong pigil ko pa sa nararamdaman ko sa kaniya ay hindi ko na maitatanggi na hulog na hulog na ako. Unti-unti ko nang tatanggapin ang pag ibig ni Mavi. Susugal ako kahit na ano ang mangyari. I will, for my own happiness. This is our first date and it is happening in Seoul. In Seoul where I surrendered. In Seoul where I am slowly giving my trust to Mavi. In Seoul where I accepted that wanting Mavi Yoo will result our pain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD