Chapter 13

1520 Words
Jinie~ "ANO PO?!" Lahat kami yan ang reaksyon pwera kay hunter na nakahalukipkip at tahimik na nakikinig sa kwento ng mama ni Bettina. Si Bettina? si Bettina ang nawawalang apo ni Choi? ni Alfonso Sandoval Choi? akala ko namatay na ang apo niya kasama ng mama nito dahil sa ambush at ang anak nalang nitong lalaki ang nakaligtas? Grabi. isa pa naman sa pinaka mayaman sa pinas ang mga choi. Dalawa sa kompanya ni dad si alfonso choi ang biggest investors at ang alam ko close sila ni dad lalo na ang anak na lalaki ni alfonso choi dahil college buddies sila ni dad actually hindi lang kay dad pati sa tatay nila cole elliot at caden. "Joke po ba iyan aling sally?"- elliot Nandito kami sa coffe shop dito kami nagusap kase nagbabaka sakali itong si aling sally na makausap si bettina at ipaliwanag ang lahat para narin daw humingi ng tawad. "Hindi ito biro. hidi ko talaga anak si Bettina sa totoo lang napaka laki nga ng kasalanan ko sa batang iyon. ni hindi ko manlang siya natrato ng maganda at maayos noon kaya hindi narin ako magtataka kung bakit ganyan ang inaakto niya.." Kaya pala ganoon ang reaksyon ni bettina na makita ang mama niya. "Teka po ha? maaari niyo po bang ipaliwanag yung buong detalye kung paanong ang nag-iisang apo ni Alonso choi eh nasa inyo?"- caden "Isa akong waitress noon sa bar. papauwi na ako noon ng makakita ako ng isang babaeng tumatakbo at sumisigaw ng tulong. agad kong napansin ang batang dala niya na hindi tumitigil sa pag-iyak.tinanong ko siya kung bakit siya tumatakbo at humihingi ng tulong ang sabi niya sa akin papatayin silang dalawa ng anak niya." "Nung una ayokong masangkot dahil mapanganib ngunit naawa ako sa bata. noong gabi din iyong namukhaan ko ang babaeng iyon. siya yung babae na madalas mafeatured sa dyaryo at television siya ang asawa ng anak ni alfonso choi ang isa sa pinaka mayaman sa bansa. nagmakaawa ang babae na kuhanin ko ang anak niya at tumakbo na may tama narin kase ng baril sa braso ang babae kaya dala narin ng awa kinuha ko ang bata." "Agad akong tumakbo dahil sabi ng babae sakin aparating nadaw ang papatay sa kanila nagtago ako sa likod ng puno at doon ko nakita ang limang kalalakihan na nakaitim at nakabonet. kaawa awa ang nangyareng iyon sa tunay na ina ni bettina pinagbabaril nila ito hanggang sa maubos ang bala sa mga baril nila. natakot pa nga ako dahil hinahanap nila ang bata ngunit buti nalang at tumahimik noon sa kaiiyak si bettina. " "Ang isa sa kanila ay naisip na baka itinapon nalang ang bata sa ilog kaysa patayin sa pagbaril kaya umalis na ang mga ito na sobrang ikinapagpasalamt ko." "Kinupkop ko ang bata at pinalaki. maayos ang pakikitungo ko sa kanya dati pero nagbago ang lahat ng matanggal ako sa trabaho at natutong gumamit ng drugs napagbubuhatan ko ng kamay si bettina at nasasabihan ng masasakit na salita. ako din ang dahilan kung bakit siya nasa bahay ampunan. kaya ganoon nalang ang reaksyon nya ng makita ko." Tahimik lang kami pagkatapos niyang magsalita. "Malaki ang pagkakahawig ni bettina sa ina niya halos lahat nga ata kung mukha ang paguusapan ay namana niya sa ina niya." "Yea."- hunter Huh? "Akala ko nung una nagkataon lang na magkamukha sila ni Eufi."- hunter May alam siya? "Eufi?"- elliot cole and caden. "Eufemia faith Choi. siya ang ina ni Bettina."- aling sally, Hindi kopa nakikita ang taong iyon kaya hindi kopa masasabi kung magkamukha talaga sila but hunter says it hindi siya nagsasalita tungkol sa isang bagay kung hindi siya sigurado. "Eh paano po malalaman ng mga choi na si bettina nga yung hinahanap nila?"- shawn "Nakausap ko na si Alfonso choi." "WOAH.. talaga po?"- kuya rull Bumuntong hininga si aling sally. "Sa totoo lang isang linggo na ng lumapit ako sa kanila at nagpakilala noong una akala ko hindi sila maniniwala pero sinubukan at pinagkatiwalaan ako ni alfonso nakonsensya ako sa mga ginawa ko noon kay bettina kaya bilang paghingi ng tawad ibabalik ko na siya sa totoong pamilya niya." "Si alfonso ang naghanap kay bettina para sakin, unang kita palang niya sa larawan ngayon ni bettina nagulat siya dahil magkamukhang magkamukha kase ang ina nito at si bettina noong araw na iyon napagkasunduan naming kausapin ko muna ang bata at ipaliwanag ang lahat binigyan niya ako ng dalawang araw para ipaliwanag kay bettina ang lahat at ngayon na ang huling araw" Napatango kame. totoo ngang siya. ayos at okay nadin to dahil hindi na maghihirap sa pagtatrabaho si bettina. "Ate cindy nakita mo ba yung apr--- ANONG GINAGAWA MO DITO?" Biglang sulpot ni Bettina. mukhang galing siya sa locker room. "Anak.. may kailngan akong sabihin sayo please makinig ka muna sa akin."- aling sally "Ano ba mama. kung kukuhanin mo ako hindi ako sasama kaya ko ng buhayin ang sarili ko. naman mama umalis kana wala akong ibibigay sayo."- Bettina "Bettina. show some respect siya padin ang nagpalaki sayo,"- i said Napatahimik si bettina. "Please.. anak hindi na kita gagambalain after nito hayaan mo lang akong magpaliwanag." Bumuntong hininga si bettina at tumango. Lumabas muna kami at iniwan sila para makapag usap ng maayos. "Hindi ko sukat akalain na si bettina ang nawawalang anak ni tito Cassic."- caden "Same here.kase naman hindi kopa nakikita yung itsura ni tita Eufi."- cole "Ang alam ko sa bahay ng mga choi may malaking portrait siya eh kaso hindi pako nakakapunta sa bahay nila itong si Hunter nakapunta na nung isinama siya ni dad."- ako Tama si hunter nakapunta na. "I thought its just a coincidence. marami namang magkakamukha diba? pero napansin ko din yon."- "And..." Napatingin kami sa kanya ng ibitin niya yung sasabihin niya. "...I saw her nape, yung isa sa way para marecognize ang little princess ay ang balat niya na hugis bituin sa batok." "When? kelan mo nakita?"- cole "Last night. sa condo ko siya natulog by the way jinie." "HUH?!"- kami "So? bakit ganyan ang reaksyon niyo? nung nasa apartment na kami ipinabalik niya yung sasakyan dahil nakita niya yung mama niya sa harap ng apartment ang sabi niya sa coffee shop nalang siya matutulog but i refuse malamig doon." Kinantiyawan siya nila cole. "What the fck? can you stop that!" . . . . . "ANO?!!! SERYOSO?!!!!"- Nagulat kame sa sigaw ni bettina kaya napapunta ulit kami kung nasaan sila. baka kase mamaya ginugulpi na niya yung nanay niya. Jokes. "Mama naman nababaliw na ata kayo eh ako? anak ni Cassicor Sandoval Choi? MA. anak ni alfonso choi iyon diba? isa sa pinaka mayaman sa pinas tapos sasabihin niyo sakin anak niya ako at apo ni alfonso choi. ma yung totoo nag umagahan na ba kayo?" Nakatikim naman ng batok mula kay hunter si Bettina. "Shut up and just listen."- hunter Sinamaan naman ng tingin ni bettina si hunter. Nagpaliwanag ulit ang mama ni bettina. at ang reaksyon ni bettina lagi siyang nga nga. parang hindi parin siya naniniwala sa mga sinasabi ng mama niya at parang wala siyang balak maniwala. Hanggang sa may pumasok na mga lalaki sa loob ng shop. Puro ito mga nakaitim. At may is apang lalaki na lumitaw nakangiti naman siya na lumapit sa amin. Woah.. kilala ko to ah? "BUTLER KAN!"- sabay sabay naming sabi nila cole elliot at caden. "Kamusta miss Jinie? sir, cole, sir caden sir, elliot and sir Hunter?"- "Mabuti naman." abi namin. Kanang kamay siya ni Alfonso choi siya lang yung madalas naming kasama dati kapag may party siya yung kalaro naming lima. "So? do you mind explain why are you here?"- hunter Napatango tango naman si butler Kan. "Mr. Alfonso invited you all for a dinner tonight." Ang hilig sa ganito ni Mr. choi dati rin madalas niyang imbitahan si Dad at mom na mag lunch o dinner with us pero ako hindi sumasama dahil ayokong iwan si bettina at si hunter naman sa US noon kaya si kentarou lang ang nakakasama. Nagtataka nga ako bakit hindi ni dad nalamn na si bettina ang nawawalang apo ni mr. choi kung magkahawig naman si bettina at ang mama nito na si Eufemia? but siguro hindi naman namemention ni mr. choi kila dad o ni tito cassic dahil almost 19 years nang nawawala ito at tulad nga rin siguro ng sabi ni hunter na maraming magkakamukha kaya siguro nagdoubt din si dad at ayaw niyang umasa sila tito cassic at mr. choi. "Pero.. hindi kopo kilala yon. sa pangalan lang."- bettina "Hindi kaparin ba naniniwala? anak naman nagsasabi ako ng totoo at baka bukas o mamaya ipaliwanag din nila sayo at bigyan ka ng proweba na nagsasabi ako ng totoo."- aling sally "Its okay bettina, we know Mr. choi. he's a good man."- Sabi ko. "Yep, He's good miss diwata"- elliot Mukhang nakumbinsi naman si Bettina kaya tumango siya. Hayy.. Mukhang mababalik nako sa bahay sakaling isa ngang choi si Bettina yun lang naman ang dahilan kung bakit ako nag aapartment eh para tulungan at samahan si bettina dahil alam ko na mahirap at nakakalungkot ang mag-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD