Betty
Ughh. kelan pa lumambot ang higaan ko? ang sarap tuloy matulog mwehehehe..
Gising na kaya si Jinie?
"Jinie!! wag mo akong uubusan ng ulam ha?"
Maaga pa pasok ko pero ang sarap talaga ng higa ko dito kaya mga 5 minutes pa.
Nakakapagtaka lang mga ganitong pangyayayri eh dapat sisigaw na si jinie ng "ANO BA BETTY TANGHALI NA! BUMANGON KANA!" pero wala .
Di bale yaan muna hahaha.
"LOOKS LIKE YOU'RE HAVING FUN THERE CASSANDRA.."
Omg.. nananaginip ba ako?
"Hanggang sa panaginip ba naman dinadalaw parin ako ng boss kong may altik."
"Sinong may saltik?"
Nagulat ako ng bigla niyang inilapit ung mukha niya sakin.
Panaginip lang to betty mawawala din yang mukha ng boss mong may saltik.
"You're not dreaming nasa bahay kita hindi mo ba natatandaan ang nangyari kagabi?"
Bigla naman akong napahawak sa katawan ko at tiningnan ang katawan ko sa ilalim ng kumot.
But to my surprise hunter laugh.
"What the hell?"
Ang nasabi ko naman.
"Get up you're getting late sabay na tayong pumasok."
Aba ang bait ata niya ngayon? hindi niya ako aasarin?
Sa bagay pabor sakin ang hindi niya ako bwisitin. hehehe pero..
"Sandali."
"Why?"
"W-wala akong damit dito.."
Nga naman paano akong magpapalit?
"I bought you. may malapit namang bilihan ng damit dito"
Tapos may tinuro siya sa gilid ng kama . ahh...
Ay shoot.
"Dress?!"
"Why? karamihan sa mga estudyanteng nag-aaral sa kaisen naka dress even my sister ."
"But--
"Kung ayaw mo umuwi ka sa apartment mo at magpalit ka ng damit."
Kung gagawin ko pa yon hasle kase sa palagay ko malayo din ang lugar nato eh. mga isang oras o kulang isang oras papuntang apartment namin tsaka nag effort siyang bilhan ako sayang naman..
No choice nako.
Bumangon nako at nagtungong banyo.
Pero bumabalik din ako kase wala akong toothbrush. towel at ang masaklap . UNDIES.
"What?"
"A-ano.. kase wala akong toothbrush"
"Mayroon don sa cabinet hindi pa nagagamit."
"T-tsaka towel."
Tumayo si hunter at may kinuha sa drawer tapos inabot niya sakin.
"May kailangan kapa?"
Nakakahiya.
"Un.. "
"Un?"
"Dies." Sabi ko.
"I also bought you. kasama ng dress hindi mo nakita?"
Agad akong pumasok sa banyo dala yung mga kailangan ko at chineck ko kung mayroon ngang undies sa dress at oo nga meron nakapaloob don.
Magiging mabait na talaga ako kay hunter. hahahah nabilan niya ako ng ganito? sa totoo lang nakakahiya sa lalaki yon ah.
Pagkatapos kong maligo at mag-ayos dumiretso akong kusina nagugutom na ako eh.
Omg. *0* daming foods. may hotdog. ham. toasted bread. egg. pancake wtith chocolate syrup. at ang gusto ko sa umaga. RICE..
Naupo na lang ako at walang sabi sabing kumain.
"Grabe pwede ka nang mag-asawa."
Sabi ko sa kanya.
"*chuckle* Mukha kang mauubusan ng pag-kain dalawa lang naman tayong kumakain."
Shooot. nakakahiya. tama nga naman siya.
Napaayos tuloy ako ng upo at kumain ng dahan dahan.
Baka makalatan din tong dress sayang naman ang ganda pa naman iba talga pagka model ka ang dami mong alam about sa fashion at may taste sa pagpili ng damit.
Eh sa pagpili kaya ng babae may taste tong si hunter?
"Boss."
"Hm?"
"Nagka jowa kana?"
Bigla naman siyang nasamid sa tinanong ko sa kanya .
Inabutan ko siya ng tubig.
May nakakagulat ba sa sinabi ko?
"Okay ka lang?"
Tanong ko a kanya.
Tumango naman siya. bumalik nako sa pagkain balak kong ubusin to eh hihi ang sarap kahit pinirito ang sarap talaga.
After ng breakfast busog talaga ako sobra. dumiretso na kami sa sasakyan niya at pumuntang school.
"By the way you should dress like that. bagay sayo and.."
Nagulat ako ng hitakin niya yung pony ko kaya bumagsak yung buhok ko tapos inayos pa niya.
"A-ano bang?"
"Mas bagay sayo ang nakalugay ang buhok."
Sabi niya. napabuntong hininga nalang ako. as the super model says.
"And as I was saying mas bagay ayo ang ganyang damit.
"Nye, ang mahal kaya ng mga dress tsaka mas sanay ako sa pants at shirt itong mga ganitong damit kase kinukulang sa tela mahirap eh.."
Sabi ko.
"Kinukulang? mahirap?"
"Oo. kapag sasakay ako ng jeep kapag ganito suot ko mababastos ako pag naman humangin tataas mababastos nanaman ako tsaka piling ko ba anytime mahuhubaran ako dito. hindi talaga ako sanay."
Napapatango naman siya.
Pagdating namin ng school ang daming nakaabang sa harap tanaw ko pa dito sa gate .
mga fans ni hunter to.
"Huy dito mo nalang ako ibaba."
Sabi ko. ayokong makita nila na kasama ko to baka mamaya habang nagdadaan ako sa corridor may lumilipad na eraser papunta sakin o kaya naman baka may humablot ng buhok ko at may magspread ng sabi sabi sakin para lang siraan ako ganun kaya sa mga storya na nababasa ko sa w*****d.
"Why? medyo malayo pa to sa school."
"Eh kase.."
Napatingin naman siya sa direksyon na tinitingnan ko.
"Dont mind them. "
Sabi ni hunter at dumiretso na.
Hayahay..
Pagpark niya bubuksan ko na sana yung pinto pero pinigilan niya ako bumaba siya at pinagbuksan ako.
Baba o baba?
"I told you dont mind them."
Bumaba nako nasasayang ang minuto.
"Sino yung girl?"
"Wow ha in all fairness ang sexy niya..."
Pagkababa ko sa cotse ngayon ko lang napansin na medyo maigsi pala tong dress na nabili ni hunter hindi ba to labag sa rules?
"Boss saltik." bulong ko sa kanya
"Can you stop calling me saltik? and nasa school tayo ikaw na nga nagsabi sa trabaho mo lang ako boss kaya stop calling me boss kung wala tayo sa trabaho."
Pahiya ako. ayan.
"S-sorry naman. kase itong binili mong dress ang igsi hindi bako maga guidance dito?"
"No. tingnan mo yung iba maigsi pa diyan sa suot mo."
Tama nga naman siya. hay. sige na nga.
Habang naglalakad kami pinagtitinginan parin kami.
Tapos grabe kung titigan ako ng mga babae dito.
"Transferee? "
"Hindi ata parang pamilyar eh."
"Juice ko hunter kapag talaga ako napaaway dahil sa mga fans mo ikaw babalikan ko."
Sabi ko sa kanya.
"I wont let them hurt you dont worry."
Sabi niya.
*Dug dug.
Pagdating sa room..
"Woah.. miss diwata is that you? "- elliot
"A-ah.. hehehe YO." sabi ko sa kanila
Si hunter dumiretso na sa upuan niya at dumukdok.
Inaantok ba siya?
"Bettina! saan ka umuwi kagabi?!"- jinie
Patay nakalimutan kong sabihin sa kanya.
Hindi rin kaya sinabi ni hunter?
"May naghahanap pa naman sayo kagabi ang sabi ko nalang hindi ka makakauwi."
Si MAMA..
"May importante daw kasi siyang sasabihin sayo."
Ano kaya yon? an tagal na naming hindi nagkikita. kukuhanin kaya niya ako para pagtrabahuhin?
Pagkatapos ng ilang taon lilitaw siya at hahanapin ako.
"Sobrang importante daw ng sasabihin niya kaya...
...Pinapunta ko nalang siya dito."
"Huh?!"
"Bakit naamn ganyan reaksyon mo? may problema ba kayo ng mama mo? ni hindi ko nga alam na may mama ka pa pala eh ."- jinie
Oo nga pala hindi ko naikwento sa kanya yon ang alam lang niyang pamilya ko si lola rosaryo.
"BETTINA.."
Shoot.
Napatingin ako sa pinto.
Si MAMA Sally..
Ang laki ng pinagbago niya ang payat na niya sobra. ang lalim ng mga itim niya sa mata.
Nang humkbang siya napaatras ako. natatakot parin ako sa kanya.
Napahawak ako sa kamay kong may pilat.
"W-wag kang lalapit."
Sabi ko sabay labas sa room. hindi ko padin magawang harapin siya dahil sa takot.
Pinapangako ko kahit anong mangyare hindi ako babalik sa kanya.