Betty
"Boss?"
Tawag ko kung hindi ko pa siguro siya tinawag hindi niya pa ako mapapansing nandito.natingin agad siya sakin at nakakunot ang noo niya.
Napaatras namn ako.
BADMOOD.
"COME HERE."
Hindi ako natinag nakakatakot kaya parang pag lumapit ako
Ako na mismo naghukay ng libingan ko.
Tiningnan niya ulit ako ng masama.
Kinilabutan naman ako. wengya naman.
"I hate repeating what i've said Cassandra."
Wala nakong nagawa kundi ang maupo.
Pero nakalipas ang ilang minuto nagsalita ulit siya.
"Cassandra."
"B-boss?"
"Why are you sitting so far away from me?" sabi niya sa akin.
~
~
~
"E-e-eh g-galit ka eh!" sabi ko.
Napahawak nanaman siya sa sentido niya at hinilot hilot ito.
"I'm not angry . "
Ang sama na ng itsura niya pero gwapo parin lintek.
"Tsk."
Nagulat ako ng pumalatak siya. tapos nakita ko na nakapikit na siya.
"Boss? okay ka lang?"
"Do I look like I'm okay?"
Okay.. hindi nako magtatanong. nasungitan pa.
"My head hurts. migraine. ang ingay na mga babae kanina sa labas."
Sabi niya at ipinikit uli yung mata.hindi paba siya immuned sa ingay ng babae? gayong sikat naman siya dun palang sa america?
Umusog nalang ako papunta sa kanya at sasalatin ko sana ang ulo niya pero naiwan lang sa ere yung kamay ko na ilang inches nalang ang layo sa ulo niya ng dumilat siya.
"A-ano...
MAGALING AKONG MAG MASAHE."
Shit. bakit yun yung lumabas?!
Tinitigan lang ako ni hunter and to my surprise nahiga siya sa kandungan ko.
He place my hand in his head
"Tt hurts. really."
Sabi niya habang nakapikit.
Halata ngang nasasaktan siya lukot na lukot yung mukha niya eh.minasahe ko nalang siya kabayaran nadin sa pagiging late ko.
Shet. ngayon ko lang natitigan yung mukha niya ng ganito.
Juice ko bettina maghunos dili ka. kamag-anak mo si maria clara diba?
"Cassandra."
Pansin ko no? mas gusto niya akong tinatawag na cassandra kaysa bettina.
"Hmm?"
"I saw you in the road with the old lady."
Napataas naman yung kilay ko sa sinabi niya.
"Ah.."
"I'll let that pass because your reason is acceptable but next time do inform me kung malelate ka."
"Oo pasensya na."
Ipinagpatuloy ko lang yung pagmassage sa ulo niya at unti unti nang nawawala yung lukot sa noo niya.
"Ano.. salamat."
"Salamat kase hindi moko pinaalis dito sa trabaho ko kahit hindi kita natuturing na boss ko. "
"Hunter?"
Nakatulog na ata. great kumakausap ako ng tulog.
"HUNTER! ANG TAGAL NIYO NAMAN MAG-USAP NI MISS DIWA--
"Shhh.."
Sabi ko kay elliot na smuisigaw.
"Nakatulog sa sakit ng ulo." sabi ko sa kanila.
"Ganun ba."- caden
"Sa palagay ko tayo nalang ang pumunta sa bar."- cole
Nagsi sang ayunan naman sila.
"At bettina magleave ka muna ngayon. okay lang."- cole
"Talaga? salamt!"
"Bye miss diwata."- elliot and caden
Pagkaalis nila tinitigan ko nalang si hunter at nilaro laro yung buhok niya. ang gwapo naman niya nahiya naman ako yung mukha niya makinis pa ata sa mukha ko. hayy..
Makalipas ang dalawang oras at kalahati nagising din si hunter at time check. 8:26.
"What time is it?"
Sabi niya at bumangon.
"And why you're still here? may trabaho kapa sa bar ni cole right?"
"Pinagleave niya muna ako."
"Tsaka ang sarap ng tulog mo nakakahiya namang gisingin kita."
"Okay.. lets go. ill drive you home."
Okay lang kaya na magdrive siya? eh kakagising lang niya?
Sumunod nalang ako sa kanya gabi nadin gusto kong makauwi.
Pagkasakay namin sa cotse niya nun ko lang napansin yung istura niya kaya medyo natawa ako na ikinaagaw ng pansin niya.
"Why?"
Gulo gulo kase yung buhok niya.
"May tulo laway ka."
Tinitigan niya lang ako na parang alam niyang nagbibiro lang ako.
Kelan kaya ako makakaganti dito.
"Trying to make me mad? not bad."
Sabi niya and pinch my cheek.
"Aray naman."
Pagkadating namin sa dorm may napansin akong babae na nakaupo sa waiting area ng dorm namin.
Sino yun?
Pero ng matapat yung ilaw ng cotse ni hunter sa babae nagulat ako.
M-mama?
Si mama ba to? m-mama sally?
*Ring..
*Ring..
Wala sa loob na sinagot ko iyong tawag .
"H-hello?"
"Bettina may nagpuntang babae dito hinahanap ka nanay mo raw siya? sally ang pangalan sally dela cruz may mahalaga daw siyang sasabihin sayo at kailngan niyong mag-usap."- JINIE
"J-jinie.. hindi ako makakauwi ngayon gabi. pasensya na."
Sabi ko at ibinaba ang tawag.
"What happened?"- hunter
S-si mama bakit siya nandito? at mahalagang sasabihin? ano yung sasabihin niya?
"U-umalis na tayo dito."
"What? bakit?"
"B-basta sa shop nalang ako matutulog ibalik mo na ako don."
Naguguluhan na instart ulit ni hunter yung sasakyan niya at umalis na kami doon.
Bakit pa bumalik si mama? dahil kailangan na niya ulit ako? kase wala na syang pera at kailangan niya ng magbibigay sa kanya?
Napatingin ako sa coffee shop ng madaanan namin iyon.
"Uy dito mo nalang ako ibaba."
"No. you're not going to sleep there. were going to my place at doon ka matutulog."
"Ano?! huu ayoko nga!"
Sabi ko sabay akap sa sarili ko.
"Tss. woman wag kang mag-alala wala akong gagawing masama sayo at hindi kita type."
Grabe naman! parang sinabi niyang napaka pangit ko.
"M-mabuti kung ganon!"
"Dissapointed?"
"HINDI NO! magdrive ka na nga lang."
Nang makarating kame sa condo ni hunter namangha ako sa loob nayun. grabe lalaking lalaki yung nakatira black and white ang design. kalahi kaya nito ang mga panda? o baka nung bata siya fun siya ng kung fu panda? teka may kungfu panda na ba non? hehe..
"Wait me here."
Tumango lang ako. nilibot ko yung buong sala niya hindi naman malaki sakto lang para sa isang tao.
Pinaandar ko yung tv. tumingin ng mga magazine at nagulat ako ng makita ko siya sa isa sa mga magazine.
Topless.
Pero nakita ko nato ng personal eh.
*Kruuu
Tiyan ko.
*Kruuuuu
Hwehwe gutom nako.
Ilang minuto nakabalik na si hunter.
"So? ikukwento mo ba kung bakit hindi ka tumuloy kanina sa dorm niyo?"- sabi niya
He's now wearing a gray jogging pants and a white sando.
Juice ko po. ang sexy naman niya baka ako pa ang may gawing masama sa kanya. ehe.
*Kruuuuu
"Ah.. yung babae kanina sa tapat ng dorm namin ay yung .. siya yung.. mama ko."
*Kruuuuu
"Mama mo? i thought you're leaving alone at wala ng kamag-anak how come na nandito ang mama mo?"
"Hindi ko rin alam kung ano yung kailngan niya sakin inabandona na niya ako noon kaya hindi ko alam kung bakit siya bumalik."
"Inabandona? she did that?"-
Sabi niya ng nakakunot yung noo niya.
"Tango lang naman ang isinagot ko.
*Kruuuu
"Maybe you're not her real daughter thats why she did that."
*Kruuuuuuuu
"Siguro. teka.. may makakain kaba dito? hehehe nagugutom ako eh."
*Kruuuuuuuuuuuu
Napabuntong hininga si hunter at bumulong ng 'i knew it'
Bumulong pa dinig ko naman.
Pumunta sa kitchen si hunter at may mga kinuha sa ref. tapos nag apron siya.
Juice ko sya nalang kaya ang kainin ko mabubusog naman siguro ako no?
Tsk tsk. ano bayang iniisip mo bettina!
Kase naman ang cute niya ngayon naka apron pa. marunong pala siyang magluto. mukhang matatalo ako nito dun sa dalawa.
Pinagmasdan kong maghiwa ng mga ingredients si hunter napaka smooth niyang gumalaw.
"Ano ba yang lulutuin mo?"
"Adobo."
"Marunong ka pala niyan?"
"My mom thought me when i was little."
Napapatango nalang ako.
"May rice kaba?"-
Umiling siya kaya napagpasyahan kong samahan siya sa kusina at magsaing.
First time namin tong hindi kami nagbabangayan.
Ipinusod ko yung buhok ko at nagsuot nadin ng apron at nagsimulang hugasan ang bigas.
Naramdaman ko naman sa likod ko si hunter. bigla akong kinabahan ganito yung napapanood ko sa mga teleserye eh. yung ibabackhug ka nung guy..
"Peklat ba to?"
Akala ko naman.
Nagulat ako ng salatin niya yung batok ko.
Weak spot ko paman din yon!
"Oy! bakt ba?"
Sabi ko bigla bigla nalang kasing nananalat ng batok.
"That thing on your nape hugis star peklat ba kako?"
Ah yung birthmark ko pala yung tinutukoy niya. unang nakapansin nito si lola rosaryo eh ang ganda daw parang inihugis sa batok ko.
"Hindi peklat to. balat. balat."
Sabi ko sa kanya. parang nagulat naman siya kase yung singkit niyang mata medyo lumaki.
"Cassandra."
"Baket?"
"Kilala mo ba si Alfonso Sandoval Choi?"
Alfonso Sandoval Choi? nabasa ko na yung pangalan niya sa isang magazine at nabasa narin sa libro yung apelyidong choi. ang alam ko maimpluwensya ang pamilya nun eh sa madaling salita MAYAMAN.
"Medyo pero bakit mo naman na tanong?"-
"Nothing. sige ipagpatuloy mo nalang yan."
Sabi niya.
Weird?
Hunter
That birthmark. her name. and her looks. noong una akala ko coincidence lang yung pangalan niya at pagiging magkamukha nila kase madami naman talagang magkakapangalan at magkakahawig but her birthmark? one of the evidence that she's one of them.
I think finding the little princess is done.