Bettina
Hindi na maintindihan ni Bettina ang mga nangyayari matapos ng school festival at matapos nang pakikipagpartner niya kay Collin ay mas naging palaisipan para sa kaniya ang lahat. Kahit na ngayon may kaya na siya sa buhay at namumuhay ng masaya kasama ang kaniyang lolo ay nararamdaman niya sa sarili niya na parang may kulang pa rin at hindi niya malaman kung ano iyon.
Hindi niya malaman kung ano ang kulang ngayon sa buhay niya.
“Anong problema mo?” jinie.
Nilingon sandali ni bettina si jinie. Dati ay magkasama lang sila sa dorm at masaya ngayon ay nakatria na silang dalawa sa kaniya-kaniyang bahay nila. Si jinie din ang tumulong sa kaniyang upang makasabay sa bagong buhay niya ngayon bilang isang choi.
“wala naman, saan tayo mamaya?” sabi niya kay jinie.
Umiling naman ang kaibigan niya at pagkatapos at kinuha nito ang cellphone nito.
“Sabi sa akin ni hunter ay mayroong bagong banda ngayon sa bar ni cole, gusto ko sanang pumunta, ikaw gusto mo ba? Saka tapos namana ang exams, tapos na rin ang festivals gusto ko namn na magsaya kahit papaano.”
Bar ulit? Pero sabagay okay lang naman kung pupunta kammi sa bar paminsan-minsan.
Haay... ang bilis ng panahon kasi kailan lang nagtatrabaho pa ako sa coffee shop ni bossing tapos singer ako sa bar ni cole. Hindi ako makapaniwala na ngayon buhay prinsesa na ako at anak pala ako ng isang mayamang negosyante at kilala ang pamilya namin sa buong pilipians.
“ano na aman ang iniisip mo dyan betty?” tanong ni jiine sa akin.
Hindi ko kasi maiwasang hindi mag-isip.
“malapit na magtapos jinie, saan ka magtatrabaho?” tanong ko sa kaniya.
Lumingon naman sa akin si Jinie pero sandlai lag iyon, muli niyang ibinalik ang kaniyang tingin sa cellphone niya at nagtype siya doon. Tingnan mo itong kaibigan ko na ito, akala mo wala ako kausap ah hindi siya matino kausap hmp.
“depende, baka sa kumpanya ni hunter o sa kumpanya ni papa, hindi ko pa rin alam. Siguro kapag malapit na saka na lang ako magdedecide ng kung ano ang dapat gawin.” Sabi niya.
Sa bagay masyadong pang maaga kung ngayon siya mag-iisip at maaring pang magbago ang desisyon niya. Pero ako? Saan kaya ako?
“sa tingin mo jinie saan ako magaapply ng trabaho?”
“ang tanong dito bettina kung pag aapplyin ka ng trabaho ng papa mo at ni Mr. Choi. Nakita mong napaka possessive nila sa iyo, khait na dapuan ka ng langaw o kaya naman ay kagatin ng lamok ay hindi nila hinahayaan.”
Napasimangto ako, oo nga. Pero hindi pwede na wala akong trabho. Ayoko naman na nasa bhaay lang at nagbibilang ng mga libro sa malaking linrary, mas sanay pa rin ako na may trabaho dahil simula anng bata ako ay iyon na ang nakalmulatan ko.
“huwag kang mag-alala maaari mo naman ding ausapin ang papa mo at ang lolo mo alam kong kug saan ka masaya ay papayagan ka nila.”
Iyon na lang din ang iniisiip niya.
“ang bilis ng panahon hano? Tingnan mo magtatapos na tayo parang kailan lang ay puro ka trabaho at ako naman ay puro aral lang. Sa dorm pa tayo lagi magkasama at nagtatawanan tapos madalas akong maawa sa iyo noon dahil sa kalagayan mo pero ngayon... anak ka pala talaga ng iang mayaman na negosyante at kakilala pa ng pamiyla namin.”
Hindi rin niya iyon inaasahan at isa pa hanggang ngayon ay parang panaginip pa rin sa kaniya ng lahat.
“oo nga eh, nung maipaliwanag sa akin ni mama ang lahat nagulat ako. Mahirap mapniwalaan.”
Nasanay kasi ako noon na puro sakit at hirap kaya hirap akong maniwlaa noon una sa mga nangyari.
“Pero bettina? Matanong ko lang, ano na ba ang nararamdaman mo sa kapatid ko?”
Napaaawang naman ang mga labi ko sa tanong ni Jinie bigla naman siya nagtatanong ng ganoon! Ano ang isasagot ko?
Mapang-asar iyong si hunter pero...
“hmmmm.... ang ibig sabihin ba ng pananahimik mo ay dahil hindi mo maaamin sa akin ang totoo?”
Napalunok ako, iniiipit nanaman ako ni jinie alam kasi niya na may gusto ako sa kuya niya kahit hidni ko iyon aminin sa kaniya.
Hayyy... ayoko na din namana magsinungaling sa sarili ko, sa mga ipinapakita ni hunter nahulog ako sa kaniya.
“huwag ka nga. Nagiisip pa kasi kao.” Sabi ko kay jinie.
Kkaiba na ang ngiti ng kaibigan ko ngayona t hindi ko iyon nagugustuhan. Ayoko umamin, medyo hindi pa kasi ako sigurado sa kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Nais ko munang maging klaro ang lahat bago koaminin sa kaniya, baka mamaya kasi ang kung kanino ni jinie sabihin, baka sabihin pa kay tita, kilaa ko ang kaibigan ko na ito.
“pero nakita ko kung gaano naging protective si kuya sa iyo noong nagpakita si Collin, natakot siya na baka may gawin si Collin na hindi maganda at baka masaktan ka. Alam mo bettina, si hunter hindi siya ganoon dati, nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala sa ‘yo.”
“nakikita ko sa mga mata ni hunter na gusto ka niya protektahan pero...”
Biglang tumingin si Jinie sa akin pero iyong tingin niya ay biglang nagbago ang itsura ng mga mata niya, biglang parang naging disappointe.
“pro naakainis kasi parehas kayong nagtatago at halos ayaw umamin sa nararamdaman. Halatang-halata na namin. Iyong mga pasimpleng mga pagaallaa ni hunter at iyong pagbabawal niya sa iyo na sumama kay collin.”
“w-w-wag ka ngang ganyan jinie.”
Ngumiti si jinie sa akin at pagkatapos ay sinundot niya ako sa pisngi.
“anong huwag akong ganito eh halata naan kasi, nakita ko rin na nagseselos siya pag malapit si collin sa iyo. Aba bettina hindi na kayo mga bata para amgddeny deny ng nararamdaman—
“bakit kayo ba ni cole kamusta?”
Nakita kong napahinto si jinie at lumayo ang tingin. Hidni ko alam kung okay na sila ni cole at kung sila na bang muli.
“oh natahimik ka no? Ayan, pero jinie, bakit hindi pa kayo magkabalikan?”
Hindi siya nagsalita kaya hindi ko na ulit binaggit pa iyon.
Nang matapos ang breaktime ay bumalik na kami sa klase wala namangmayadong ginawa anng maghapon na iyon at mabilis lang din na natapos ang mga klase.
“bettina, karaoke daw mamaya?”
Napalingon ako kay jinie.
Karaoke? Sino naman ang nag-aya mag karaoke?
“sino ang nagyaya magkaraoke jinie?”
“sila cayden....”- jinie.
Nang tingnan ko naman ang cellphone k ay nakita kong mayroong missed call ni papa.
“teka jinie tumawag si papa, tawagan ko lang ulit.”
Lumayo ako sandali kay jinie at pagkatapos ay tinawagan ko si papa. Ano kaya ang problema?hindi naman madalas tuamwag sa akin si papa dahil paguwian ay may sumusundo naman sa akin. O baka naman mayron siyang importanteng sasabihin?
Nang makailang ring na ay summagot si papa.
“papa? Bakit po—
“Anak? Nasaan ka? Nasa ospital ang lolo mmo.”
Para akong nabingi sa narinig ko, si lolo nas aospital?
Nang tumingin ako kay jinie ay nakita ko ang pagtataka sa mukha niya.
"Bettina anong problema? may nangyari ba?"
"papasundo kita riyan para pumunta sa ospital, hindi ko rin alam kung ano ang nanyari bigla na lang siyang nawalan ng malay."