Cassicor
Ibinaba ko ang cellphone ko at tumingin kay papa na nakaratay ngayon sa higaan. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito sa kaniya. Napakalakas niya ngunit bigla na lang siyang nabuwal at nawalan ng malay.
Natatandaan ko pa noong binata ako, ganoon na ganoon ang ugali ko kay bettina ang kaibahan lang ay mahilig akong magbasa at mag-aral.
“Cass”
Napatingin ako kay papa nang magsalita ito.
“pa?” sabi ko
Ang totoo ay walang kaibahan ang nangyari sa akin kay bettina. Nawala din ako sa tunay kong mga magulang at ibang tao ang nag-alaga sa akin. Hindi rin Cassicor ang pangalan ko noon kung hindi peter. Masaya ako noon sa simpleng pamumuhay kasama ang mama ko pero isang balita ang nagpabigla sa akin at iyon ay nang malaman ko na anak ako ng isang bilyonaryong tao.
“Papa!”
Napatingin ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni bettina. Nakita ko agad ang pag-aalala sa mukha niya.
Mukhang walang tigil ang kaniyang pagtakbo ah?
Nang mapalingon ako sa likod ng anak ko ay nakita ko si hunter. Hinid ko naman mapigilang hindi mangiti dahil sa isipin na bagay sila ng anak ko.
“pa anong nangyari kay lolo? K=kamust a na daw si lolo? Bakit nawalan siya ng mlay?”
Sunod sunod na tanong ng aking anak.
Naririnig ko ang pag-aalala ngayon sa kaniyang boses. Hindi ko ssiya masisisi dahil maski ako ay nagulat at nag-aalala ngayon.
“hinihintay ko pa ang doktor, anak, mamaya ay malalaman ko ang dahilan dyan.”
Nang muling may kumatok sa pinto ay bumukas iyon at nakita ko ang mukha ng aking kinilalang ina noon. Napangiti ako at sinalubong ito ng yakap.
“ang masamang d**o matagal mamatay pero anong nangyari sa iyo alfonso?”
Napangiwi ako kay mom nang marinig iyon. Kahit na may edad na siya ay napakaganda pa rin niya ngayon.
“anak, isinama mo pa si hunter? Wala ba siyang gagawin?”
Tanong ko kay bettina...
Umiling lamang ang anak ko.
“sabi niya po ay hindi siya busy. Isinama ko na po saka nagpumilit siya.”
Napangiti ako at napatignin kay hunter.
“Peter, siguro ay bumili ka muna ng makakain at itong...
Napatingin si mom kay bettina at nakita kong napangiti siya.
“at itong apo ko ay baka nagugutom na. Saka gusto ko makausap naman ang aking apo at gnayon lang kami nagkita.”
Nakita ko ang kalituhan sa mga mata ni bettina. Mukhang balak ni mom na ikwento sa kaniya ang buhay ko noon. Tiyak na makakatulong iyon kay bettina dahil wala kaming pinagkaiba. Tulad ni bettina ay normal lang din dati ang pamumuhay ko hanggang sa nalaamn ko na anak pala ako ng mayamang negosyante.
“sige mom, pero si papa—
Nang mapatingin ako kay papa ay natutulog na pala itong muli.
Ngumiti ako at pagkatapos ay tumingin kay hunter. Nang tumango ako kay hunter ay akala ko lalabas na siyang silid ngunit hindi, dahil lumapit siya sa aking anak.
“sasamahan ko lang ang papa mo.”
Sabi ni hunter sa aking anak.
Nang tumango si Bttina ay lumabas na ako. Nakakatuwa ang aing mga napapansin mukhang nas amabuting kamay ang aking anak....
Bettina
Hindi ko alam ang sasabihin hano? Nakatingin sa akin ngayon ang maganda matanda na dumating kanina sabi niya ay apo niya ako.
“ahmmmm, hello po?”
Hidni na ako nakatiis. Nakakahhiya naman kasi nilalamon na kami ng katahimikan.
“hello, apo. Ako nga pala si Samantha, ako ang nagpalaki at nag-alaga sa ama mo bago siya mapunta sa matandang nakahiga na iyan.”
Napangiwi ako sa sinabi niya.
Si lolo pala ang tinutukoy niya.
“k-kayo po ang asawa ni lolo?”
Tanong ko ngunit napangiwi siya.
“hindi apo, pwedeng sabihin na kaibigan ako ng lolo mo at ako ang nag-alaga sa papa mo noon. “
Sabi niya, kung ganoon at kilala niya si papa ay tiyak kilala din niya ang aking mama?
“ibig sabihin po ay na-meet na ninyo ang mama ko??” tanong ko. Tumango naman siya.
Hindi ko maiwasang hindi ma-excite.
“p-puuwede ninyo po ba akong kwentuhan tungkol sa kanila?”
“oo naman, kabisado ko ang lovelife ng iyong mga magulang dahil ipinabasa pa sa akin ng iyong ina ang kaniyang journal, nasa akin pa nga iyon, guusto mo bang ibigay ko sa iyo?”
Nakaramdam ako ng pagkasabik lalo na sa sinabi ni lola samantha.
“opo! Opo kung pwede lang.”
Nang tumango siya at ngumiti ay hindi ko mapigilan hindi ma-excite. Matagal ko na sanang gusto itong malaman pero alam kong abala ang papa sa kaniyang trabaho.
Pero ngayon mabuti na lang at nameet ko si lola samantha! Nang nagsimulang magkwento si lola samantha ay nakinig na ako sa kaniya.
“Ganito iyon, dati kong kasintahan ang papa ng iyong ina at si peter naman noon ay kaibigan ng iyong ina.”
Samantha
Kamukhang kamukha siya ng kaniyang ina, nakakatuwa lang maalala iyong panahon na mga bata pa si peter ko at si janina.
Janina Eufemia day 23 detailed
P-PETER??
"Goodevening po"
"Oh no daddy... i told you i can leave alone here.. kasama ko naman sina yaya at manong jon eh.. please.."
Hindi ko inaasahan na makakasama ko na naman ang peter na ito! Nakakainis kaya siya! Siya iyong anak na mapang-asar ni tita samantha!
"No princess.. nagiging sigurado lang kami at kung hindi mo makakasama si peter dito hindi kami aalis...”
Aalis kasi at magbabakasyon si daddy kasama si Tita Samantha. Nakakainis nga kas sabi ko naman na kaya kong manirahan dito mag-isa kaso mapilit silang dalawa ni daddy. Hmp.
"Yep your daddy is right honey... babae kapa naman"
Sabi ni tita samantha. Kahit naman babae ako ay kaya ko naman ipagtanggol ang aking sarili saka ayaw ko nga diyan kay peter huhuhu biwist iyan eh.
“Janina”
Nang marinig ko ang seryosong boses ni daddy ay napanganga na lang ako. Wala na me magagawa huhuhuhu.
"I guess i don't have a choice akyat lang po ako.."
ROOM~
Hay jusmi bat ba yung Peter pa nayun yung makakasama ko at hindi lang 1 week oh 1 month kundi 1 year.
"Hoy annoying creature.."
Napalingon ako sa nagsalita, speaking of the freak heto na siya ngayon.
“Oh bakit pangit? Ano need mo?!" tanong ko sa kaniya. Pangit na to nanggugulat.
"Tawag kana sa baba,"
"Mukha kang palaka!!!"
Sigaw ko...
"Tsss magsalamin ka nga gwapo ako akala mo ba. kundi lang dahil kay mama hindi kita sasamahan dito tsch- ingaayy."
"Che!!! LABAS!!!!"
Sabi ko sabay bato ng unan, bigla naman syang tumakbo..
Unggoy na yun ah?
DINING AREA~~
Alam ko naman na anak ni tita samantha tong palaka nato eh.. kaso minsan iniisip ko na siguro ampon lang to kasi si tita samantha mabait ito naman utod ng sungit at sama ng ugali daig pa ang kasungitan ni miss minchin sa princess sarah kalalaking tao napaka sungit.. oo gwapo siya kase kung hindi sya gwapo hindi sya magiging kings sa school namin at pagpapantasyahan ng mga girls..
“Medyo magaling po si tita janina sa part na sinabi niyang ampon si papa hehehhe. Kasi po ampon ninyo po talaga siya.”
Napatawa ako sa sinabi ni Bettina sa akin. Oo nga, hindi ko rin inaasahan na pati iyon ay isusulat niya sa journal niya. At hindi ko rin inaasahan na ganito kadetalye.
“Tama ka, medyo magaling nga itong si janina kaya gustong gusto ko siya para kay peter ko.”
“Tapos po ano ang sumunod na nangyari?”
Tanong ni bettina....
Hindi sya mayabang kahit madaming ipagmamayabang tahimk minsan na nga lang magsalita masusungitan kapa hayy kaya wag na wag nyo yang babalaking makausap.. titiklop kayo pero iba ang mga girls sa school namin nasungitan na't lahat mga kinikilig pa mga abnoy eh.
"So be good to each other okay??" sabi ni tita samanthas a amin.
"Yea yea. " i said
"Nga pala hijo i heard na dean's lister ka?" sabi ni daddy kay peter.
Whups oo nga pala matalino rin pala siya..
"Ah yes po.." si peter naman ang feeling!
"Favor naman baka puwede mong itsutor tong princess ko"
What?!! yoko ngang maging tsutor yan! Nakakainis kaya yan! Ayoko nga siya nakakasama eh!
"Sige po"
Pshh--- hala pumayag pa?
"Alam mo ba honey na habulin ng girls tong peter ko? araw araw may pinapadalang chocolate sa bahay at kung ano-ano" tita samantha.
Oh well given naman iyon kasi may ehem itsura si peter pero hindi ko siya talaga type pero iyon nga maraming girls ang nagkakandarapa sa kaniya sa school.
"Ahh.. sa school din po kaso tinatapon lang ni devi-- este peter sa trashcan" - me
"Me pagka suplado pala itong anak mo no sweety parang ako lang nung kabataan ko.. hahaha" daddy
"Ay nako sobra" tita Samantha.
"Nag ka girlfriend kana ba hijo?" tanong ni daddy.
Naku chikboy yan dad! Hmp!
"Po? hindi pa po.."
Ay sinungaling!
"Kase nga sweety pihikan sa babae tong si peter ko" tita samantha.
Pag talaga binalikan ko itong journal ko at nabasa kong muli tong mga pinagsasasabi ko matatawa na lang ako. Hahahahhaha.
"Oww! ikaw ba honey nagka boyfriend na??" tanong ni tita angela sa akin.
Sa tanong ni tita nailaglag ko yung pork ko...
Shoot~
"Ahh.. manang pakikuha nga ng bagong pork si janina" daddy
What's with the janina?
"No dad its okay tapos namana akong kumain eh.. aakyat napo ako" i said
"Oh no.. may nasabi ba akong hindi maganda honey?" tita looking worried
"Po? wala po hehehe.” Sabi ko kasi wala naman talaga wala pa yon sa isip ko talaga. Pero... naalala ko na naman si Max.
"Sige po dad akyat nako" sabi ko dahil bigla akong nawalan ng gana kumain. Napatingin naman sila sa akin.
Nakita ko pa uyong weird look ni peter bago ako umalis.
Whooooohhh.. what a tiring day.
Napahinto ako sa pagkuwkento kay bettina, napaka attentive niya at nakikita ko na gusto niya talagang malaman ang mga ito dahil tungkol ito sa kaniyang mga magulang.
“Hindi po nagka boyfriend si mama bukod kay papa?”
Tanong ni bettina at ngumiti lang ako.
Hindi ko alam na nung araw na iyon ay kaya pala biglang umalis si Janina ay dahil bumalik sa kaniyang ala-ala ang dating nobyo.
“Mayroong dating nobyo ang iyong mama pero namatay ito pero mahabang kwento kasi nabuhay! Itong storya ng iyong mga magulang parang telenovela nga eh! Haahahahhaah”
“talaga po lola?! Wow grabe anno po ang nangyari? Hindi na po ako makapahintay na makita ang notebook journal ni mama.”
“oo dahil andon lahat, napakasipag isulat ng iyong ina pati mga salita ay inilagay niya siguro ay dahil nais niyang maalala pagdating ng panahon.”
Nang magpatuloy ako sa pagkukwento ay napansin ko ang pagkakamukha nila ni Janina.
Naalala ko tuloy ang mga kwento ni Janina sa kaniyang journal. Ang batang iyon talaga...
Janina Eufemia day 27
I'm i'm good at wasting time
iIthink lyrics need to rhime
And you're not asking
But i'm trying to go a mustache i am cheese
Only on pizza please
But sometimes on a home made quesadilla
Otherwise it smells like feet to me and i
I really like you when the moon looks like a toe nail
And i love you when you say my name ..
Kumakanta ako habang palabas ready for school na kase ako maglalakad nalang ako lapit lang naman university namin dito eh.
"If you wanna know here it goes gonna tell you theres a part of me that show and it last gonna tell you see everything and remember when you asked for it i'll try to do my best to impress buts its easier and let you take a guest just you want it what leaves in my brain and remember what youve asked for it for your perusing at times confusing slightly amusing introducing me.. do do do do do do do la la la la.. lalalalaladadada.."
"Hui.."
"Ay palaka!! jenny ano kaba!!"
Si Jenny iyong friend ko na madaldal kapitbahay lang namin sila.
"Hahaha sorry sorry ..nakakatuwa ka kase paborito mo parin bang kanta yan? tagal na ah mali mali parin lyrics mo hahahaha!!"
Kupal talaga tong si Jenny..
"Hanu jenny ayan ka na naman ikaw ba alam mo yung lyrics?, tsaka teka ba't nandito ka pa? Malelate na tayo ah?"
Kakagulat bigla nalang sumusulpot. Close naman kami ni Jenny pero now ko lang siya naisama dito sa journal ko. Hehe.
"Iniintay ka... lika sabay na tayong pumasok!" -siya
"Iniintay moko baket may kailangan ka ba sakin?" sabi ko
"bruhang to malamaang wala! Ang oa naman halika na at malelate na tayo."
Buti na lang kahit ganon ang mga banat ko eh nakakagets naman si Jenny.
BEEP BEEP!!!
"Ay palakang peter!!" ay ano ba naman yan uso ba gulatan ngayon??!! Maski si Jenny ay nagulat dahil sa pagbusina ni peter.
"Get in" sabi ni peter.
Nagkatinginan naman kami ni jenny, get in? Pinapasakay niya ba kami? Wow ang bait ha. Sakto late na kami. Pero ako sasakay sa sasakyan niya? No way.
"Ha?" -ako
"Pasok.." sabi ni peter
"Ha?" -ako
"I said get inside my car!"
Aba't sinisigawan ako!
“Eufi, pasok na tayo katakot iyang manliligaw mo”
Sabi ni Jenny sa akin nasa glid ko siya ngayon. Eufi iyong tawag niya sa akin kasi Eufemia second name ko.
"No." -ako
"What?" -siya na nangunot yung noo., aww ang cute.
"JANINA.."
Katakot yung boses niya may authority.
“Halika na nga kasi, napakaarte mo!” sabi ni jenny at pwersahan akong itinulak papasok ng sasakyan
Babaeng to!
“sige na peter letzzz goo na. Malelate na kami sa klase.”
WHAT THE ?!
"Evil.." i murmured
"I know i am. Ang arte-arte mo kasi ang gwapo gwapo nitong driver natin" sabi ni jenny at nagbelat pa sa akin.
Napalingon ako sa kanya nakakinis na ah. Ano ang gwappo asan ang gwapo?
CLASSROOM~~
"Okay class.. malapit na ang valentines day, at may program na magaganap every college magpepresent ng play but.. by group ito 2 groups per play.. at ang nabunot ko na makakasama niyo ay ang BS architecture..yung mga block 1 ng education at block 1 ng architecture ang magkasama at yung block two naman separated na sila and there will be a lot of scenes medyo mahaba ang play last year kase nabitin yung mga manonood dahil sa minsan 20 to 25 minutes lang ang itinatagal pero ngayon required na 1hr ang play at nga pala, kami na ang pumili ng mga characters para yung mga aayaw kami ang kakausap at syempre pag kami ang kinausap hindi na sila makakaayaw hahahaha.." -maam anie
Ha?? astig naman sa bagay nung last year boring nga yung play at super bitin.. pero ayoko sa idea ni maam na sila yung pumili..
"Ehh.. maam ano bang story?? Itong si Janina magaling gmawa ng story to panalo to" –si jenny
"Wait lang, pupunta din kase dito yung mga archi.. kasama si benj ko. hahaha" -maam anie
Nako si maam talaga pagdating kay sir benj. oo hahaha.
"Psst.. jaja kung sakaling kasali sa klist ni maam ka papayag ka ba?" –tanong ni Jenny
Hmmmm pinag-iisipan ko nga.
"Narinig mo naman yung sinabi ni maam diba?" -ako
"Oo hehehe"
"Ehh.. maam hindi naman siguro lahat kami kasama no?" -sabrina kaklase namin
"Yeah.. hindi naman" -maam
TOK TOK**
Natingin kami sa pinto , yung mga archi nayun tiyak
"Hi maam anie Goodmorning class. "
Ang hyper talaga ni sir benj lagi.. . pro infairnesss ang pogi! Kaya hindi ko rin masisi si maam hehehehe.
At ayun pumasok na ung mga students ni sir. tas may biglang nahagip yung mata ko..
Si peter may kausap na babae at nakangiti pa siya.. . hayy eto na naman iyong pakiramdam na ayaw ko.
Eh teka pamilyar yung babae eh.. iyon yung sinasabi ng ibang seksyon na girflriend niya! Hmp!
"Natalya.. please come here " sir benj.
Sabi ko na eh.. pamilyar natalya pala name nun.
"And you also, peter" -sir benj
"Marco and janinna eufemia you two" sabi ni maam anie.
Ha?? ako?? Saka si Marco? Hala! Dati ko itong crush eh! Nakakahiya!
Tumayo naman si marco at pumunta sa harap ko tas kinuha yung kamay ko at hinila ako papunta sa harap...
"Ouchhh!!" -hiyaw nung isang archi. naano yun??
"Okay, mukhang goodmatch yung napili mo maam anie" sir benj habang nakatingin sa amin ni Marco.
Hoy nakakahiya kaya!
"Hahaha oo nga eh.." maam anie
"Sir benj and i decided to make our own story wherein dalawang pair ang bida since two department per play.. ang ginawa namin parehas kaming kumuha sa department ng educ. at ng archi." -maam anie
Tas may biglang nagtaas ng kamay.
"Eh maam bat hindi nalang si marco at janina, kita niyo naman oh magkatabi pa lang bagay na bagay na i think mas maipeplay nila yung role ng maayos dapat isa nalang yung bida" -andrew
Adik ba to?? dalawa na nga daw eh.
"Ginawa namin to para fair sa archi department.. tsaka ang selfish naman ata kung dpartment lang natin ang bida diba? haha" maam anie
"Tama si maam andrew" -ana
Teka bat hanngang ngayon taban padin ni marco kamay ko??
Natingin ako sa gawi nila peter at... uh-oh.
Ang sama ng tingin niya sa akin! Ano na naman ang ginawa ko?!!!
"Maam siguro naman hindi sleeping beauty, beauty and the beast, snow white o kung ano pa man yung play diba?" -lara
"Hindi syempre.. common na yung mga sinabi mo eh.." -maam anie
"And kami ni maam anie ang gumawa ng story" sir benj
"Wow maam writer ka pala ?" -leon
"Hahaha talented ako eh. hahaha" maam anie
"So ang story ay tungkol sa isang babae na namatayan ng minamahal"- maam ani
Joke bato?? kahilig naman sa mayroong namamatay.
Naramdaman kong humigpit yung taban ni marco sa kamay ko. Bakit ano ang problema niya? Nang tinginan ko siya ay nakatingin siya kina peter at halaaaa... nakatingin si peter ng masama kay Marcos!
"How did she survive after the death of her only love..."
"And what did she do every minute of everyday without him.."
"I think maam anie ibigay nalang natin sa kanila yung story tas iannounce nalang natin kung sino yung mga gaganap." -sir benj
"Oo nga so, the story has 20 characters at yon nga apat ang bida. maeci, mina, ana , jengli, andrew, sky, sonny, jacob, samy , bryan, anona, jay, ava, whea, chrislie, at justine. kasali kayo sa play pila kayo dito at ibibgay na namin yung mga copies nandito nadin yung gaganapan niyo." -maam anie
"Maam!! you can't do this to me!!" -anona
"Yes i can! hahaha no act? no participation? no grades. hahaha" -maam anie
Mukhang decided na talaga ang mga gaganap ah?
"And for the four of you..." sabi ni sir benj
Nanahimik silang bigla lahat at ang atensyon nila ay napunta na sa amin.
"Bumunot kayo dito kapag magkamukha ang number kayo ang magkapartner" -sir benj
Ay akala ko naman kami na ni marco ang magpartner!
So ayun bumunot nanga ako pati si marco
At ipinakita namin kay maam anie
"Aba!! parehas number 1 yung nabunot nyo." -maam anie
"Meant to be talaga kayo!!" -ally
"Ibig sabihin si natalya na at peter ang magka partner, pero bumunot padin kayo." sir benj
So bumunot nadin sila.
Nakita ko na kumunot yung noo ni peter..
"Sir. i got number 1 also" sabi ni peter
Ha??
"Me too sir.." natalya
"Hala.. paano nangyari yon?" -maam anie
"Ah!! sir benj maling box naman yung nakuha mo eh . abey lahat talaga ng papel dito 1 ang nakasulat wait lang kukuhanin ko sa office" - maam anie
"Sige samahan na kita" sir benj
Umalis muna si sir at maam nakahinga ako ng maluwag..
"May problema ba?" tanong ni marco sa akin.
Problema? Walang problema? Pero si peter ata ang mayroon kasi kanina pa siya masama kung tumingin.
"H-ha?? w-wala" sabi ko
Tas biglang sinalat ni marco yung noo ko.
At sumimangot siya.
"May sinat ka... " sabi niya
Hala? Hindi ko naman ramdam na masama pakiramda ko? Manhid na ako?
"Talaga? kaya pala medyo nahihilo ako at sumasakit ulo ko." -sabi ko
"Oohhhh.. OUCH TALAGA!! TALAGANG TALAGA!!"
Kilala ko na sila , sila kase yung tinawag kanina sina bryan at samy.. mga kaibigan ni stephen at clyde. teka asaan nga pala si clyde?
“mom, kikunkwento mo ba kay Bettina iyong lovestory namin ni Janina?”
Napatingin ako sa pinto, ang bilis naman nilang makabalik.
“Oo naman! Sabi ko nga ay parang telenovela!”
“akala ko naman ay iyong kung paano ako napunta kay papa ang ikukwento mo pero nang marinig ko na ang pangalan ni janina ay saka ko lang napagtanto na buhay pag-ibig na namin ang ikinukwnto mo sa kania”
Napangiti ako sa aking anak.
Ganito siya palagi pag naaalala ang kaniyang asawa.
“nakakatuwa po pala si mama noon.”
Sabi ni bettina.
Alam kong hindi na makapaghintay ang apo ko na mabasa pa ang nilalaman ng notebook ng kaniyang ina.
Kanina ay puro pagtawa siya habang nagkukwento ako.